Chapter 23

224K 6.1K 2.9K
                                    

Begin again

"Tanga ka pa rin pala." Ang diin ng pagkakasabi ni Karrie na tumatagos hanggang puso ko. "Sobrang tanga mo."

Siguro nga, tanga talaga ako. Kaso iyon ang tama, eh. "Iniisip ko, baka hindi talaga kami para sa isa't isa. Isipin mo, ang dami na naming pinagdaanan pero palagi pa rin may hadlang sa aming dalawa. Baka dito na lang talaga, hanggang dito na lang ang lahat." Hindi ko maiwasang maiyak.

Bakit kailangan maging komplikado ang lahat?

"Nag a-apply ka ba na mapunta sa langit? Ang bait mo, eh. Sobrang bait mo na pati kaligayahan mo kinalimutan mo na para sa mga taong mahal mo."

Mas okay siguro kung iyon na lang ang isipin ko. Sa mga ginawa ko, may chance na akong mapunta sa langit. Sa lugar kung saan walang sakit.

"Anong plano mo, n'yan?"

Plano? Ano nga ba? Ang mabuhay? Ang mag survive sa malupit na buhay?

"Kasi naman, eh. Nando'n na, sinabi na niyang mahal ka rin niya. Hindi mo pa tinapos 'yong laban do'n?"

Kailanman, hindi ko matatapos ang laban na 'to kapag sinabi kong mahal ko rin siya at iwan niya na si Caleb para sa akin. Hindi ganitong laban ang gusto. Hindi ko gustong kalabanin si Caleb. "Hindi kasi gano'n kadali ang lahat, Karrie. Tingin mo ba magiging fair kay Caleb ang lahat? Pinagkatiwala niya sa akin si Beatrix bago siya umalis papunta sa ibang bansa. Sobrang laki ng tiwala niya sa'kin kahit na alam niya na baka bumalik ang alaala ko at agawin ko sa kanya ang babaeng minamahal niya. Ang hirap sirain ng tiwala na 'yon, ang hirap siraan ng pagkakaibigan namin."

"Paano si Beatrix? Papakawalan mo na lang siya ng gano'n na lang?"

Pinunasan ko ang mga luha ko. "Mahal niya si Caleb at mahal din siya ni Caleb kaya hindi na ako kailangan pang-umeksena sa kanilang dalawa."

"Mahal ka rin ni Beatrix at mahal mo rin siya."

"Oo pero alam ko naman na ayaw din niyang masaktan si Caleb kaya sa huli, mas pipiliin pa rin kung ano ang tama."

Sumigaw si Karrie nang malakas. "Alam mo? Suko na ako sa'yo, Skie. Sige h'wag mo nang ipaglaban si Beatrix. Paano ka makakapag move-on n'yan? Ngayon pa na alam mong mahal ka rin niya."

Inakbayan ko siya. "Kaya ka nga nand'yan, 'di ba? Magtutulungan tayong makalimot sa mga ex-lovers natin." Agad niya akong tinarayan.

"Ano ako rebound? Ayos ka rin, ha!"

Ngitian ko siya. Paano nga ba kasi makalimot kung 'yong buong atensyon ko ay nasa kanya pa rin? "Gusto ko lang naman mabaling sa iba 'yong atensyon ko. Isa pa, gagamitin mo rin naman ako para makalimutan 'yong gago mong ex-boyfriend, 'di ba?" Napa-isip siya sandali. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako seryoso sa mga sinasabi ko. Inaasar ko lang naman si Karrie. Alam ko rin naman na hindi siya papayag.

"Since may club na tayong Moving On Club, kailangan natin magtulungan. Kaya sige, papayag na ako."

Hindi ko akailan na papayag talaga siya pero ano bang mawawala sa'min? Wala naman kaya mas okay na rin sigurong subukan. Unpredictable talaga 'tong babae na 'to.

"Tutulungan lang natin ang isa't isa na makalimot, ha? Walang mahuhulog sa isa't isa." Hamon niya sa akin. Siya pa talaga ang nagsabi niyan, ha? Pakiramdam ko nga siya pa 'tong unang mahuhulog sa'kin. "Ano, deal?"

Inabot ko sa kanya ang kamay ko. "Deal."

Kung saan man kami mapunta, bahala na. Ang importante makalimot kaming dalawa.

Hinatid ko siya sa kanila. Simula nang maghiwalay sila ng boyfriend niya, hindi ko siya nakakitaan ng sakit o baka magaling lang siyang magtago ng emosyon.

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now