Chapter 12

28.6K 1.3K 163
                                    




       

CHAPTER 12

"Umayaw ka na dati, ngayon aalis ka naman?" Sa sinabi niyang iyon ay natigilan ako. Maski ang  taong naglalakad malapit sa amin ay napatingin sa direksyon namin ni August. "Hindi mo na naman ako pakikinggan? Ang galing mo talagang umiwas."

Hindi ko magawang mainis sa sinabi niya dahil totoo ang paratang niya. Ako ang umayaw noon. Hindi ko siya pinagsalita noon at tapos ngayon umiiwas na naman ako.

"Baka nga kaya hindi kita makalimutan dahil baon na baon na ako, Lovely? Tuwing naaalala ko yung gabing nagkasala ako, lagi kong naiisip na siguro nga deserve kong iniwan mo ako.

"August, huwag dito." Hindi ko namalayan ang pagpiyok ng boses ko. Umiiyak na naman ba ako? Dahil ano? Dahil gusto ko pa rin ba siya? Katrlad ba niya ay hindi ako nakalimot?

"Kung hindi dito, saan? Kasi alam ko na kapag nawala ka na naman sa paningin ko ay hindi na naman kita makikita." Pahina nang pahina ang boses nito at napansin ko na rin ang pangingilid ng luha niya ngayon. "Ayokong umalis na bigo ulit. Kasi nagkamali na ako noong sinunod kitang huwag muna tayong mag-usap. Noong sinunod kita na kailangan mo muna ng space. Noong hinayaan lang kitang magsalita."

Matagal siyang natahimik bago muling nagsalita.

"I've been wanting to call you love ever since I learned that you were on the other line. I've been wanting to call and text you nonstop but I'm always stopping myself from doing so."

I heard him cussed bago niya pinunasan ang luhang tumulo na. Ngumiti pa nga ito pero muling pinunasan yung nasa kabila pa niyang mata.

Nang maglakad na siya ay sinundan ko na lang siya hanggang makabalik siya sa sasakyan niya. Ang sasakyan na ito ay ang sasakyan na gamit din nila Gilbert noong pinasabay nila ako.

Sumakay ako sa passenger's seat na tila ikinabigla naman ni August. Matagal lang siyang nakatitig sa akin at para siyang hindi makapaniwala sa inasta ko ngayon lang.

"Okay... Let's hear it."

***

Pinalitan ko ang username ko sa blog ko. From LovelyC ay ginawa ko iyong CupidNoMore bago nagpost muli ng blog.

Random Thoughts

Mahirap talaga ang pag-ibig. Yung akala mong kaibigan mo lang ay ka-ibigan mo na. O kaya naman hindi kasi natin namamalayan na ang akala nating nabaon na sa limot ay mahal mo pa rin pala.

Mahirap pala talagang umibig. Ito na siguro kasi ang sinasabi nilang hindi mo malalaman na mahal mo pa siya kung hindi ka masasakyan. Hindi lang kasi puro saya ang dulot ng pag-ibig.

-Cupid no More

CUPID NO MORETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon