Chapter 16

232K 7K 570
                                    

Closing time

Dalawang linggo na lang, graduation na.

Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na ako 'yong naging Valedictorian this year. Lahat ng paghihirap ko nagbunga na din. Sobrang sarap pala sa pakiramdam na pagkatapos ng pagkakalat ko sa buhay, may bagay na din akong maipagmamalaki sa lahat.

Hindi pa alam nila Dad ang tungkol dito dahil gusto ko silang i-surprise.

I've worked hard for it.

"Oh ano, may valedictorian speech ka na ba?" Tanong ni Waxy.

"Oo pero hindi pa tapos, bro." Pareho silang nakangiti sa akin. Ang weird nila lately, parang may kakaiba sakanilang dalawa. "Anong problema niyong dalawa?"

"Masaya lang kami para sayo. Masaya kami sa mga narating mo." Hindi ko pa nakitang ganito ka sincere si Byron. "Ang laki na talaga ng pinagbago mo at ang nakakatuwa, maganda 'yong kinalabasan."

"Salamat kay Angel, siya ang nagpabago sayo." Singit ni Waxy. "Nakakalungkot nga lang na hindi maganda 'yong ending niyong dalawa." Binatukan siya bigla ni Byron. "Pinaalala mo pa talaga?"

"Ayos lang, totoo naman. Hindi naging maganda 'yong ending namin at kasalanan ko lahat 'yon."

Natahimik kaming tatlo.

"Skie, uuwi ka na ba? Gusto mo uminom?" Pag-aaya ni Waxy. "Tara minsan na lang 'to oh."

"Sorry bro, pinagluto kasi ako ni Lola ng dinner ngayon. Next time na lang." biglang lumungkot 'yong mukha niya. "Wag ka mag-alala, babawi ako sa inyo ni Byron."

"Hihintayin ko 'yan, bro."

Alam ko madami na akong pagkukulang sakanilang dalawa bilang kaibigan pero kailangan ko din kasi mag focus sa pag-aaral ko.

May isa pa akong class pero medyo matagal pa siya kaya tumambay muna ako sa hallway na malapit sa locker ko.

Simula ng lumayo ako kay Angel, hindi na ako nakinig ulit ng mga Paramore songs. Puro The Script na mga kanta na lang 'yong pinapakinggan ko. Wala eh, heartbroken talaga ko kahit na ilang bwan na ang lumipas. Ganon pala talaga kalakas 'yong tama ko sakanya.

Hindi na siya lumipat ng school kaya kahit papaano nabawasan 'yong sakit kasi kahit sa malayo nakikita ko siya. Masaya ako kapag nakikita ko siyang masaya pero may kurot din sa puso ko dahil alam kong hindi ako ang nagpapasaya sakanya. Ang gulo na minsan hindi ko na maintindihan 'tomg nararamdaman ko.

Sabi nila Byron, subukan ko ng mag move-on kay Angel dahil mukhang wala na talaga akong pag-asa sakanya. Minsan naiisip ko din 'yon pero wala eh, mahal ko talaga siya. Isa pa, wala din naman akong mahanap na papantay sakanya.

"Nakaganti ka na sakanya 'di ba? Ano pang gusto mong gawin?"

Tumayo ako ng may marinig akong boses. Sino namang tao dito? Usually, ako lang ang tao kapag ganitong oras.

"Kulang pa 'yon, nakikita ko ulit siyang masaya kaya kailangan gumawa pa ako ng paraan para masira siya."

Pamilyar sakin ang boses ni Anya. Tumayo ako at hinanap ko sila. Nagtago ako para hindi nila ako makita. Hindi man ako sigurado pero may kutob akong si Angel ang pinag-uusapan nila. Kay Angel lang naman siya may malaking galit.

"So anong balak mo?"

"Ipapabugbog ko siya don sa mga binayaran kong lalaki, sabi ko bahala na kayo kung anong gusto niyong gawin basta gusto ko mabugbog siya."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Si Angel ba 'yong tinutukoy niya? Dahil kung oo, baka siya ang bugbugin ko.

"Hala! Baka mapatay nila si Angel!"

Sa pag banggit pa lang ng pangalan ni Angel, nakaramdam agad ako ng matinding galit.

"Easy ka lang, sinabi ko naman na wag nila gawin 'yon dahil kahit papaano naman, hindi ako mamamatay tao, noh."

Lumapit agad ako saknila. Hinawakan ko si Anya sa braso niya. Wala na akong pakialam kung babae siya. "Hayop ka talaga Anya, demonyo ka! Asan sila ha? Asan si Angel?" Pilit niya inaalis 'yong kamay ko pero mas nilalakasa ko pa 'yong paghawak ko sakanya. "Sumagot ka o baka ikaw ang bugbugin ko ngayon!"

"Hindi ko alam!" Sigaw niya. "Sabi ko lang sundan nila si Angel pero hindi ko alam kung nasan talaga sila!"

Gusto ko pang higpitan 'yong pagkakahawak ko sa braso niya pero mas importante ngayon si Angel.

Binitawan ko siya tska ako tumakbo papunta sa naaalala kong class ni Angel ngayon.

Nagulat ako kasi walang tao.

Nasan ka na Angel?

Sinubukan kong tawagan 'yong phone niya pero walang sumasagot. Mas lalo akong kinakabahan. Sana wala pang nangyayaring masama sakanya. Hindi ko talaga mapapatawad si Anya kapag nasaktan kahit dulo ng daliri ni Angel.

Buong school nilibot ko na pero wala pa ding bakas ni Angel. Hahang tumatagal mas lalo siyang nalalagay sa panganib. Natataranta na ako pero pilit ko 'yong nilalabanan dahil alam kong wala naman 'yong magagawa para mahanap ko si Angel.

Muntik na akong mawalan ng pag-asa na makita siya pero sa wakas nakita ko siyang palabas ng school. Hindi ko alam kung saan siya galing at hindi ko siya nakita.

"Angel!"

Kahit anong lakas ng pagsigaw ko, hindi pa din niya ako marinig. Tumakbo ako papunta sakanya pero nakalabas na siya ng gate.

Ano ba Angel, bakit palagi ka na lang lumalayo sakin?

Naghanap pa ako pero hindi ko siya nakita.

"Siya nga kasi 'yong pinapabugbug satin ni Ms. Anya."

Bigla akong napahinto sa narinig ko.

Tinignan ko sila. Anim na malalaking lalaki na mukha talagang gagawa ng masama.

"Nakalayo na ata siya! Tara sundan na natin 'yong Angel na 'yon!"

Bago pa sila makaalis, pinigilan ko na sila. "Dyan lang kayo. Bago niyo masakatan si Angel, skain muna kayo dadaan."

Napatingin silang anim sakin. Tinignan nila ako mula ulo hanggang paa. Nagulat ako nang bigla silang magtawanan.

"Ikaw? Pipigilan kami?" Sabi nung pinakamaliit sakanila. "Seryoso ka ba boy?" Nagtawanan ulit sila.

"Boyfriend ka ba ni Angel ha? Kung makaasta ka akala mo kung sino ka." Tumawa siya ng malakas. "Balita ko virgin pa siya kaya tingin ko manliligaw ka lang niya. Sorry boy ha, uunahin ka na namin sa bataan."

Hindi ko na siya pinagsalita ulit, tumakbo ako papunta sakanya pagkatapos sinuntok ko siya gamit ang buong lakas ko. Nasaktan din ako dahil kung tutuusin makapal talaga 'yong mga mukha nila. Worth it naman dahil napatumba ko siya at gigil na gigil na ako sakanya.

"Gago ka! Wag na wag mong hahawakan si Angel dahil baka mapatay kitang hayop ka!"

"Ang kapal ng mukha mo!" galit na galit siya pero hindi siya makalapit sakin dahil nakahiga pa din siya sa sahig. "Magbabayad ka sa ginawa mo sakin boy!"

Sinugod ako ng dalawa pa niyang kasama pero hindi nila ako nahuli. Gumanti ako ng suntok pero magaling din silang umilag. Nang mapaatras ako sakanila, biglang may humawak sa kamay ko.

"Huli ka ngayon." Tuwang tuwa 'yong parang leader nila na nahuli nila ako. "Magdasal ka na ngayon."

Tumawa lang ako. "Walang rason para mag dasal ako, hindi ako natatakot sayo."

Sinamaan niya ako ng tingin. Lumapit siya sakin at susuntukin niya sana ako pero sinipa ko siya sa maselang parte niya kaya napahiga na naman siya. "Sabi ko sayo 'di ba? Hindi ako natatakot sayo."

"Gago ka!" nagawa pa niya akong murahin kahit namimilipit na siya sa sakit. "Bugbugin niyo 'yan hanggang sa mawalan 'yan ng malay!" sigaw niya.

Lumapit sakin 'yong dalawa pa niyang kasama pagkatapos sinuntok nila ako, sinubukan ko silang sipain pero may isa sa likod ko na pinukpok 'yong ulo ko. Medyo nahilo ako sa ginawa niya kaya hindi na ako nakapalag pa sa mga susunod na suntok nila sakin. Nang napahiga na ako sa sahig, tinadyakan na nila ako sa ulo at katawan ko. Gigil na gigil sila sakin. Gusto kong lumabas pero masyado silang madami.

Mabilis na ang mga sumunod na nangyari at nawalan na ako ng malay.

Pag gising ko nasa puting kwarto na ako.

"Okay ka na ba? May masakit pa ba sayo?"

Imbes na sagutin ko siya, natulala na lang ako. Totoo ba talaga 'to? Nandito si Angel sa harapan ko tapos tinatanong pa niya kung ayos lang ako at kung may masakit bas akin. "Patay na ba ako?"

Natawa siya. "Unfortunately buhay ka pa., Skie."

Nagtataka talaga ako sa mga nangyayari. "Buhay ako? So meaning totoong nandito ka nga sa harapan ko?"

Tinignan niya lang ako.

"Baka naman nananaginip ako?"

Sinampal niya ako at nakaramdam ako ng sakit pero alam kong hindi niya nilakasan 'yong pagsampal niya. Tama lang para magising akong hindi nga ako sumakabilang buhay at hindi din ako nananaginip.

"Bakit nandito ka?"

"Nakita kitang nakahandusay sa kalsada at duguan kaya dinala kita dito sa hospital." Nilabas niya ang phone niya. "Teka, tatawagan ko na muna sila Kiro para malaman nila 'yong nangyari sayo." Pinigilan ko agad siya bago pa man siya makatawag sa kung sino man sa bahay. "Anong ginagawa mo?"

"Wag mong sasabihin kahit kanino na nandito ako. Kaya ko naman 'yong sarili ko. Makakalabas na din ako."

Inalis niya 'yong kamay ko sa pagkakahawak sakanya. "Ano bang problema mo? Bakit ayaw mong ipaalam sa pamilya mo 'yong mga nangyayari sayo? Hindi mo ba naisip na mag-aalala sila sayo? Ganyan ka ba talaga ka selfish?"

Natigilan ako sa mga sinabi niya. Nakaramdam ako bigla ng galit. Paano niya nabibiwatan ang mga salitang 'yon? Hindi naman niya ako lubos na kilala, hindi niya alam kung anong meron sa pamilya namin at lalong hindi niya alam na kaya ako nabugbog ay para iligtas siya.

"Ayokong malaman ng mga magulang ko 'yong nangyari sakin dahil alam kong iisipin na naman nila na nakipag basag ulo na naman ako kahit na ang totoo hindi ganon 'yong nangyari."

"Hindi ganon 'yong nangyari? Eh ano pa bang nangyari? Hindi ba nakipag away ka?"

Ayokong tumingin sakanya dahil ayokong makita niya 'yong galit sa mukha ko. Ayokong matakot siya sakin pero hindi ko din talaga kayang pigilan 'yong emosyon ko ngayon lalo na kapag napag-uusapan 'yong tungkol sa pamilya ko at sa pagkatao ko.

"Ganon ba talaga ako kadaling husgahan?"

Hindi niya ako sinagot. I'll take that as a yes. "Siguro nga ganon ako kawalang kwentang tao na wala akong karapatan na ipagtanggol 'yong sarili ko."

Tinanggal ko kung ano man 'yong mga nakadikit sa kamay ko.

"Salamat sa pagdala sakin dito sa hospital. Pasensya ka na at naabala pa kita, pwede mo na akong iwan, kaya ko na 'yong sarili ko."

Sinubukan kong tumayo kahit na medyo nahihilo pa ako. Ang sikip ng dibdib ko. Gusto ko na lang umuwi at makita si lola.

Pumunta ako sa nurse station para i settle 'yong bills ko sa hospital. Ayaw pa nila akong pauwiin pero hindi na nila ako napigilan, pakiramdam ko mas lalo akong magkakasakit ditto sa hospital.

Nag uber ako pauwi sa bahay.

Alas onse na pala ng gabi. Nasa labas pa lang ako ng bahay, kita ko na si lola sa loob. Naka ilang missed calls na din siya sakin.

"Skie!" sigaw niya. Lumapit agad siya sakin at niyakap ako. "Nag-alala ako sayo ng sobra, ano bang nangyari sayo? Sabi mo uuwi ka ng maaga."

Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko pero nalulungkot ako dahil pinag-alala ko si lola. "Sorry lola, may hindi lang inaasahan na nangyari sakin kanina."

"Bakit puro pasa ka sa mukha? May umaway ba sayo? Parang putlang putla ka?"

Pakiramdam ko ang taas ng lagnat ko at parang mawawalan ako ng malay. "Magpapahinga muna ako lola."

Inalalayan niya ako papunta sa kwarto ko. Wala akong narinig na kahit ano sakanya. Nakita ko lang 'yong pag-aalala sa mukha niya. Mga bagay na hindi ko naranasan sa mga magulang ko.

"Iinitin ko lang 'yong sopas na ginawa ko para sayo. Magpahinga ng mabuti."

Mas maganda talaga na nandit ako sa bahay ni lola kaysa duon sa hospital. Mas maaalagaan ako dito.

Tumunog ang phone ko, nakita ko 'yong pangalan ni Angel.

Nakatitig lang ako sa screen ko pero hindi ko magawang sagutin ang tawag niya.

Siguro nga hindi talaga kami para sa isa't isa. Hindi bagay ang katulad kong walang kwenta sa katulad niya.

Siguro tama si Byron.

Kailangan ko na nga siguro talagang mag move-on.

Baka sa paraan na 'yon, pareho kaming maging masaya.

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now