Alternate Ending

2.5K 39 19
                                    



Isang taon na ako dito sa New York at kahit papaano, natutunan ko na mahalin muna ang sarili ko bago ang iba.

Unti-unti, nawala ang pag-asa ko na baka bumalik pa sa'kin si Beatrix. Isang taon na ang lumipas at wala pa rin akong naririnig mula sa kanya. Kung mahal talaga niya ako, siguro naman hindi aabot ng tao ang paghihintay ko. Baka natutunan na talaga niyang mahalin si Caleb o baka si Caleb naman na talaga ang mahal niya, pinagulo ko lang ang isip niya.

"I don't know if you want to see this but I think you need to know," inabot niya sa'kin 'yong phone niya. "It's time to give up, bro."

Siguro kalahati ng sarili ko, masasabi kong nakamove-on na ako kay Beatrix pero sa nakita ko, sobrang nadurog ang puso ko.

"Mukha naman masaya si Trix sa engagement nila ni Caleb," sambit ko. 'Yan na lang ang nasa isip ko ngayon, ang masaya siya. "Masakit pero ito na siguro 'yong sign na kailangan ko na talagang sumuko."

Tinabihan ako ni Kiro. "Alam mo bro, minsan hindi kaduwagan ang pagsuko. Mas matapang ang taong marunong sumuko kasi kaya nilang harapin 'yong pagkatalo nila." Tinapik niya ako sa balikat ko at tska siya naglakad palayo.

Huminga ako ng malalim.

Kahit papaano, nakaramdam ako ng ginhawa dahil ngayon alam ko na kung anong dapat kong gawin. Hindi ko na kailangan umasa sa wala. Hindi ko na kailangan na maghintay sa taong kailanman, hindi na babalik pa.

Panahon na para 'yong sarili ko naman 'yong isipin ko.

Tumayo ako at hinabol ko si Kiro. Kahit na pagaling na siya sa cancer, hindi ko pa rin siya maiwan na mag-isa.

Sa nangyari sa kanya, mas lalo lang kaming napalapit sa isa't isa. Nakita ko 'yong kabutihan niya. Nakita ko kung gaano siya kalakas sa paglaban niya sa sakit niya.

"Hey," sambit ko na may halong paghingal. Ang layo na agad ng nalakad niya. "Saan tayo mag lu-lunch?" Tanong ko.

"Sa unit, magluluto na lang ako," Sagot niya. Ayoko siyang mapagod kaya nang una hindi ko siya pinagluluto pero 'yon talaga 'yong gusto niya. "May napanuod akong video sa youtube, mukhang masarap 'yong food na ginawa niya."

"What if ako naman 'yong magluto ngayong gabi?" Tanong ko. Ang tagal na nang huli ko siyang pinaglutuan. Hindi ako magaling pero marunong ako konti. "May guide naman so madadalian lang ako."

"Fine," sambit niya. "I'll show you the recipe later."

I'll have to make myself more busy. Ayoko ma-stuck sa isip ko 'yong engagement nila Angel at Caleb. Tingin ko naman hindi dahil mas magaan na sa loob ko pero para safe lang. Minsan unpredictable ng sarili ko.

"Ito 'yong video. Ang ganda nang nagtuturo d'yan baka maging crush mo pa siya." binigay niya sa'kin 'yong phone niya. Napanganga ako ng makita ko kung sino 'yong nasa video. "Oh, bakit? Love at first sight?"

Bumilis 'yong tibok ng puso ko. Parang nag-iinit pa 'yong mga pisngi ko at napangiti ako bigla.

"Siguro nga, na-love at first sight talaga ako sa kanya," Sambit ko. Hindi lang ngayon, nang pinakaunang beses ko siyang nakita, ganito din ang pakiramdam ko. "Mas maganda pa siya sa personal."

"Nakita mo siya sa personal? Paano?"

Bumalik lahat sa akin 'yong mga alaala habang kasama ko si Karrie. Hindi ko mapigilan ang pag ngiti ko.

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now