Chapter 21

23K 1.2K 167
                                    


CHAPTER 21

'Ang saya-saya lagi ng mga post ni papi' natawa ako nang makita ko iyong comment sa status ni August. Mukhang nangto-troll kasi siya dahil kung anu-ano ang mga sinasabi niya at kung sinu-sino ang mga nakatag sa status niya.

'Lol! May lovelife na yata ulit pre' Kumento pa ng isa pa nitong kaibigan.

'Hahaha! Sa wakas! Akala ko bumaliko na ang patola!'

'gago ang patola ko ay para sa gumamela lamang!' kumento ni August. Hindi ko na natapos ang binabasa ko gawa ng text ni August sa akin

August: Busy ka?

Lovely: Nagpapahinga ako

August: Gusto sana kitang isama.

Lovely: Next time na lang.

August: Okay... Goodnight then

Napakunot talaga yung noo ko nang mabasa ko yung goodnight. Hindi na ba niya ako iti-text?

August: And one more thing, listen to 19 You and Me by Dan & Shay. Kakantahin ko kasi yan mamaya. Pakinggan mo na lang haha!

Lovely: Kakanta ka? Saan?

August: ui curious siya! :D

Lovely: Sige huwag mo na sagutin

August: Aww galit na? :<

Lovely: lol ewan ko sa'yo! Pakinggan ko na lang 'to. Ingat

August: Aww so cold, but I like it! Hahaha

Lovely: Tigilan mo ko >:(

August: Hahaha! I love you! Goodnight kahit di mo ko replyan. Love you love you

Minasahe ko ang pisngi ko para mawala yung ngiting nakapaskil sa mukha ko. Baliw talaga siya kahit kalian.

CUPID NO MOREDonde viven las historias. Descúbrelo ahora