Chapter 47

19.1K 937 90
                                    



Chapter 47

Breakfast at dinner ay mga takeout lang sa fastfood ang kinain ko ngayong araw. Katulad kahapon ay hindi na naman ako naglunch. Kanina ay kinausap ulit ako ni Ms Layla regarding sa project. May mga inaayos pa raw sila kaya hindi pa niya masabi sa akin ang buong detalye. Ang tanging alam ko lang ay bagong company iyon kaya maliit lang pero ayon kay Ms Layla ay sobrang laki raw ng potential nito.

Sa totoo lang ay nakakastress sa team. Tatlong sabay-sabay na project ang inaasikaso. Nahati tuloy kami ngayon. Ang dalawang team ay may kanya-kanyang project pero kami lang ni Ms. Layla ang mag-aasikaso ng new project na ayon sa kanya ay si Sir Henry mismo ang nakiusap sa kanya.

Ang isa pang nalaman ko tungkol sa project na ito ay isa raw itong company na nagdevelop ng bagong sikat na application ngayon. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa kaming gumawa ng plan sa kanila. Mas alam naman nila ang application na ginagawa nila pero kung sabagay bago pa lang sila. Wala pa silang connections sa iba. Mukhang handa naman sila magbayad ng malaki para lang doon.

Mag-isa akong umuwi ngayon. Namimiss ko na si Allison na kasabay ko noon sa pag-uwi. Hindi ko kasi siya gaanong nakikita simula noong nalipat ako ng office. Sobrang naging busy kasi ako tapos hindi ko pa siya nakikita ng lunch dahil hindi ako kumakain.

Pagkauwi ko ay kaagad kong naramdaman ang pagbabago. Nakakapanibago ang unit ko simula kahapon. Dahil nga wala si August. Kasalanan ko rin naman 'yon. Alam kong sinunod lang din niya ang gusto ko na sa bahay na muna siya sila.

I checked my phone to see if i have a message from him. Agad akong napangiti nang makita ko ang message niya.

August: Kumain ka na?

Napalabi na lang ako sa nabasa ko. Bigla ko siyang namiss sa tabi ko dahil sa text niyang iyon.

Lovely: Kumain na ako. Kain ka na rin.

Sagot ko rito.

August: I miss you.

Lovely: i miss you, too. I love you love. Sorry na :(

August: Pabukas ng pinto. Wala akong susi :(

Mabilis akong napabangon ng kama ko dahil sa reply niya at kahit na gulo-gulo ang buhok ko at mukha akong hindi maayos ay mabilis ko siyang pinagbuksan ng pinto.

"That was fast." Nakangiti niyang sabi. "And wow." Pinadaanan niya ng tingin ang buong katawan ko kaya parang bigla akong naconscious. "Wala kang bra." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Mabilis akong tumakbo sa kwarto para ayusin ang sarili ko.

"Nakita ko naman na 'yan!" rinig kong sabi niya mula sa labas ng kwarto. "Huwag ka ng mahiya sa akin." Natatawa pa ito ng sabihin niya yun samantalang hiyang-hiya na ako!

"Baliw! Bastos!" Agad akong naghanap ng mga ibang damit at pati na rin bra. Pagkatapos ay nagbihis na ako kaagad.

Paglabas ko ng kwarto ko ay nakaayos na yung ibang nagkalat na files ko. Yung pagkain naman na binili nito ay nakalapag sa lamesa. Pansin ko rin na may kausap ngayon si August sa cellphone niya.

"Pinuntahan ko lang yung girlfriend ko. Babalik din naman ako mamaya pero baka matagalan ako. Pakiaayos na lang yung ibang pinapaayos ko." Humawak siya sa sentido niya. "I think kelangan nating maglagay ng new feature na wala sa iba. Mag-isip pa kayo ng iba." Aniya. "Yes, please. Thanks."

"work?" nahihiyang tanong ko sa kanya nang mapansin kong itinago na niya ang cellphone niya. Tumingin ito sa akin bago niya ako nginitian. Kita kong parang pagod siya at medyo lumalaki na yung eyebags niya.

"Work." Lumapit ito sa akin saka niya ako niyakap. "Malamig na ulo mo?" Tanong niya kaya tumango ako. Naramdaman ko rin kaagad yung paghalik niya sa ulo ko. "I love you." Aniya pa kaya niyakap ko rin ito nang mahigpit.

"I love you, too. Sorry kung inaway kita."

"Ikaw, e. Lagi ka kasing galit."

"Hindi, ah!" Tinapik ko yung braso niya pero mas hinigpitan niya lang lalo ang yakap niya sa akin.

"Oo kaya. Tignan mo nananakit ka na naman."

Tumingala ako sa kanya at napangiti ako nang bigyan niya ako ng isang halik. It was only a brief kiss but it's the sweetest.

"Ang late niyo naman yata magtrabaho?"

"Wala kasi kaming sense of time doon." Sagot niya. "Nalaman ko sa kaibigan mo na hindi ka raw kumakain ng lunch. Hindi ka raw niya nakikita sa kinakainan niyong karinderya."

"kaya mo ba ako dinalhan ng pagkain? Ikaw ba kumain na?" Tumango siya bilang tugon. "Hindi kita napagluto ng breakfast dalawang araw na. Kumain ka ba kahapon? Kanina? Baka pumayat ka niyan."

"Hindi ako kumain kahapon hanggang gabi."

"What?"

"yayayain dapat kitang kumain kagabi kaso natatakot akong magsalita nung nasa sasakyan tayo. Ang tahimik mo kasi parang ayaw mo akong kausapin."

"I was just tired, love. I'm sorry, i should've asked how was your day instead of running away last night."

"nalipasan kaya ako ng gutom." Alam kong ang pabebe ko na sa point na ito pero sobrang namiss ko lang kasi yung yakap niyang ganito. Ayaw kong bitiwan niya ako. Mamaya ay aalis na naman siya para magtrabaho, e.

"hindi ko alam kung maaga ako makakauwi mamaya. Hindi ko alam kung maipagluluto kita bukas."

"Akala ko ayaw mo na rito." Ngumiti ito saka niya hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"Pwede ba 'yon?" napangiti na lang ako sa sagot niya sa akin. "Can I kiss you?" kumunot yung noo ko sa tanong niya dahil hindi naman niya kailangan pang humingi sa akin ng permiso. "Baka kasi kapag hinalikan kita hindi ako kaagad makakabalik sa trabaho." Pagkasabi niya pa lang niyon, tututol pa lang sana ako nang marealize ko ang sinabi niya ay sinakop na niya ang bibig ko. And even though i wanted to resist, i didn't.

***

Paggising ko ay wala na si August. Hindi ko na namalayan kung anong oras siya umalis kagabi. Nagcheck ako ng pwedeng kainin at napangiti ako nang may iniwan na note ito sa ref.

Kainin mo yung binili ko kagabi. Reheat mo na lang. Huwag kang magpapalipas ng gutom. Dapat healthy ka lagi. Love you.

Ngayong araw na ito na rin pala ang umpisa nang hindi namin madalas na pagkikita ni August. Pareho na kaming naging busy sa mga sumunod na araw. Bumalik na rin si August sa kanila kaya mas lalo akong nawalan ng time para sa kanya. Both of us are busy with work... lumalabas pa rin kami pero hindi na rin kami gaano nagtatagal sa labas. Madalas kasi ay inuuwi rin namin ang mga trabaho namin. May small fights pa rin naman kami pero naayos din naman agad. Sana nga laging small fights lang. Sana wala na kaming maging major na problema pa.


***

CUPID NO MOREOnde as histórias ganham vida. Descobre agora