Chapter 19

232K 6.6K 3.1K
                                    

Dangerous Woman

"Anong ginagawa natin dito? Akala ko uuwi ka ng maaga? Baka hanapin ka ni Tita."

Tinignan ko siya para manahimik. Kanina pa siya nag iingay. "Para kang babae na talak nang talak, Enzo. Kaya tayo nandito para bumili ng temporary phone."

"Dapat kasi kanina mo pa sinabi 'yan para nanahimik na ako."

Pakiramdam ko matagal pa maibabalik sa'kin 'yong phone ko kaya mas mabuti nang bumili ako ng bago. "Tingin mo, paano ko makakausap si Karrie?" Hanggang ngayon, hindi ko pa din alam kung paano.

"Bumili ka ng SVIP card."

"Seriously? For five million? Hindi pa ako nahihibang para lustayin ko ang pera ko para sa walang kwentang card na 'yon." Isa pa nasa sa eight million lang ang laman ng savings ko. Kapag ginalaw ko naman 'yong pera ng company namin, for sure papatayin ako ni Dad. "Wala ka bang maisip na mas cheaper way?"

"Alam mo bro, kung triple lang sa five million 'yong laman ng savings ko, bumili na ako para sa'yo pero saktong five million lang ang savings ko at ayokong mamulibi."

Nabuntong hininga na lang ako. Why do I have to be so stupid?

"Iphone naman 'yong phone mo bro, i sync mo na lang. Hayaan mo na lang 'yon. Nahihirapan na ako kakaisip, eh." May point si Enzo pero may tumutulak pa din sa'kin na kunin 'yong phone ko kay Karrie. "Ano bro? Ganon na lang please? Sumasakit na brain cells ko, eh."

"Kailan ka pa nagkaroon ng brain cells?"

Napanganga siya at akala ko nasaktan talaga siya, eh aminado naman siyang mababa 'yong IQ niya. "Ang sakit mo magsalita bro, meron ako non, hindi ko lang magamit kasi enemy kami." Kapag si Enzo talaga 'yong kasama ko, walang dull moment. Kagaya din siya ni Waxy, parehong pareho sila.

"Sige na nga, bibili na lang ako ng bagong iPhone, mas mura 'yon kumpara sa five million na card na 'yon."

Hindi ko alam kung anong nangyari sa'kin at kung bakit hindi maalis 'yong isip ko kay Karrie pero tama nga siguro si Enzo na nagsasayang lang kami ng oras para makuha 'yong phone na 'yon. It's just a phone anyway.

Bumili ako ng iPhone at nag sync agad ako para makuha ko ulit 'yong mga photos and contacts ko.

Pagbukas ko ng photo, nagulat ako na may litrato na si Karrie sa album ko.

Pagbukas ko ng photo, nagulat ako na may litrato na si Karrie sa album ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

May naramdam akong kakaiba habang tinititigan ko 'yong picture niya.

Hindi siya mukhang professional dancer dito. Parang siyang anghel na inosente dito. Ibang iba siya sa nakita ko kagabi.

"Huy, Skie?" Lumapit sa'kin si Enzo at inagaw niya agad 'yong phone ko. "F*ck bro! Si Karrie ba 'to? Ang ganda niya!" Inagaw ko pabalik 'yong phone ko. Pag papantasyahan niya lang 'tong picture ni Karrie. "Bakit may picture siya sa phone mo ha? Magsabi ka ng totoo! May nangyari na sa inyo, noh?"

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now