Special Chapter

187K 3.5K 879
                                    

Caleb

Minsan kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao kung may mahal naman na siyang iba, ikaw pa rin ang talo sa huli.

"Kung sa pagkatalo ko ay magiging masaya ka, siguro kahit papaano panalo na rin ako," sambit ko sa kanya. "Ikaw lang ang nag-iisang babae na minahal ko nang ganito. Sobrang sakit na sa huli, siya pa rin pala ang nasa puso mo at hindi ako."

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Ayokong umiyak sa harap niya dahil ayokong maawa ulit siya sa'kin. Ayokong mahalin niya ako dahil lang sa mahal ko siya. Gusto kong mahalin niya ako dahil mahal niya ako. Gusto kong buong puso niyang gawin at hindi dahil sa ito ang tama.

Alam ko naging selfish ako pero gano'n ko siya kamahal na kahit alam ko sa simula pa lang, si Skie na talaga ang nag mamay-ari sa kanya ay piniliy ko pa rin ang sarili ko.

Sinubukan naman ni Skie na magparaya, na maging masaya para sa amin ni Angel pero gano'n din niya siguro kamahal si Angel. Alam ko na mali 'yong ginawa ko sa kanya pero umalis na agad siya kaya wala na akong chance na makausap pa siya.

Pagkatapos ng tatlong buwan simula nang pumunta si Skie sa New York, hindi ko na nakita si Angel na ngumiti, 'yong ngiti na nakakahawa. Hindi man niya sabihin sa akin pero alam kong nasasaktan siya.

Pinili man niya ako pero sa puso niya si Skie pa rin ang mahal niya.

"Caleb, I'm sorry," umiyak na rin siya pero hindi ko kayang makita na ganito siya. "I'm sorry." Niyakap ko siya nang mahigpit, sobrang higpit na parang ayoko na siyang pakawalan pa.

"Angel, don't be sorry."

"Nasasaktan ka ngayon at kasalanan ko lahat ng 'to," oo, nasasaktan nga ako. Sobrang sakit na nga pero alam kong mas nasasaktan siya. "Minahal din kita, Caleb. Maniwala ka sa akin."

"Alam ko 'yon pero alam ko rin na mas mahal mo si Skie," hinarap ko siya sa akin. "Kaya nga ngayon, pinapalaya na kita. Malaya ka nang mahalin si Skie."

Isa 'yon sa mga masasakit na salita na sinabi ko. Masakit palayain 'yong taong mahal mo pero kung 'yon ang ikakabuti niya, mas okay na ikaw na lang ang masaktan at hindi siya.

I know, it's all going to be worth it.

Hindi siya nakapagsalita. Tanging iyak lang niya 'yong binigay niya sa'kin. Niyakap ko siya nang mahigpit at pinahid ko ang mga luha sa mata niya. Ayoko siyang nakikitang ganito. Kaya ko nga siya pinalaya para maging masaya siya.

"Sige na, puntahan mo na siya sa New York," sambit ko. "Alam ko, naghihintay siya sa'yo." sinubukan kong ngumiti para hindi maging mabigat sa kanya.

"Salamat, Caleb."

Gumaan ang puso ko ng makita ko siyang ngumiti kahit papaano.

Sinubukan ko naman na maging tayo hanggang sa huli pero mahirap talaga kalaban si tadhana, eh.

Alam ko naman na magiging masaya ka kay Skie at kaya ka niyang mahalin kagaya nang pagmamahal ko sa'yo o baka mas higit pa ang pagmamahal na ibigay niya.

Pagkaalis ni Angel papuntang New York, ilang araw din akong nagkulong sa kwarto ko pero dahil sa tulong ng parents ko, lumabas labas na rin ako.

Moving-on is never easy but I know it's going to be worth it.

"Caleb, pwede ka bang mag-seminar sa isang college university? Magandang market place 'yon para sa new application natin." sambit ni Mama.

Hindi man ako confident sa skills ko na magsalita sa harap ng madaming tao, pumunta pa rin ako. Mas okay na gawin kong busy ang sarili ko.

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now