Chapter 55

26.3K 1.2K 811
                                    


Chapter 55

CYANWIRE APP

Entry #5

Cupid No More

Sobrang saya ko kasi nakita kita. Tapos ngayon ayaw mong bitiwan yung isang kamay ko. Ang hirap na kaya magtype. Sabi ko sa sarili ko ay hindi ako iiyak kapag nakita man kita. Pero gago ka talaga. Pinaiyak mo ako kaninang sinabi mong ang ganda ko pa rin. Sinabi mo pa na ang sexy ko kahit alam kong sobrang payat ko na. Pero kahit umiiyak ako ang saya-saya ko kasi nasa tabi kita ngayon at payapang natutulog. I am indeed the luckiest girl. Sabi mo late mo na nalaman, sabi mo ang gago mo kasi ayaw mong kausapin si Henry noong una. Sabi mo sobrang naging makasarili ka dahil doon. Never, August. You were never selfish. Ako yung selfish sa ating dalawa.

Alam mo ba yung tuwa ko? Sagad na sagad na. Sabi mo kasi ay pakakasalan mo na ako kaagad bukas. Haha. Gago paano ako tatanggi ngayon? Ikaw lang yung kaligayahan ko. Mahal na mahal kita, e. Ano bang meron ako at sobrang mahal na mahal mo rin ako? Sinasaktan lang naman kita. Kanina lang ay alam kong umiyak ka. Kahit hindi mo ipinakita sa akin alam kong umiyak ka. Love, pwede ka naman umiyak sa harap ko. Pagsubok lang 'to love. Kaya mo 'tong lagpasan. Sobrang sorry dahil inilihim ko sa'yo to. Tapos kahit ang laki ng kasalanan ko sayo ay hindi ka pa rin galit sa akin. Love, thank you kasi ikaw yung lalaking minahal ko. Love, thank you kasi ako yung nilapitan mo para maging cupid mo noon. Sobrang thankful ako kay tadhana dahil nakilala kita.

Love, sa hirap magtype inaabot na ako ng ilang araw makatapos lang ng entry. Kahit mahirap, masaya pa rin ako kasi tinotoo mong pakakasalan mo ako. Gago ka nga talaga. Pero sobrang saya ko. Hindi mo ako iniiwan, e. Ginawa mo ng bahay tong hospital room ko. Kahit kita ko yung hirap mo sa pag-aalaga sa akin. Kahit na nasusukahan kita minsan. Love... Sorry kung wala ng babies. Sorry I can't give you the life you that want to have but thank you for making my life complete and happy. Sorry kasi ang gulo ng sinusulat ko, ang dami ko kasing gustong sabihin pero hindi ko alam kung paano isisingit lahat. Love, sorry kung sa'yo ako umiyak at hindi sa family ko. Sorry dahil sa'yo ko ipinapakita na sobrang hina ko na at nawawalan na ako ng pag-asa. Love, i'm sorry dahil wala akong magawa para patahanin ka kapag nakikita kong umiiyak ka.

Kanina lang ay nagtanong ako kung anong month na. August na raw love, napangiti ako kasi August na... kasi sakto love, alam kong malapit na. Pero kahit ganun August is still my favorite month because that's your name. That's the name of the person I don't wanna forget.

Love, alam mo ba na kung anu-ano na yung nakikita ko? Nakakatakot pero tuwing ganun bigla kang lilitaw sa harap ko. Tapos nawawala sila. Tapos minsan nagfaflashback yung mga memory. Akala ko tuloy malakas pa rin ako. Akala ko nandoon pa rin ako sa time na yun. Tapos maaalala ko nasa ospital nga pala ako. Ganito pala yung feeling ng mawawala na. Nakakatakot pero at the same time inaabangan na.

Love... pang ilaw araw ko na itong kino-compose? Nakakaramdam na ako ng pagod, e. Nauuhaw pa ako lagi. Ang init pa ng pakiramdam ko. Yung mata ko ang labo na rin. Pagod na pagod  na ako love. Siguro, malapit na ako matulog. Umuurong na rin yung dila ko. Namamanhid na rin yung ilang parte ng katawan ko. Pls. Huwag mong bibitiwan ang kamay ko. Ayaw kong bitiwan mo ang kamay ko kasi kahit tanggap ko, natatakot pa rin ako. Pls love, ikaw lang yung nagpapatatag sa akin ngayon... ikaw... ikaw yung nagpasaya sa akin.... sobrang saya ko kasi dumating ka sa buhay ko... love sorry kung 'di ko na kaya. Sorry kung mauuna na ako. Pero love, 'pag wala na ako... sana maging masaya ka. Sana mahanap mo siya. Promise kapag nakita kong matino yung babae, papanain ko siya agad para sa'yo. I will always guide you. Hinding-hindi ko kayo pababayaan. Basta maging masaya ka lang ulit... basta ngumiti ka lang ulit... okay lang umiyak love... ilabas mo lang... okay lang maging transparent... kasi mas gagaan ang pakiramdam mo...

Hindi ko alam kung magigising ako mamaya pero love matutulog na ako. kahit anong mangyari, mahal kita. Masaya akong ikaw yung minahal ko. Masaya ako love... Kaya sana masaya ka rin...

Goodnight na love, magpapahinga na ako.

August Lenard Parco. Pakinggan mo 'yan, Okay? Lagi mong tandaan na proud na proud ako sa'yo.

Love,  thank you and I love you


-wakas-

CUPID NO MOREWhere stories live. Discover now