Chapter 4

474K 12.3K 9.4K
                                    

Closer

Gulat na gulat si Angel ng makita niya ako sa class niya. Nakakunot na agad ang noo niya. Ang sarap sa feeling kapag nakikita ko siyang naiinis dahil sakin pero sa plano ko ngayon dapat maging kabaliktaran 'yon.

Kinausap ko na 'yong katabi niya sa class para magpalit kami ng upuan. Sadyang malakas talaga ang charisma ko kaya napapayag ko siya. Kilig na kilig pa nga sila habang kinakausap ko sila.

Hahang naglalakad ako papasok sa bago kong classroom, nagtitilian 'yong mga classmate ko. Itong si Angel naman, hindi maipinta ang mukha at ang sama pa talaga ng tingin sakin.

 Itong si Angel naman, hindi maipinta ang mukha at ang sama pa talaga ng tingin sakin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Nginitian ko siya.

"Hi, Angel." Umupo agad ako sa tabi niya. "I'm your new classmate."

"Obvious ba?" Pag-tataray niya. Hindi naman pinaglihi sa sama ng loob ni Tita Kim 'tong si Angel pero parang palaging galit sa mundo. Ang sama pa din ng tingin niya sakin. Looks like she wants to eat me alive. "Anong binabalak mo, ha?" Tanong niya.

Umiling agad ako. Ang lakas maka sense nito. Is she a psychic or what? "Nothing. Pinalipat lang ako ng teacher ko sa ibang section, hindi ko nga alam kung bakit, eh."

Sa mga tingin niya mukhang ayaw niyang maniwala sakin. Matigas talaga 'tong babae na 'to eh. Pasalamat ka pa nga binibigyan pa kita ng effort kahit paano.

"Look, I'm sorry about what happened. Hindi lang siguro maganda 'yong una nating pagkikita pero maniwala ka sakin, gusto kitang maging kaibigan."

Hindi niya ako pinansin.

She's really testing my patience.

Chill lang, konting tiis pa. Bibigay din siya sakin. Siguro pa hard to get talaga siya.

Dumating 'yong teacher namin pagkatapos pinakilala niya ako sa buong class. Tilian na naman 'yong mga babae naming classmates.

Pagbalik ko sa upuan ko, ang sama pa din ng tingin sakin ni Angel. Seriously? Is she gonna do that all the time? She's so irritating.

Kalma, Skie. Alalahanin mo na kunwari gusto mo siya, hindi siya bibigay sayo kung ganyan ka.

"Ano bang dapat kong gawin para hindi ka na magalit sakin?" Bulong ko.

Hindi siya nagsalita.

Akala ko hindi na talaga niya ako kakausapin pero bago ako makalabas ng room, nilapitan niya ako.

"Do you really want to be friends with me?" She said while smirking at me. Hindi maganda ang nase-sense ko dito. "Then, be my slave for one week."

Halos hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko. Are you fvcking kidding me? Ako magiging slave ng taong pinaka kinaiinisan ko. No way!

"Ano? Ayaw mo? Eh 'di wag. Hindi naman kita pinipilit, eh."

Umalis siya agad. She left me speechless. What the hell is wrong with that girl? Sobrang masokista niya. Mapanakit tapos gusto pa may slave siya! No way, I'm not going to do that.

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now