Chapter 7

345K 10.2K 4.2K
                                    

Tickets

Kanina pa ko nasa labas, hinihintay si Angel pero fifteen minutes na ang lumipas, wala pa din siya.

Medyo nilalamig na ako kaya pumasok na ako sa loob ng bahay nila. Hinanap ko siya sa sala nila pero wala kahit 'yong kasambahay nila. Umakyat na lang ako para tignan kung nandon na siya.

"Angel?"

Nilingon niya ako at napasigaw siya. Gulat na gulat siya ng makita niya ako, akala mo nakakita siya ng multo.

"What are you doing in my room?" Binato niya ako ng t-shirt na puti. "Mag damit ka nga!" tumalikod agad siya at hanggang ngayon pulang pula ang pisngi niya.

Ayoko pa sanang suotin 'yong t-shirt para maasar ko pa siya lalo pero nilalamig na din ako kaya sinuot ko na lang din. Ang lakas naman kasi ng AC dito sa kwarto niya.

"Iuwi mo na lang 'yan, okay? Sige na umuwi ka na."

Pagakatapos niya ako pagurin at lahat, ganon ganon na lang 'yon? Papauwiin niya na lang ako? "Akala ko ba papakainin mo ako?" Lumapit ako sakanya. Malapit na malapit na halos hindi na siya makagalaw. "Gutom na ako."

Tinulak niya ako palayo. Sobrang lakas ng pagkakatulak niya kaya napahiga pa ako sa sahig.

"Pwede ba? Wag kang lapit ng lapit sakin! Hindi tayo close ha!" pulang pula pa din siya. Ang sarap din pala niya asarin. "Alalahanin mo, ako ang master mo."

Lumayo na lang ako gaya ng sabi niya. Baka kasi ma beast mode pa siya sakin tapos bugbugin niya pa ako.

"Hindi mo man lang ba ako papakainin, Master? Nagugutom na ako."

Tinarayan niya ako pagkatapos nag walk out siya. Ang tigas din talaga niya, hindi niya talaga ako pina miryenda man lang.

Umalis na lang din ako. Wala na naman akong mapapala dito. Isa pa, gutom na gutom na talaga ako. Ang hirap I car wash ng sasakyan niya, isang lingo atang hindi nalinis 'yon. O baka dinumihan niya talaga para mahirapan ako ngayon.

Nakalabas na ako ng gate nila. Hindi ko akalain na hahabulin pa niya ako.

"Skie!"

Parang ngayon niya lang ata ako tinawag sa pangalan ko.

"Sinabi ko nang umalis ka na?"

Lumapit siya sakin pagkatapos hinili niya ako papasok ng bahay niya. Nakatitig lang ako sa kamay niya na nakahawak sa braso ko.

"Ayan na 'yong niluto ko, kumain ka na."

Tignan mo siya, kanina ang sungit tapos ngayon papakainin niya ako ng – wow mukhang masarap 'yong carbonara na niluto niya.

Natakam tuloy ako. Umupo agad ako sa table at kumuha ng carbonara.

"Akala ko talaga papauwiin mo na lang ako ng hindi mo man lang ako pinapakain." Sambit ko. May paawa effect pa 'yon para naman makonsenya na siya sa mga pagpapahirap na ginagawa niya sakin.

"Sinabi ko na naman sayo 'di ba? Hindi ako ganon kasama. Umalis lang naman ako ng kwarto para kunin 'yong pagkain mo, umalis ka naman bigla." Tumabi siya sakin. "Sensitive ka din pala, noh?"

Hindi ko alam kung concern siya sakin o nang-aasar lang siya.

"Ayoko lang ng iniiwan ako bigla ng walang dahilan. Kaya nag decide na lang akong umuwi."

Para siyang nakunsensya sa ginawa niya sakin. Hindi ko alam kung 'yon ba talaga 'yon pero 'yon ang nakita ko sa mukha niya.

"Sorry naman. Sige kumain ka na."

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now