Chapter 15

307K 8.6K 3.1K
                                    

Sorry

Ilang araw na akong hindi pumapasok at balita ko ganon din si Angel.

Nag-aalala ako ng sobra sakanya. Gustong gusto ko siyang puntahan pero alam kong ayaw na niya akong makita. Ang sakit pero alam kong mas nasasaktan siya ngayon. Sa totoo lang, wala naman akong karapatan na masaktan dahil kasalanan ko naman lahat ng 'to.

Karma ko nga talaga 'to.

"Skie, wala ka na bang balak pumasok?" Tanong ni Lola. "Ilang beses ng tumawag sa mommy mo 'yong school mo at tinatanong kung anong nangyari sayo."

"Alam na ni Mom at Dad?"

Tumabi siya sakin. "Oo pero ang sabi ko wag ka muna puntahan dito at ako na muna ang bahala sayo." Tinignan niya akong mabuti. "Anong bang problema, apo?"

Umupo ako at hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya. "Lola.. ang sama ko." Kabadingan man pero naiyak na ako. Wala naman akong ibang masandalan sa mga oras na 'tong kung hindi si lola lang. "Nasaktan ko si Angel."

"Ano bang nangyari? Kwento din ni Serina sakin na pati si Angel, hindi na pumapasok."

Napabuntong hininga ako. "Dati kasi lola, galit na galit ako kay Angel kaya nag isip kami nila Byron ng plano para makaganti sakanya. Naisip namin na ligawan siya pagkatapos kapag nahulog na siya sakin, iiwan ko siya bigla para masaktan siya ng sobra."

"Oh, hindi ba ganon na ang nangyari? Nasaktan mo na siya?"

"Iba na ngayon lola, nahulog na din ako sakanya. Mahal ko na siya lola. Ayoko na siyang masaktan pero wala, nasaktan ko na siya."

Binatukan ako ni Lola. Tumigil tuloy 'yong mga luha ko. "Ikaw naman pala ang may kasalanan ng lahat tapos ngayon i-iyak iyak ka dyan."

"Lola naman, alam ko nang kasalanan ko lahat ng 'to."

"Kaya nga wag ka nang magmukmok dyan. Sa nangyari, wala kang karapatan na masaktan." Hinila niya ako patayo. "Pumasok ka na. Hindi pwedeng itigil mo ang mundo mo dahil sa nangyari."

Tama si lola. Hindi tama na magmukmok na lang ako dito sa bahay. Life must go on.

"Alam kong nasasaktan ngayon si Angel, hayaan mo lang muna siya. Kapag tama na ang panahon, kausapin mo siya at humingi ka ng tawad sakanya."

Kapag si Lola ang nagsalita, maiiwan ka na lang tulala. Simple pero alam mong may laman. 'Yan din ang kwento sakin ni Daddy nung bata pa ako. Mga panahon na sobrang close pa kami.

Nag-ayos ako at pumasok.

Gulat na gulat sila Byron ng makita ako. "Bro, welcome back. Parang isang dekida kang nawala ah."

"Kamusta?" Tanong ko.

"Ito malungkot, wala ka eh." Sagot ni Waxy. "Alam mo ba ngayon lang din pumasok si Angel."

Kahit papaano, napangiti ako. Kamusta na kaya siya? Hanggang ngayon ba nasasaktan pa din siya? Gustong gusto ko siyang makita.

"Nagpalipat na siya ng section kaya hindi na natin siya classmate. Balita ko pa nga baka next quarter, lumipat na din siya ng school."

Nawala agad 'yong ngiti sa mukha ko. Ayaw na talaga niya akong makita na kailangan pa niyang lumipat ng school. Parang nadudurog ang puso ko pero sabi nga ni Lola, wala akong karapatan na masaktan.

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now