Chapter 22

24.2K 1.2K 217
                                    



CHAPTER 22

POSTED

Nagulat ako nang pag-open ko sa real account ko ay may naka-tag na video sa akin. Kay August iyon at kagabi pa iyon na naka-tag sa akin. May ibang nangangantyaw sa comment section dahil nga naka-mention na ako.

Nakita ko rin na nag-comment sila Cathy and Gilbert! Tinapik-tapik ko yung pisngi ko dahil pakiramdam ko ay namumula na ako kahit na hindi ko pa napapanood ito. Ang caption na nakalagay ay 'Falling in Love at a Coffee Shop by Landon Pigg. Last night's gig. Hi Love, hindi mo ako pinanood, e.'

Pinanood ko yung video na tinag niya sa akin. Siya mismo ang kumakanta niyon. Slow lang at soothing pakinggan.

"So, kayo na ba ulit?" Tanong ni Kristin sa akin kaya napahinto ako sa pakikinig. Dapat talaga ay hindi ko siya hinayaan na makitulog sa apartment ngayon.

"Hindi." Sagot ko sa kanya.

"Hindi pero nakangiti. Hindi raw pero doon pa rin papunta." Kinuha niya yung throw pillow at tumabi sa akin. "In all fairness naman kay Agosto mo, maganda naman ang boses. Play mo na ulit."

"Sira." Hindi ko pa rin plinay kasi nahiya na ako bigla kay Kristin.

"E, yung boss mong nangungulit sa'yo?"

"Iniiwasan ko siya. Masama ba? Hindi ko kasi alam kukng paano ko sasabihin sa kanya na hindi ko siya gusto nang hindi siya nasasaktan."

"Gagi. Kung mahal ka or gusto ka talaga niya, masasaktan talaga yun kahit anong bait pa nung pagkakaturn down mo sa kanya. Iyon naman talaga yung rule ng pag nagmahal, masasaktan."

Muli kong itinuon ang tingin ko sa laptop ko at inisip ang sinabi ni Kristin. Mabait si Sir Henry pero ilang beses akong na-off sa kanya dahil hindi niya kayang paghiwalayin ang trabaho at personal na buhay. Masyado na ring masama ang tingin ng iba sa akin dahil pakiramdam nila ay hindi ko pinaghihirapan ang trabaho ko.

Hi

To the guy who reads my blogs,

You are a good guy

You are good looking, too.

You are nice and sweet

But something aint right.

And that's because you like me.

I can be your good friend

But I can't be your girlfriend.

That's all I can offer

Let's stick to that

I hope you understand.

"Nakakaloka ka! Pinost mo 'to?" Hinampas ako ni Kristin nang mabasa niya ang pinost ko kaninang blog. Hawak nito ang cellphone niya at muling binasa iyon. "Shocks talaga. Unang magrereact dito si August. Promise!"

"Hindi naman siyia yung sinasabihan ko niyan."

"Kahit pa. Hindi niya magegets 'yan. Magtitext 'yan. Check mo yung cellphone mo."

Katulad ng sinabi niya ay chineck ko nga yung cellphone ko. May text nga doon si August.

August: Am I rejected again?

August: I understand that you don't love me anymore, but a friend?

August: Then who am I, if not yours?

Lovely: Makabanat ka dyan. Huwag kang assuming, hindi para sa'yo 'yon.


****


CUPID NO MORETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon