Chapter 8

29.2K 1.4K 230
                                    

CHAPTER 8

"Oh my Gosh!" Napatingin ang iba sa amin nang dahil sa pag-react na iyon ni Allison. "So, siya nga! Oh my Gosh talaga! Super liit ng mundo!" Kinuha kaagad nito ang cellphone niya at nag-dial ng numero. "Hoy!" Bungad nito sa kausap niya.

Tinitigan ko pa rin ang huling text na iyon ni August. Nakita na niya ako kagabi but despite that, nagtetext pa rin siya sa akin.

Ilang beses akong huminga nang malalim dahil hindi pa rin mawala ang kabang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan dahil sa nalaman ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis.

Matagal akong walang narinig sa kanya. I blocked everything that would connect us. Except kagabi nga dahil nakita ko ulit sila Cathy. Pero kahit ginawa ko iyon ay hindi nila ako tinanong kung bakit ko sila binura sa friends ko.

"Sigurado ka bang hindi talaga alam nung lalaki na si Denden yung katext?" Tumingin ao kay Allison. Nakatingin siya ngayon sa akin at seryosong-seryoso sa kausap niya sa phone. "Totoo? Hindi talaga? Woah! Destiny siguro."

"Allison..." Pinaningkitan ko siya at siya naman ay ngumiti lang sa akin.

"Thanks thanks!" Sabi nito saka tinapos na ang tawag. "Denden, hindi talaga nila alam na ikaw yung katext, e. Tanong mo sa kanya kung bakit hindi siya lumapit sa'yo kagabi..." Mukha siyang natutuwa sa nagaganap ngayon. Halata rin sa mukha niya excited siya.

"Ayoko nga." Kako sa kanya saka siya tinalikuran. Muli kong tinignan ang cellphone ko at napaisip sa gustong tanungin ni Allison.

"Yiee, tinignan ang cellphone! Nagdalawang isip!"

"Manahimik ka Allison."

Pero gayon pa man ay tinanong ko pa rin iyon kay August nang umalis si Allison para mag-cr.

August: Gusto kong lumapit pero natatakot akong lumapit.

Lovely: Ah...

Napakagat ako ng labi ko at nag-isip pa ng pwedeng sabihin. Bakit ba parang gusto ko siyang makausap pa ng matagal? This isn't right.

August: can i see you again?

Omg!

Ilang beses akong huminga nang malalim at tinapik-tapik ang dibdib ko.

August: Kung okay lang sa'yo.

August: Sorry, i just want to see you and talk to you again.

August: Catch up perhaps?

Sunod-sunod iyong mga text niya sa akin ngayon. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti. Aish! Denden, kalma. Nakamove on ka na, diba?

August: Sorry, are you busy?

Lovely: Sure.

August: Great! See you later?

Lovely: Agad? Next week na lang.

August: Okay. See you.

"Bakit ka nakangiti mag-isa? Katext mo 'yung ex mo?" Kaagad kong pinigilan ang sarili kong ngumiti dahil kay Allison.

"Hindi, ah."

"Lumalaki butas ng ilong mo. Nagsisinungaling ka."

"Hindi ah."

"Sus. Kinikilig ka. I can feel it." Pang-aasar pa nito ngayon sa akin.

"Hindi nga kasi"

"Oi may text ka galing sa ex mo." Kukunin sana niya yung cellphone ko pero kaagad ko iyong kinuha sa lamesa ko.

Tinignan ko yung cellphone ko pero wala namang text si August sa akin.

"Joke. Kita mo na! Katext mo 'yang ex mo. Mga sinungaling talaga, madaling mahuli."


CUPID NO MOREWhere stories live. Discover now