Chapter 22

214K 6.5K 2.6K
                                    

Malaya ka na

"Wala kang tiwala sa'kin, noh?" Ilang beses na niya tinanong sa'kin 'yan. "Subukan lang kasi natin? Gusto ko rin naman malaman kung mahal ka pa niya."

Gusto ko rin malaman 'yan. Gusto ko rin marinig na 'Oo, Skie mahal pa rin kita' pero mali ang gagawin namin sa kanya. Ayokong paglaruan 'yong damdamin ni Trix. Kaya ko nga nilihim na bumalik na 'yong alaala ko para maging masaya na sila ni Caleb pagkatapos ngayon, guguluhin ko 'yong damdamin at isip niya? Ayokong masayang lahat ng sakripisyo ko.

"Hindi na kailangan. Si Caleb na ang mahal niya. Kung may pagmamahal pa siya sa'kin, alam kong hindi niya sasagutin si Caleb." Tama, hindi niya kayang manakit ng ibang tao lalo na si Caleb. "Mali nga ako sa ginawa ko, eh. Hindi ko na dapat siya pinagselos pa at hindi ko na dapat sinabi na girlfriend kita, nadamay ka pa tuloy."

Natahimik kaming dalawa. Tinitignan tignan ko si Karrie. Nakatingin lang siya sa bintana.

"Anong iniisip mo?" Tanong ko.

"'Yong love story ni'yo ni Beatrix," sa haba ng byahe, na kwento ko sa kanya ang lahat tungkol sa amin ni Beatrix. May tiwala naman ako sa kanya na hindi ni'ya sasabihin sa kahit na kanino na bumalik na 'yong alaala ko. "Sobrang sayang, eh. Alam mo 'yong mga napapanuod ko sa sine? Sobrang perfect niyo na pagkatapos hindi pa rin pala happy ending. Ang saklap ni kupido."

Oo, masaklap si kupido. Ayaw ni'ya talaga kaming sumaya ni Beatrix pero gano'n talaga, eh. Kailangan tanggapin, kailangan mag-move on. Kung pipilitin ko pa, mas lalo lang akong masasaktan.

"Gano'n talaga, akala mo kaya na pero hindi pala. Pinagtagpo lang kami pero hindi kami itinadhana."

Tinitigan niya ako. "Ang sakit, tagos hanggang puso, Skie." Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. "Ako nanghihinayang sa inyo ni Beatrix."

"Malay mo naman, may nakalaan pa rin sa akin na ibang babae. May darating pa rin na mamahalin ako ng sobra," napangiti ako. Kung dati, sarado ang pinto ko para magmahal ulit pero ngayon gusto ko na ding subukan. "Hindi naman ako gano'n ka miserable para walang magmahal sa'kin 'di ba?"

Napapangiti ako sa mga tingin ni Karrie. Hindi man niya sabihin pero nararamdaman kong para sa kanya, may halaga rin ako.

"Kung moving on ang peg nating dalawa, magbago na tayo ng club. Kung nang una, TMC tayo, ngayon MOC na!

"Moving On Club?"

"Tama!" Tinaas pa niya ang kamay niya para mag high five kami. Baliw talaga 'tong babae na 'to. "Ang galing mo na ha? Hindi ka na tanga!"

Sabay kaming tumawa. Ilang araw ko pa lang siyang nakilala pero magaan na ang loob ko sa kanya. Siguro dahil pareho kaming nasasaktan ngayon? Pareho kaming nagpakatanga.

"Ihahatid na kita sa bahay ni'yo." Offer ko sa kanya. "Gabi na rin, baka mapaano ka pa."

"Boyfriend duties?" Tanong niya habang natatawa. "Kung ganito ka palagi, mas gugustuhin kong totohanin 'yong maging boyfriend kita." Kinindatan ni'ya pa talaga ako. She's really fun to be with.

Ibinaba ko siya sa condominium ni'ya malapit sa bar. "Salamat sa araw na 'to, Skie. 'Yong isang balde ng luha na dapat i-iiyak ko naging isang baso na lang at dahil 'yon sa'yo." Ang genuine ng ngiti niya. Ang sarap tignan. Ang sarap sa pakiramdam. "Balang araw makakabawi rin ako sa'yo."

"H'wag na, nakabawi ka na sa'kin."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Paano naman?"

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now