Chapter 24

214K 5.7K 2.5K
                                    

Dreams

"Saan ba kasi tayo papunta, Skie?" Kanina pa siya tanong nang tanong sa'kin. "Nagugutom na ako." Humawak pa siya sa tyan niya at nag paawa. Pambihira! Hindi bagay sa kanya. Mas okay siya na maangas ang dating.

"Ayan may sandwich ako," inabot ko sa kanya 'yong pabaon sa'kin ni Mommy. "Kainin mo muna, malapit na tayo sa pupuntahan natin."

Natanaw ko na 'yong school. Nag-park agad ako malapit sa gate. Busy si Karrie sa pagkain niya kaya hindi niya napansin kung nasaan kami. "Nandito na tayo." Sambit ko.

"Ha? Saan?" Ngumiti ako at bumaba ng kotse. Pinagbuksan ko siya ng pintuan. Nakakunot ang noo niya, clueless kung bakit kami nandito. "Anong ginagawa natin dito?"

"Gusto mong mag-aral ulit 'di ba?"

Naisip ko kasi na i-enroll siya rito sa school na partner ng company namin. May scholar program kami para sa piling employee na hindi pa tapos sa college.

"Skie, mahirap 'yan. Binubuhay ko ang pamilya ko kaya wala akong pang-tuition at isa pa tatanggapin ba nila ako kapag nalaman nila na sa bar ako nag ta-trabaho?" Nakakita ako ng lungkot sa mata niya. Alam ko kung gaano niya kagusto na mag-aral ulit. Minsan 'yon ang palagi niyang bukang bibig sa akin. "Hayaan mo na, Skie. Masaya naman na ako na mapakain ang pamilya ko."

Umiling ako. "Tuparin mo 'yong pangarap mo," hinawakan ko ang kamay niya. "Karrie, tutulungan kita. H'wag ka na bumalik sa bar na 'yon at mag trabaho ka na lang sa kompanya namin. Nilagay na kita sa scholarship program namin kaya h'wag ka na pumalag d'yan, okay?"

Gulat na gulat siya pero nawala na 'yong lungkot sa mga mata niya at napalitan na ito ng saya. I love seeing her smile.

"Ang bait mo talaga, Skie. Hindi ko alam kung bakit ginagawa mo sa'kin 'to, ilang linggo pa lang naman tayong magkakilala."

Ngumiti ako sa kanya. "Hindi mo naman kailangan nang matagal na panahon para makilala ng lubusan ang isang tao," nilagay mo ang kamay ko sa bulsa ko at tumingala ako sa langit. "Isa pa, alam ko ang pakiramdam na hindi mo ma-abot ang pangarap mo at masakit kaya gusto ko ikaw, maabot mo 'yong sa'yo."

Kumunot ang noo niya. "Wait ha, ibig mo bang sabihin, hindi mo pa naaabot 'yong pangarap mo? Paano nangyari 'yon? Ang yaman niyo na nga," naglakad na kami papunta sa registration's office. "H'wag mong sabihin na si Angel ang pangarap mo! Uupakan talaga kita!" Akalain mo naisingit niya pa 'yon. Moving-on na nga kaming dalawa, eh.

"Pangarap ko na maging clay artist pagkatapos lahat ng gawa ko, idi-display ko siya sa art gallery ko sa New York," habang naiisip ko siya, hindi ko mapigilan na mapangiti. "Kaso ang hirap, eh. Baka hindi ko na rin siya maabot."

Binatukan niya ako. Napahawak agad ako sa ulo ko. Ang sakit no'n ha!

"Sira-ulo ka pala, eh! Gusto mo na abutin ko 'yong pangarap ko pagkatapos ikaw ayaw mong abutin 'yong sa'yo? Paano ako mamo-motivate na mag-aral n'yan ha?"

May point. Kaso ang hirap kasi, eh. Wala akong proper class para do'n at isa pa mahirap magkaroon ng isang art gallery sa New York.

"Busy ako sa company namin at isa pa ang dami ko pang pag-aaralan tungkol sa clay art," pakiramdam ko kasi hanggang pangarap na lang talaga 'yong gusto ko. "'Yong sa'yo naman madali makuha, eh. Ito na siya kaya mas mahalaga 'yong pangarap mo kaysa sa'kin."

Bago kami nakapasok sa registration's office, tumigil siya at tumingin sa'kin. "Sabay na lang natin abutin 'yong pangarap natin, pwede ba 'yon? Hindi ko tatanggapin 'tong offer mo kung hindi mo rin kukunin ang offer ko. Ano, deal?"

Naisahan pa niya ako do'n ha? Pambihira talaga siyang babae.

"Sige na, basta mag-register ka na," hinila ko siya papasok pero hinila niya rin ako palabas. "Oh, bakit?"

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now