Chapter 6

367K 11.2K 3.9K
                                    

Car wash

Nagising ako sa pancake na niluluto ni Lola. Nagutom ako bigla.

"Good morning Lola."

"Kamusta ang tulog mo, apo?"

Ngumiti ako at niyakap siya. "Maganda po ang tulog ko Lola. Thank you po sa pagtatanggol sakin kay Dad kahapon."

Ginulo niya ang buhok ko. Just like the old times. "Wala 'yon, apo."

Pagkatapos namin kumain, nagulat ako ng kay bumisina sa labas. Pagkakita ko, nasa labas si Angel.

Anong ginagawa niya dito?

"May bisita ka, apo?" tinignan ni Lola ng mabuti si Angel. "Si Beatrix ba 'yan? 'Yong anak ni Lucas?"

Lumabas agad ako para puntahan siya. "Good morning, Angel. Anong ginagawa mo dito?"

Hindi ko alam kung tinitignan ba niya ako ng masama o ganon lang talaga siya tumingin.

"Driver na kita simula ngayon 'di ba? Kaya ipag drive mo ako papunta ng school."

Kagabi lang ang bait niya tapos ngayon ang nagsusungit na naman siya. Bipolar ba siya? Sabagay ano pa nga bang aasahan ko sakanya?

"Sige, mag hahanda lang ako. Pasok ka muna."

Pagpasok namin nilapitan agad siya ni Lola. "Ang laki mo na Beatrix, ang ganda ganda mo. Bagay kayo ng apo ko."

Nagkatinginan agad kami ni Angel.

"Friends lang po kami Lola Candy." Sambit niya. Aba, talagang friends lang kami. Wag siya umasa na magkakaroon ako ng pagtingin sakanya. "Kamusta po kayo?"

Iniwan ko na sila at umakyat ako para mag ayos. Ngayon tuloy kailangan ko pang magmadali. Pambihira naman kasi 'tong Angel na 'to. Ang aga aga manggulo. Nagawa na naman niyang mag drive papunta dito, bakit hindi na niya diniretso papunta sa school? Gusto niya talaga akong iniinis.

Pagbaba ko nagtatawanan sila Lola at Angel. Tinitignan nila 'yong photo album ko. Tawang tawa si Angel don sa picture ko ng bata ako na umiiyak dahil nadapa akp sa putikan.

"Tara na." Sambit ko.

Niyakap kami ni Lola. "Mag ingat kayo. Angel, dumalaw ka madalas dito, ha."

Madalas? Parang hindi ko gusto ang idea na 'yon. Isa pa pagkatapos ng plano ko, wala na akong magiging ugnayan pa sakanya at ayoko na din siyang makita at makausap pa.

As usual, pinatugtog na naman niya 'yong kanta ng Paramore. Gusto niya talaga akong inisin. Sorry na lang siya kasi nagustuhan ko na din 'yong mga kanta ng Paramore.

Hindi man ako nakatingin sakanya pero alam kong tinitignan niya ako. Nagtataka siguro siya kung bakit hindi ako naiinis sa music.

"Madumi na pala 'yong car ko, mamaya i car wash mo siya pag uwi."

Kumunot agad ang noo ko. Pwede naman niyang ipa car wash na lang sa mga shops pero bakit ako pa?

"FYI, ever since ako na nag ca-car wash sa kotse ko. Ayoko ko kasing may humahawak na iba sakanya."

Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko. "So bakit mo siya ipapa car wash sakin kung ayaw mong may humahawak na iba sakanya?"

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now