Chapter 40

19.9K 952 85
                                    


Chapter 40

Napag-usapan namin na sa mall kami magkikita ni Adrian. Nasa foodcourt ako at habang naghihintay ay kachat ko pa rin si August.

August Lenard Parco: Wala pa rin? Hindi ka na sisiputin niyan. Uwi na >:DD

Lovely Dennise Calarion: Lol. Ang tindi mo siguro magdasal kanina? Lagi lang talagang late 'yon.

August Lenard Parco: oo with luhod pa yung pagdarasal ko kanina. 12 na ah. Hindi ka pa kakain?

Lovely Dennise Calarion: Hintayin ko muna si Adrian bago ako kumain. Padating na rin naman siguro siya.

August Lenard Parco: Siguro? Hindi ka sure?

Lovely Dennise Calarion: May dinaanan pa raw kasi siya love

August Lenard Parco: Magpicture ka nga. Gusto kita makita. :)

Lovely Dennise Calarion: Grabe naman yung magpipicture pa ako. Magseselfie talaga ako sa foodcourt? Haha

August Lenard Parco: Oo. Hiya ka? Hahaha bilis na. Gusto kita makita.

Lovely Dennise Calarion: Ayaw ko love. Nakakahiya magpicture pag mag-isa. Hahahaha

Pagkareply ko nun ay biglang tumatawag si August sa akin. Video call ulit iyon. Mabilis ko rin naman sinagot. Naglalakad siya habang nakikipagvideo call sa akin.

"Hi miss." Bati nito kaya natawa na lang ako. Kinuha ko yung earphones ko sa bag ko saka ko yun ikinabit sa cellphone ko para mas marinig ko siya. "Ang ganda mo naman miss." Sabi niya pa kaya mas natawa ako.

"Gago." Sagot ko rito. "saan ang punta mo?" Tanong ko sa kanya,

"Makikipag-date." Sinimangutan ko siya dahil sa isinagot niya. "Ang ganda nga ng date ko, e. Ipapakita ko sa'yo mamaya."

"Baliw."

"Bakit ang ganda mo? Bakit ka nagpaganda? Paano kung ligawan ka nung lalaki dyan?"

"Sira ka talaga. Maganda lang talaga yung girlfriend mo, no. Hindi ko na kasalanan iyon." Inirapan ko siya at siya naman ay natawa lang sa sinabi ko. Medyo hininaan ko nga lang yung boses ko para hindi ako marinig ng mga nasa kabilang table. Baka mamaya sabihin nila ay napaka-feeling ko naman. "Nandito na si Adrian." Nakangiti kong sabi sa kanya. Saktong umupo naman si Adrian sa bandang harapan ko.

"Pakausap nga." Aniya saka pumasok siya sa isang shop. Nang makaupo ito ay doon ko pa lang inabot kay Adrian yung cellphone ko na dahilan naman ng pagtaas ng kilay niya sa akin.

"Bakit 'yan?" Kinuha niya yung cellphone ko. Tinanggal ko rin syempre yung earphones para naman marinig ko rin yung pag-uusapan nila.

"Kausapin ka raw." Iiling-iling na tumingin si Adrian sa cellphone.

"Wow, infairness naman. Gwapo ka."

"Thanks." Tipid na sagot ni August sa kanya.

"Bakit pala?"

"Sabihan mo ako kapag gumawa ng move yung kaibigan niyo kay love, ah."

"Ah! Si Jason?" Tumingin sa akin si Adrian.

"Jason ba pangalan nun? Basta kapag gumawa ng move yun sabihan mo ako kaagad."

"Bakit?" May naglalarong ngiti sa mga labi ngayon ni Adrian. "anong gagawin mo kapag gumawa ng move?"

"babangasan ko. Nang makatikim." Napakamot na lang ako ng ulo ko sa narinig ko.

"Okay. I will make sumbong. Pero ngayon pa lang sinasabi ko na ah. High school pa lang kami medyo bumabakod na yun kay Lovely kaya dapat---"

"baliw! Hindi kaya!" sumbat ko.

"Talaga?" napansin ko yung pag-aaalala sa boses ni August.. "High school pa?"

"August, huwag kang maniwala kay Adrian."

"hayaan mo buwan, babantayan ko naman sila maigi. Okay? Huwag ka mag-alala."

"wala ka naman dapat bantayan." Inis kong sabi. "Kahit gusto man ako ni Jason o hindi wala naman mangyayari. Si August yung boyfriend ko. Loyal ako kay August. Siya lang yung mahal ko. Okay?" Inis kong kinuha yung cellphone ko mula kay Adrian.

"Love, wala ka bang tiwala sa akin?" Sumimangot ako.

"Meron." Hindi nakangiting sagot niya kaya bigla akong napaiwas ng tingin. "Kaso wala ako dyan. Nawala ka na sa akin ng isang beses ayaw ko nang mawala ka ulit sa akin. Pumayag akong lumabas ka kasama sila but please pakisabi sa kanya na lumugar siya..." Huminto ito sa pagsasalita. "Love, eyes on me."

Kahit na medyo nagtatampo na ako ay tumingin ako ulit sa sceen. Paano'y para akong napaparatangan ngayon. "Look, i have faith in you. Alam kong wala kang gagawin but you can't trust men. Alam ko kung ano yung nasa isip niya. Wala ako kaya siya ganyan sa'yo. Hindi mo ako kasama kaya ang lakas ng loob niya. Love, again, eyes on me please." Lumabi ako bago muling tumingin sa screen. Para akong batang pinagsasabihan ngayon.

"Don't worry love. Alam ko naman yung ginagawa ko. Sa totoo lang ayaw ko naman dapat makipagkita na sa kanya but since i brought this up last night, might as well meet him and reject him in person. Yes, he told me he likes me pero alam ko naman yung limitation ko. Gusto ko lang din naman siyang kausapin katulad ng ginawa ko kay sir Henry when i turned him down. Ayaw ko lang na iiwasan ko yung dati kong naging kaibigan. Naiintindihan mo ba ako?"

"I do. Kaya nga pumapayag din ako." Aniya. "pero dapat lang talaga na may bantay. Kasi mahirap na. Baka kung anong gawin sa'yo ng kaibigan mo."

"hindi naman siya ganun."

"Okay sabi mo, e." He said in defeat. "Take care, okay?" Tumango ako. "I need to end this call now. Enjoy your day."

Hindi na ako nakasagot nang tapusin niya yung tawag. Hindi ko man lang nasabi sa kanya na mag-ingat din siya.

"Girl! Medyo nagiging intense na yung usapan niyo pero nagpipigil siya. Pansin kong sobrang nagseselos yung boyfriend mo pero pinipigilan din niya 'yong selos. Grabe ka! Dapat kasi hindi ka na nakikipagkita kay Jason, e."

"Kailangan, e. Sa totoo lang magmula noong nalaman niya yung number ko kahapon ay text na siya nang text. Hindi ko naman pwedeng sabihin iyon kay August. Hindi ko naman siya nirereplyan madalas pero syempre kailangan ko rin siyang patigilin. Kung hindi ko siya mapatigil through text, edi sa personal na lang para diretso na. Ayaw ko rin na nagseselos si August. Kasi hindi ko pa rin alam kung paano ko ihahandle yung pagkaseloso niya kapag sumobra na naman."

"Mukhang sinusubukan naman niyang huwag magselos. Swerte ka nga, e. Kaya kung ako sa'yo, pagsabihan mo na yang kaibigan mo. Sabihin mo na kaagad na wala siyang mapapala."

CUPID NO MOREWhere stories live. Discover now