Chapter 10

28.5K 1.4K 249
                                    


CHAPTER 10

Pagpasok ko pa lang sa office ay nakatingin na silang lahat sa akin. Nakangiti pa yung iba sa akin. Nakakapanibago naman yata?

"Ikaw ah! Ang haba ng hair mo." Tumingin ako kay Maureen, hindi ko siya gaano nakakausap dahil sa ibang planning team siya naka-assign. Okay naman siya pero hindi kami ganoon ka-close.

"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya. Nakakapagtaka lang talaga ang mga ngiting binibigay nila sa akin ngayon. "May bouquet ka lang naman sa desk mo." Sabi niya kaya mabilis kong tinungo yung desk ko. Katulad ng sabi ni Maureen ay may bouquet nga doon.

"Kanina ko pa gusto tignan yung nasa card kaso syempre dapat ikaw yung mauuna!" Ani Allison. "Baka sa ex mo na yan!"

"Baliw."

"Oi! Nakangiti! Umaasa kang sa ex mo, no?

"Hindi, ah!" tanggi ko kasi sa totoo lang hindi ko alam kung nakangiti nga ako.

Tinignan ko na muna yung bouquet bago kinuha yung kulay cream na card na nakadikit doon. Binuklat ko iyon para alamin kung sino ang nagpadala.

"Wow. Galing kay Sir Henry." Napatingin yung nasa kabilang cube nang dahil sa sinabing iyon ni Allison.

Kaedaran ko lang si Sir Henry pero anak kasi siya ng CEO kaya ang awkward talaga. "Super haba talaga ng hair. Akala ko give up na siya sa'yo? Nandito na pala ulit iyon sa Pinas? Naku! Goodbye peaceful work ka na naman."

Napahawak na lang ako sa sentido ko nang dahil dito. Akala ko rin ay give up na siya pero heto na naman siya at nag-uumpisa na naman.

To Denden,

I miss you.

Lunch tayo later? :)

-Henry

Huminga ako nang malalim saka ko itinabi ang mga bulaklak. Nagtrabaho lang ako hanggang maglunch break na nga. Umaasa ako na sana ay wala si Sir Henry. Mabuti nga't peaceful pa ngayon dahil kahit na nakabalik na siya ulit ay hindi siya nanggugulo sa department. Marahil ay hindi na naman siya makaalis sa tabi ng ama niya.

"Hello..." Napapikit na lang ako pagkarinig ko pa lang ng boses nito.

"Hi Sir Henry. Gumagwapo tayo lalo, ah." Pambobola naman ni Allison. "Sir, wala pa ring boyfriend si Denden. Sinubukan kong magpakacupid pero sumablay, pwede na kayo ulit manligaw sir akala ko kasi give up ka na."

"Aish! Dapat huwag ganun. Dapat sa akin ka lang boto." Sabi naman ni Sir Henry. "So, kumusta ka na Denden?"

Tumingin ako kay si Henry. Gwapo pa rin naman siya. Medyo tan nga lang siya ngayon siguro dahil sa Hawaii siya galing.

"lunch tayo?" Yaya niya pa sa akin.

"Sir Henry,"

"You'll refuse again? Alam ko na 'yan, e." Tumayo ako at nauna nang umalis sa kanila. Ayoko talaga yung attention na nakukuha ko tuwing nandito si Sir Henry. Alam ko kasing pinag-uusapan ako ng mga nasa department namin tuwing kinukulit ako ni sir.

"bakit hindi mo ako magustuhan?" Tumingin ako sa paligid namin. Walang tao dito sa hallway ngayon. Mukhang nahihiyang lumabas ang mga nasa department namin nang dahil kay Sir Henry.

"Hindi po kasi appropriate sir. Nasa workplace po tayo, hindi po ako binabayaran ng kumpanya ninyo para makipagligawan."

"Ah..." Nakita ko siyang tumango-tango. Kahit papaano naman ay parang naintindihan na niya ako sa wakas. "Edi kapag uuwi ka na, pwede na? Sige balik na lang ako mamaya." Talaga namang natigilan ako at hindi makapagsalita dahil sa bigla niyang pag-alis. Ibang klase talaga siya.

Nagsimula ang pangungulit niya sa akin noong 1 week pa lang akong nagtatrabaho sa kumpanya nila. Hindi ko kasi alam na anak siya ng CEO kaya nasungit-sungitan ko siya cafeteria sa baba.

Hindi siya nangulit ng lunch. Hindi na rin siya nagpunta sa department namin ng after lunch.

***

Past five na nang lumabas kami ni Allison sa building. Tumingin ako sa cellphone ko dahil inaantay ko ang text ni August. Ngayon kami magkikita pero hindi pa rin niya sinasabi sa akin yung meeting place namin.

"Akin na nga yang bulaklak mo. Kawawa ka naman maghawak ng phone at bouquet ng sabay." Nagpasalamat naman ako kay Allison dahil sa pagvolunteer niya. Mahirap naman kasi talaga magtext na may dala-dalawnag bulaklak tapos may bag pa.

Lovely: Saan tayo? Tuloy ba? If not, uuwi na ako.

August: Tuloy tayo. magpark lang ako

Lovely: Park? Just text me where

Napairap na lang ako dahil hindi na ito nagreply pagkatapos.

"Sino ba kasi 'yang tinitext mo? Hindi ka pa ba uuwi?" Tumingin ito sa wristwatch niya kaya alam kong nagmamadali na siya.

"Uuwi ka na ba?"

"oo, e. " She flashed me an apologetic smile before giving me back the bouquet. "kelangan ko na talagang umalis. Tawag ng kalikasan bes." Tuloy pa nito pero sa sinabi niyang iyon ay parang kinutuban na ako. "Bye Sir Henry!" Mabilis siyang umalis sa tabi ko kaya wala na akong nagawa kung hindi ngitian na lang si Sir Henry na ngayon ay nasa harap ko na.

"Uuwi ka na? Hatid na kita." Gusto ko na lang takluban ang mukha ko ngayon dahil sa mga palabas sa kumpanya na nakakakilala sa kanya. Yung iba ay talagang halatang tinitignan ang mukha ko.

"May pupuntahan pa po kasi ako." Lumayo ako sa kanya pero mabilis din niyang isinara ang distansya sa aming dalawa.

"Saan? Ihahatid na lang kita doon."

"Sir huwag na lang. Awks kasi..."

"Awks?" nakangiti nitong tanong sa akin. Tila ba amused na amused siya sa word na ginamit ko.

"Awks. As in awkward"

"Saan ka na kasi pupunta?"

"Lovely." Sa boses pa lang ng tumawag sa pangalan ko ay para na akong na-estatwa. Tumingin ako sa direksyong iyon. Mukha siyang confused dahil sa nakikita niya ngayon. Paano niya nalaman na dito ako nagwowork?

CUPID NO MOREWhere stories live. Discover now