Chapter 10

310K 8.8K 2.1K
                                    

Separation
 

I think this is better.

No, it was the best. I'm away from that girl, from my major stress and I'm really enjoying it.

Wala ng mag uutos pa sakin. Wala ng mag didikta ng kung anong dapat kong gawin. I am my own boss. Hindi 'yong babae na 'yon.

"What's up bro?" tanong ni Byron. "Mukhang masaya ka ngayon, anong meron?"

Ngumisi ako. "Malaya na ako. Malaya sa babaeng 'yon. Kaya ito, masaya na ako." Wala na akong masyadong iniisip. Wala ng stress sa buhay ko.

Tinignan nila ako ni Waxy na parang ayaw nilang maniwala sa sinasabi ko. "Masaya ka ba talaga?" tanong ni Byron.

Hindi ba nila nakikita 'yon sa mukha ko? Ngayon lang ako naging ganito kasaya simula ng dumating 'yong Angel na 'yon sa buhay ko.

"Of course I am!"

Pwede na ulit akong mag bar at kung ano ano pa. Ngayon pa na wala na ako sa bahay. This is the life that I want.

"Bar tayo mamaya?" tanong ni Waxy.

"Let's get in on baby!"

I miss hanging out with these two but what I miss the most is this bar. 'Yong alak, 'yong music at 'yong mga kagaguhan naming tatlo.

"Shot agad," binigay sakin ni Waxy 'yong shot glass. Uminom agad ako. "Ano dare tayo?"

"Game ako." Sambit ni Byron.

Tinignan nila akong dalawa. Ako pa ba? "Game!"

Mahilig kami mag dare. Gagawin mo 'yong dare o iinom ka ng limang shot ng vodka na sunod. Ang may pinaka konting nainom, kailangan makipag date sa mapipiling girl ng dalawang panalo. Malas nga lang dahil ang pipiliin nila 'yong sobrang pangit at sobrang arte pa kaya ever since hindi ako nagpapatalo sa game na 'to. Ang madalas matalo dito ay si Waxy. Mas mataas kasi 'yong alcohol tolerance namin kaysa sakanya.

Nag spin the bottle kami at swerte na si Waxy muna ang napili. Nag-isip kami ni Byron ng ipapagawa sakanya at sakto may nakita kaming babaeng nagsuka sa hindi malayo.

"Clean that thing." Sabay pa naming sabi ni Byron. "Walang gloves ha, dapat kamay mo lang."

Napa "what the fvck' face na lang siya. Hindi ko tuloy maiwasan na matawa sa pagmumukha niya.

"No freaking way!"

Inangat ko na 'yong shot glass. "So, shot ka na?"

Napailing na lang siya habang kinukuha niya 'yong shot glass sa kamay ko. "You guys are so cruel to me."

"It's a game and we need to win." Pagmamayabang ni Byron at dahil don siya ang pinili ni Waxy para sa second dare. "Go, I can do whatever you ask."

Matagal din napaisip si Waxy sa ipapagawa niya kay Byron. "Kiss that man," tinuro niya 'yong lalaking nakatayo sa tabi ng stage. "Torrid ha, ayoko ng smack lang."

Napa "woah" na lang ako. First time pinagawa 'yong ganitong dare at kahit anong galling ni Byron, for sure hindi niya 'yon gagawin. Buti na lang, once lang pwede gawin 'yong certain dare at hindi na siya pwedeng maulit.

"This time I'm going to say no."

Pumapalakpak pa sa saya si Waxy.

Shit. This time ako naman. Medyo kinakabahan ako dahil first time pumalpak ng sabay ‘yong dalawa sa unang dares. Ano kayang ipapagawa nito ni Byron?

“Sumayaw ka sa gitna ng dance floor na brief lang ang suot.”

What the hell. Habang patagal ng patagal mas nagiging wild ‘yong mga dares namin.

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα