Chapter 15

26.4K 1.1K 46
                                    


CHAPTER 15

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko kung sino ang nakatayo sa lobby. Hindi niya ako nakikita ngayon dahil iba ang inaatupag. Napahalukipkip ako at tinignan ang babaeng kasama nito. Ang saya-saya pa niya habang kinakausap si August. Ito namang isa ay parnag tuwang-tuwa pa.

Napailing na lang ako at muling naglakad. Nagpapasamat na lang din ako dahil wala akong kasbay maglakad ngayon kung hindi ay tnakatitiyak akong pahtitripan na naman nila ako dahil sa inasta ko ngayon lang.

"Lovely" Tawag nito pero hindi ko siya pinansin. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.

"Love!" Mas malakas iyon at talaga namang napahinto ako dahil sa gulat. Tinawag ba niya akong love? Hindi ako makapaniwala sa narinig ko ngayon lang. "Lovely, kanina pa kita tinatawag." Once mo lang sinabi ang pangalan ko. Makakanina naman siya.

"Bakit ka nandito?" I asked. Sinulyapan ko pa yung babae na ngayon ay nakatingin sa amin ni August. Mukha siyang disappointed dahil mas malayo naman ang ganda nito kaysa sa akin.

"Susunduin kita." Mabilis niyang sagot. "Hindi mo kasama yung Henry." Tuloy pa niya. "Hindi ka niya ihahatid?" Ilang araw din akong sinasabayan ni Sir Henry maglakad madalas dahil nalaman nito kay Allison ang tungkol sa palitan nila ng text ni August.

Hindi ako nagpapahatid kay sir Henry but still i played along.

"Hindi mo naman kasi ako kailangan na sunduin pa. Kaya ko naman umuwing mag-isa." Pagkasabi ko nun ay nahulog ang mga papeles na kelangan kong basahin para sa client meeting bukas. Tinulungan ako kaagad ni August na pulutin ang mga iyon.

"Makakatrabaho mo ang Nature's Resort?" Di ko maiwasang mapatingin kay August dahil sa tanong nito. Hindi pa nag-open ang Resort na ito pero mukhang alam na niya ang tungkol dito. Sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung bakit gustong-gustong makuha ng boss namin ang client na ito.

"I need that client." Sagot ko na lang. Kailangan ko kasi talaga sila kung gusto ko talagang mapromote. Ayokong isipin ng head namin na kaya hindi pa ako natatanggal ay dahil gusto ako ni Sir Henry.

Kanina lang ay napagalitan ako dahil may kapalpakan akong nagawa. Maraming naapektuhan sa kapalpakan kong iyon kanina tapos ngayon ay binigyan ako ng chance. Kailangan kong makuhga ang Nature's Resort.

Tinignan ko ulit si August na ngayon ay parang malalim ang iniisip.

"Bakit?" Tanong ko nang kuhanin ko ang mga papeles na hawak niya. Mga presentation iyon na dapat kong ayusin para sa client na ito. Mukhang hindi lang kasi kami ang gustong humawak ng upcoming events nila.

"N-nothing." Sagot nito bago tuluyang ibigay sa akin ang mga iyon. "Ihahatid na kita." Pag-iiba nito ng usapan.

Nginitian ko ito pero i declined his offer.

"Kaya kong umuwi mag-isa." Pagmamatigas ko. "Thanks anyway."

***

Nandito ako ngayon sa nasabing resort. Kinakabahan ako dahil ako mismo ang makikipagmeeting sa kanila. Ang sabi sa akin ng head kahapon ay mahihirapan akong kuhanin ang client na ito. Masyado raw kasing mataas ang standard ng may-ari nito.

Hinihintay kong matapos ang meeting nito sa isa pang kumpanya pero laking gulat ko nang lumabas si August kasama ang iba pang lalaki doon. Katulad ko ay nagulat din naman siya sa presensya ko ngayon. Kaya ba nagtanong siya noong nakaraan kung makakatrabaho ko ba ang Nature's Resort. Ito pala ang dahilan.

"Salamat po ulit." Ani ng isa sa mga lalaking lumabas. Ngumiti lang naman ang may-ari ng Resort. Sigurado akong siya iyon dahil nagresearch ako kagabi kung sino ba ang imi-meet ko. Mukha siyang strict pero at the same time mukha rin namang mabait.

"August, maiwan ka dito. Mag-uusap pa tayo." Tinignan ko yung may-ari at ganun din siya sa akin. Hindi niya ako nginitian kaya namumuo na yung kaba sa dibdib ko. "Let's make it quick." Natulala ako nang pumasok na ito sa loob. Ako ba ang kinakausap niya?

"Pumasok ka na." Bulong ni August. "Huwag kang magpapakain dyan." Kahit na naguguluhan ako sa sinabi niyang iyon at kung bakit nandito siya ngayon ay pumasok na rin ako. Sana ay kayanin kong magpresent sa kanya nang maayos.

CUPID NO MORETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon