Chapter 2

35.4K 1.4K 264
                                    


CHAPTER 2

Pag-uwi ko sa bahay ay saka ko lang nakita ang mga text sa akin. Nangungumusta si Monica, si Kristin naman ay nagyayayang uminom kahit na alam niyang wala siyang mapapala sa akin. Ang ibang text ay work related maliban lang sa isang numerong hindi pa naka-save.

09XXXXXXXXX: kumain ka na? :)

Napakunot yung noo ko.

09XXXXXXXXX: Busy? Kumain ka, okay?

Ah! Heto na ba yung tinutukoy ni Allison na magpipretend kaming magjowa kahit na hindi kami magkakilala?

I saved his number as 'boyfriend" since hindi ko naman alam ang totoong pangalan niya.

Girlfriend: Hey, anong nakasave na pangalan ko sa contacts mo?

Boyfriend: Girlfriend. Sorry, hindi ko alam paano nagwowork 'to haha

Girlfriend: Same here. :)

Boyfriend: So girlfriend, anong pinagkakaabalahan mo these days?

Girlfriend: Work, presentations...

Boyfriend: Ah...

Medyo nakakaguilty naman kung hindi ko siya tatanungin pabalik

Girlfriend: Ikaw? ang busy mo yata ngayon :<

Eh? Saan nanggaling yang tanong kong 'yan?

Boyfriend: School, busy na. Last sem na, e.

Luh! Mas matanda pa yata ako rito ng isang taon?

Girlfriend: uuhh... I thought working ka na.

Boyfriend: nagshift ako kaya nahuli ng isang taon

Boyfriend: Goodnight.

Girlfriend: Goodnight, aral well.

Iyon ang una naming text sa isa't isa. Hindi man lang nagtagal ang usapan. Boring.


**********


Iyong iba hindi tinatandaan ang binabasa lol. Lovely Dennise Calarion kasi siya... :)


CUPID NO MOREDove le storie prendono vita. Scoprilo ora