Chapter 45

19.2K 941 57
                                    

Chapter 45

"Kumusta na si tita?" kahit na lagi kaming magkasama ni August. Kahit na araw-araw niya akong ipinagluluto ng agahan ay parang hindi pa rin kami nagkakasawahan. Ngayon lang nangyari na lagi kaming magkasama. Nakakatuwa pero nakakatakot pa rin. Nasa rightt age kami, oo. Pero hindi rin naman kasi tamang nagsasama na kami sa iisang bubong lang. Inilayo ko ang sarili ko para makita si August.

Kita ko ang mukha nito dahil sa liwanag na nanggagaling sa labas. Nakapikit na siya at mukhang pagod siya sa trabaho niya. Maaga kami parehong nahiga para sana matulog na. Napag-usapan na namin kanina yung stressed namin pareho sa work. Siya kasi ay halos hindi na raw tumayo sa inuupuan niya dahil baka kung malingat siya ay may mamali na naman sa program na ginagawa niya.

Ako naman, sobrang nai-stress na kay Ms. Layla. Sobrang strikto niya kasi. Kahit minor details ay napapansin niya.

"Okay na si mommy." Muli niya akong inilapit sa kanya at niyakap. "Tulog ka na."

"kalian uuwi sila tita?"

"Pauuwiin mo na rin ba ako?"

"Kasi pangit na nagsasama tayo sa iisang bubong na hindi pa naman tayo ikinakasal."

"Edi pakasal na tayo."

"Sira." Mahina akong tumawa dahil sa sinabi niya. "Wala pa sa plano kong magpakasal."

"wala pa?" Nasilayan ko ang biglang pagkunot ng noo niya. "Ayaw mo pang magpakasal sa akin?"

"Are you proposing?"

"Medyo. Wala pa akong singsing na nabili kaya medyo oo?" Hindi siguradong sagot nito kaya natawa na lang ako sa kanya.

"Sira ka talaga. Ang dami ko pa kasing plano." Sabi ko sa kanya. "Kaka-promote ko lang sa work kaya ayaw ko pa rin magkaanak. Gusto ko stable muna tayong dalawa sa work pagkatapos nun saka tayo magpakasal."

"Pwede naman kitang pakasalan kahit bukas na." Mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap niya sa akin. And kisses me on my forehead. "I can give you everything." There is a hint of assurance in his tone pero sa sinabi niyang iyon ay parang nanliit ako. Alam kong mayaman ang pamilya nila pero hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya niya. Simple lang siya kapag nakikipag-usap sa akin pero sa sinabi niya ngayon doon palang ay kumpirmado na kaagad na kaya niyang makuha ang lahat ng gusto niya. "Hey, hindi ka na nagsalita."

"Alam mong never akong nanghingi." Sagot ko rito

"I know." Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin bago ko siya tinalikuran.

"Love, syempre kapag nagpakasal tayo ibibigay ko rin naman lahat ng pangangailangan mo. Lahat ng gustuhin mo. Hindi ko naman sinasabi na nanghihingi ka. Love naman, harap ka sa akin." Kahit na naglalambing ay hindi ko pa rin siya hinarap.

"okay, i'm sorry." Narinig ko ang paghinga niya nang malalim. "Hindi ko naman intension yun. Alam ko naman na independent ka at kaya mo ang sarili mo pero eventually kapag kasal na tayo syempre---"

"Wala pa nga kasi akong balak." Pagkasabi ko nun ay hindi ko na ulit siya narinig na nagsalita. Tahimik lang itong lumabas sa kwarto at natulog naman akong mabigat ang nararamdaman ko. Alam kong kailangan kong magsorry sa kanya dahil sa inasal ko pero kailangan din muna niyang itigil ang topic na kasal sa harapan ko. Gusto ko siyang mapakasalan, oo. Pero hindi pa this year, hindi pa next year at hindi pa rin sa mga susunod na taon.

CUPID NO MORETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon