Chapter 17

254K 7.6K 3.2K
                                    

Chapter 17: Peace Offering

Medyo hirap pa din akong maglakad. Napuruhan ata ako ng mga mokong na 'yon sa tagiliran. Pambihira talaga, ako na nga 'yong tumulong, ako na nga 'yong nabugbog, ako pa din 'tong masama.

Lahat ba ng kamalasan na sa akin na?

"Bro, anong problema?" bungad sakin ni Waxy. "Napaaway ka ba?"

Umiling ako pero sa tingin nilang dalawa ni Byron alam kong hindi sila naniniwala. "Mahabang kwento pero ayos lang ako."

"Sigurado ka ba? Kaya naman naming resbakan 'yang mga gumulpi sa 'yo. Sabihin mo lang kung sino." Naiinis na sabi ni Waxy. "Sabihin mo, sino ba?"

"Hayaan niyo na 'yon."

"Sige hayaan na natin pero mabuti pa mag inuman na lang tayo mamaya. Ang tagal na nating walang session."

Gusto ko man na tumanggi pero alam kong Malaki na 'yong pagkukulang ko sakanila. "Sige magkita na lang tayo mamaya after class."

"Sa wakas naman, pumayag ka din!" tuwang tuwa si Waxy. Mukhang miss na niya akong kainuman. "Mamaya ha? Wala ng bawian 'yan."

Masayang masaya silang dalawa. I'm glad we're still friends even if I'm not with them all the time.

Pumunta ako sa locker area at nagtaka kung bakit may nakasabit na plastic sa handle ng locker ko. Tinignan ko agad 'yon at puro chocolates 'yong laman niya. May note pa sa likod ng chocolate.

'Thank you, sorry.'

Sino naman 'yong magbibigay nito sa 'kin?

Tinago ko na lang siya sa bag ko. Buong klase iniisip ko kung sinong nagbigay sa'kin nito. Iniisip ko baka si Angel pero bakit naman siya mag ti-thank you sa'kin. Hindi naman niya alam na in some way, niligtas ko siya sa mga gago na 'yon.

Ayoko na lang din umasa kasi panigurado masasaktan lang ako. Isa pa, desidido na akong mag move-on at kalimutan siya. Pinapahirapan ko lang 'yong sarili ko sa ginagawa ko. Mas magiging masaya pa nga siya kapag na nawala na ako ng tuluyan sa buhay niya.

Hinintay ko sila Byron sa tambayan namin. Ilang minuto lang dumating na sila. "Ang tagal niyo naman, kanina pa ako naghihintay." Reklamo ko.

"Sorry ang tagal kasi magpalabas ng professor namin." Sambit ni Byron. "Ano, tara na?"

Palabas na kami ng building nang biglang dumating si Angel. Tinignan ako ng dalawa pero inangat ko lang 'yong balikat ko. Hindi ko din alam kung bakit siya nandito.

"Pwede ba kitang makausap, Skie?"

Sabay-sabay kaming nagtinginan. Anong nakain niya at gusto niya akong makausap bigla? Parang kahapon lang, kung ano-anong pinagsasabi niya sakin.

"Okay lang ba?"

Hindi ko pa din mabasa kung anong nasa isip niya pero wala na akong makitang galit habang tumitingin siya sa mata ko.

"Pupunta kasi kaming bar ni Skie, eh. Next time—" Siniko ni Byron si Waxy. "Aray! Ang sakit bro ha!"

"Actually, cancelled na 'yong pagpunta namin sa bar. Mag lalaro na lang kami ni Waxy sa bahay." Tinignan ko si Byron. Kailan pa nagkaroon ng ganong usapan? Last time, ang plano sa bar kami pupunta. "Sige iwan na namin kayo ha."

Mabilis silang sumibat kaya wala na akong nagawa pa.

Nagkatinginan lang kami ni Angel.

Pambihira naman talaga. Kung kailan naman nag mo-move on na 'yong tao tska naman niya ako guguluhin.

"Anong pag-uusapan natin?" tanong ko.

Huminga siya ng malalim. "Pwede bang wag tayo dito sa school?"

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now