Chapter 9

340K 10K 3.8K
                                    

Goodbye

Nagulat na lang ako ng gisingin ako ni Angel.

What the fvck is she doing here?

"Hoy! Gumising ka na, ma-late na tayo." hinihila niya ako patayo pero dahil mabigat ako, nadaganan ko siya. Naglapit 'yong mukha naming dalawa. Mukhang gulat na gulat siya. Ngumiti ako pero sinungitan niya lang ako. "Umalis ka nga dyan?"

Tinulak niya ako palayo.

"Ikaw 'tong may kasalanan tapos ako pa itutulak mo."

Wala siyang masabi dahil alam niyang totoo ang sinasabi ko. Tumayo na lang siya at tumalikod sakin. "Get up, ipag  di-drive mo pa ako."

Umalis siya agad sa kwarto ko. Nahihiya siguro siya sa ginawa niya. Hindi ko tuloy maiwasan na matawa sakanya. Minsan pala nakakatuwa din siya pero madalas nakakainis siya.

Nag ayos na ako at nilagay ko ang tickets sa bag ko. Mamaya ko na lang ibibigay sakanya 'to kasama ng surprise ko. Panigurado, mahuhulog na talaga siya sakin nito.

Pagbaba ko, nagtatawanan si Lola at Angel. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila o kung bakit sila tumatawa pero pakiramdam ko ako 'yong topic nila. Baka mamaya kung anong kalokohan na 'yong pinagsasabi nito ni Angel kay Lola.

"Sige na, pumasok na kayo. Ingat kayong dalawa. Skie, ingatan mo 'to si Angel."

Baka ako pa ang mag-ingat sakanya. "Opo, Lola."

As usual, ginawa na naman akong driver ni Angel. Hindi ko talaga mapigilan tanungin 'yong sarili ko kung bakit ko ba 'to ginagawa. Kawawang kawawa ako dito sa babae na 'to.

"Anong nangyari sayo kahapon?"

"May ginawa lang ako."

"Ano nga?"

I looked at her. Is she curious about me? "Why do you care? I'm just your slave, right?"

Nagsungit agad siya sakin. Inaasar ko lang naman siya. "Eh 'di wag mong sabihin." Wala talagang kasing sungit 'tong babae na 'to. Parang palaging may menstruation.

"I'm just joking around. I just have an emergency."

"Whatever."

Hindi ko na lang siya kinausap kasi baka mas lalo siyang mainis sakin. Ang hirap basahin ng isip niya pati ng mood niya. Mga babae talaga, oh.

Pag baba pa namin ng kotse, nagdabog pa siya. Pagbubuksan ko pa nga siya ng pintuan pero umalis na siya agad.

Ano bang problema niya?

Grabe ba 'yong nasabi ko kanina sakanya? Ang light lang naman ng joke ko sakanya kanina. Baka nga may menstruation siya.

Hanggang sa classroom, hindi niya ako pinapansin. Gusto ko siyang kausapin pero parang may black aura sa paligid niya. Mamaya bigla na lang niya akong sampalin or ibalibag katulad ng dati.

Hindi ko na lang siya pinansin. I don't want to stress myself. If she doesn't want to talk to me then fine. Mahirap pilitin ang taong ayaw. Nawalan tuloy ako ng gana ituloy 'yong surprise ko mamaya para sakanya.

Pag bell, umalis na agad ako sa classroom. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong na bad mood. Ang lakas makahawa ng black aura ni Angel.

Pumunta ako sa locker ko para iwan 'yong iba kong gamit. Bago ako makaalis, lumapit sakin si Anya.

"Hi Skie."

May lakas ng loob pa talaga siya na kausapin ako? Hindi ba siya nahihiya para sa sarili niya? Sinabi ko ng ayoko sakanya.

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now