Chapter 5

400K 11.7K 3.7K
                                    

Master

Uwian na at talagang inabot sakin ng Angel na 'to 'yong bag niya. Gagawin talaga niya akong slave.

Makakaganti din ako sayo, Angel. Sa huli sakin din naman ang huling halakhak. Sating dalawa ikaw ang iiyak sa huli. I can't wait for that day.

"Ikaw na din mag drive for me, okay?"

Hindi agad ako nakasagot sakanya. Seriously? Lahat na ba talaga iuutos niya sakin? Baka pati sa pagkain niya, gusto niya subuan ko pa siya.

Inabot niya sakin ang susi ng kotse niya. "Mag stay ka pala sa bahay, ikaw na gumawa ng assignments ko. Gagawa ka din naman ng sayo 'di ba." Ngumisi pa siya sakin. Pinilit ko na lang ngumiti para hindi niya mapansin na naiinis na ako ng sobra. For sure matutuwa pa siyang nakikita akong naiinis at nagagalit.

"Yes, master."

"Very good."

Habang papunta kami sa parking nakaisip na agad ako ng way para makaganti sakanya.

Pumasok kaming dalawa sa kotse niya. Tinulungan ko pa siyang mag suot ng seat belt para naman mag mukha akong gentleman sa paningin niya. Although gentleman naman talaga ako, hinid nga lang sa mga katulad niya.

Wala man lang akong narinig na thank you sa pagbukas ko ng pinto ng kotse at sa pag tulong ko sakanya mag suot ng seat belt. Ang tigas talaga ng mukha niya.

Binilisan ko 'yong pagpapatakbo ng kotse. Nakita kong gulat na gulat siya. Gusto kong tumawa ng malakas pero for sure magagalit siya kahit tahimik lang ako. Nag kunwari akong nawalan ng preno 'yong kotse niya kaya todo panic siya. Sobrang nakakatawa talaga. Nakaganti na din ako sakanya kahit papaano. Sana nga nakuhanan ko ng litrato 'yong mukha niya ngayon.

"Anong gagawin natin ha?" her terrifying look is priceless. "Ayoko pa mamatay!"

Binigla ko 'yong pag preno sa gilid ng kalsada. Kahit may seat belt siya nauntog pa din siya sa dashboard dahil sa sobrang lakas ng pag preno.

"Ouch!" sigaw niya. "What is your problem?" para na siyang dragon ngayon sa sobrang galit.

"I'm just trying the break!" depensa ko. "Gumagana na pala. Buti naman." Sinubukan kong hind imaging sarcastic habang sinasabi 'yon.

"You are a bad driver. Dapat hindi ka binibigyan ng license eh," lumabas siya ng kotse at hinila niya ako palabras. "Ako na nga lang ang mag di-drive."

Problem solved.

Ganon lang pala siya kadali paikutin. For sure hindi na magtatagal at makakaganti na din ako sakanya. Ngayon pa nga lang hindi ko na kayang tagalan ang ugali niya.

Ang bagal niya mag drive. Hindi ko alam kung nang-iinis ba siya o ganito talaga siya mag drive.

Maya-maya binuksan niya 'yong sounds sa iPod niya.

I don't know what kind of stupid song is playing. Rock music ata siya. I hate rock music. Puro RnB lang mga trip kong pakinggan. "Can you turn off the music or just change it? It's irritating."

Lumaki bigla 'yong ngiti sa mukha niya. Later did I realize that I made a wrong move. Hindi kop ala dapat pinapaalam sakany 'yong mga bagay na kinakainisan ko dahil for sure gagamitin niya 'yon laban sakin.

"I am your master, right? Ang gusto ko ang masusunod at gusto kong mag patugtog ng paramore songs."

Paramore your face. Pareho kayong annoying ng band na 'yan. "Okay, madali lang naman akong kausap."

Naiinis ako pero at the same time na cha-challenge din naman ako kay Angel. I've made my plan and there's no turning back.

Kumunot ang noo ko ng bigla na lang siyang kumanta ng malakas "Sing us a song and we'll sing it back to you."

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now