Chapter 29

245K 6.4K 3K
                                    

Old love

Ang weird.

Pakiramdam ko unang beses pa lang namin magkita. Para akong teenager na kinikilig. Sobrang bilis nang tibok ng puso ko. Hindi maalis 'yong ngiti sa labi ko.

"Para sa'kin?" Tanong ko. "Bakit?"

Hindi agad siya nagsalita. Tinignan niya lang ako. Hindi ko mabasa kung anong nasa isip niya. Masaya ba siya o malungkot? Parang siyang nakangiti pero parang gusto niyang maiyak?

"Gusto kong humingi ng tawad sa'yo, Skie," hinawakan niya ang kamay ko. "Sorry kung nasaktan kita. Sorry kung hindi ikaw ang pinili ko nang tanungin mo ako kung ikaw ba o si Caleb ang mahal ko."

"Nandito ka para humingi ng tawad sa'kin?" masyado ata akong nag-expect. Akala ko sasabihin niyang nandito siya dahil naisip niyang mahal niya ako pero ayos lang, irerespeto ko 'yong magiging desisyon niya. "Beatrix, hindi mo kailangan humingi ng tawad sa'kin. Kung siya na talaga ang pinili mo, wala na akong magagawa. Isa lang 'yong gusto kong sabihin mo sa'kin bago ako sumuko sa'yo, sabihin mo lang sa'kin na hindi mo na ako mahal."

"Skie—"

"Please just say it so I can move—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinalikan.

Tumigil sandali ang paghinga ko. Parang sasabog ang puso ko. Nananaginip ba ako?

Ilang segundo rin kaming naghalikan. Para talaga siyang totoo. Sinampal ko ang sarili ko, ayokong umasa sa wala. Parang aabot sa langit ang ngiti ko nang masaktan ako sa sampal ko. Ibig sabihin lang nito, totoo nga ang lahat.

"Nandito ako para sa'yo dahil mahal kita," hinawakan niya ang mukha ko. "Si Caleb man ang pinili ko noon pero sa'yo at sa'yo pa rin babalik ang puso ko. Skie, ikaw ang gusto ko, ikaw ang mahal ko at kahit anong mangyari, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko."

Hindi ako makapagsalita. Kusang tumulo ang mga luha sa mata ko, hindi dahil sa lungkot kung hindi dahil sa sobrang tuwa. Ang tagal kong gustong marinig sa bibig niya ang mga salitang 'yon at ngayon na sinasabi niya na 'to sa harapan ko, parang isang panaginip ang lahat. Sobrang sarap pakinggan na kahit na ulit ulitin ko pa, hindi ako magsasawa.

Niyakap ko siya. Sobrang higpit na parang ayoko na siyang bitawan pa.

"Mahal na mahal na mahal kita, Angel Beatrix Dela Fuente."

"Mahal na mahal na mahal din kita, Skie Gonzales."

Para talaga akong nasa cloud nine. Para akong lumulutang sa tuwa. Tinignan ko siya. Noon pa man, walang pinagbago ang mukha niya. Ang mata niyang para bang kumikinang, ang ilong sobrang tangos, ang pisngi niyang kusang namumula kapag mainit at malamig at ang labi niya na sobrang lambot.

Lumapit ako sa kanya at muli ko siyang hinalikan. Ang sarap ng labi niya. Sa bawat halik niya, ramdam ko ang pagmamahal niya sa'kin.

"Excuse me," agad na humiwalay sa'kin si Beatrix nang marinig niya ang boses ni Kiro. "Pwede bang mamaya na lang 'yang loving loving niyo? Gutom na kami ni Anya."

Natawa na lang kaming dalawa ni Trix. Lumapit siya kay Kiro para yakapin ito. "Nabalitaan ko kay Anya 'yong nangyari. Sobrang nalulungkot ako pero nandito ako para samahan si Skie na alagaan ka."

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now