Chapter 49

17.8K 851 74
                                    

Chapter 49

Hindi ako makakain sa sobrang stressed. Kaya kahit gusto kong kumain parang hindi ko kaya. Parang nakikita ko pa lang ay ayaw ko na kaagad tapos mabilis rin akong mabusog kahit ilang beses pa lang ako sumusubo. Madalas din akong nahihilo pero kinakaya ko pa naman. Ayaw ko na kasing magpalusot kay Ms. Layla dahil sobrang daming ginagawa. Ayaw kong makaabala.

Lately sobrang walang gana ako sa paligid. Gusto ko lang sana magpahinga at matulog parati dahil sobrang stressed na ako sa trabaho.

"You look pale." Ani ms Layla.

"Okay lang po. Nagsuka lang ako kanina."

"You don't look good at all."

"Okay lang naman po ako. Hindi ko lang siguro nagustuhan yung kinain kanina."

"Pero wala ka naman halos kinain." Pinakiramdaman niya ang noo ko. "Hindi ko naman masabi kung mainit ka. Baka naman buntis ka? Diba ang sabi ko huwag magpapabuntis kasi sobrang stressful ng trabaho sa team ko?"

"Buntis ka nga ba?" Tanong niya ulit kaya mabilis akong umiling. Sa thought pa lang na buntis ako ay natatakot na ako. Hindi pa ako pwedeng mabuntis.

"H-hindi po ako buntis."

"Nagpatingin ka na ba sa OB? Pregnancy test?" Umiling din ako kaya naman napabuntong hininga si MS. Layla. "Tapusin lang natin ang project na ito tapos ipapalipat muna kita ng team. Hindi mo kakayanin yung stress dito kung buntis ka. Ikaw at yung baby lang din ang magsasuffer."

"Hindi po ako buntis." Pakiramdam ko ay nangingilid na yung luha sa mga mata ko. "Trust me hindi po."

"Relax Lovely. It's okay. Kapag nanganak ka na pwede ka naman bumalik sa team." Umiling ulit ako. "You should be checked first. Magpatingin ka sa doctor."

"Anong doctor?" Tumingin ako sa kakapasok lang. Si Sir Henry iyon at may dala-dala itong folders. "Denden, parang namamayat ka yata?"

"Paano'y hindi gaano kumakain tapos---"

"kaya ko pa naman po." Pagpupumilit ko. "Saka diba po sa susunod na araw ay makikilala ko na yung founder ng Cyanwire? Diba kakausapin ko na sila para sa event nila sa sabado? Kaya ko po." Ani ko kahit pa nararamdaman ko na naman yung pananakit sa tyan ko. Siguro dahil halos wala akong kinakain lately. Kung kakain man, ilang subo lang iyon.

Pero natakot din ako sa sinabi ni Ms. Layla na baka buntis ako. Yung tyan ko kasi ay nagsu-swell at pati na rin yung legs ko. Pero despite that, nasasabihan din akong pumayat. Kung noong nakaraan kasi ay ang takaw ko, ngayon naman sobrang wala akong gana sa lahat ng klase ng pagkain.

Kapag kasama ko si August, hindi ko na lang pinapahalata sa kanya. Lagi ko na lang dinadahilan na marami akong nakain kaya hindi ako makakain ng gabi. Katulad ko ay sobrang busy din niya.

"Pwede mo naman sila i-meet pero tingin ko kailangan mo nga muna magpatingin." Tumingin ako kay Sir Henry. "Pwede naman kitang samahan."

"Pero tatanggalin ako sa team. I worked hard for this at alam mo 'yan." Tumingin sa amin si Ms. Layla. Mukhang confused siya dahil ganito ko kausapin ang anak ng ceo.

"Okay you two, pumunta na kayo ngayon sa ospital. Hindi ka tatanggalin sa team, ililipat ka lang sandali kapag nakumpirma na buntis ka. Babalik ka rin naman dito. Magaling ka kaya, you earned your slot here kaya babalik ka. Tatapusin mo 'tong project na 'to pero kailangan mo rin magpahinga dahil makakasama 'yan sa bata."

Kung magsalita sila ay parang kumpirmadong buntis na talaga ako. Umaasa akong hindi ako buntis pero yung pagsusuka ko ng ilang beses na ay hindi ko pa rin maintindihan. Ilang araw na iyon pero ayaw ko pa rin maniwala.

"Tara na habang maaga pa." Ani Henry. Muli akong tumingin kay ms. Layla bago ako muling huminga nang malalim. Mukhang hindi nila ako titigilan hangga't hindi ako nagpapatingin sa OB.

Tahimik lang kami ni Sir Henry sa sasakyan niya. Hindi ko naman matext si August na pupunta ako sa Ospital ngayon para magpacheck. Ayaw kong sabihin sa kanya dahil hindi pa naman sigurado.

"Kailangan masabi mo kay August 'yan." Hindi ako sumagot. "kailangan hindi ka napapagod." Muli akong hindi sumagot. Kinakabahan kasi ako dahil baka totoo lahat ang sinasabi nila. First project ko pa lang ito pero ganito na agad.

Pagdating namin sa ospital ay kaagad naman akong na-check. In-ultrasound din ako at habang tinitignan ko yung nasa monitor ay hindi ako mapakali. Paano kung totoo?

"Hindi ka naman buntis." Ani ng doctor. "Pero just in case ay ipakita mo na rin ito sa GP. Para bukas ng umaga pwede kang bumalik dito para sa findings at kung hindi pa rin niya makikita, pwede ka niyang irecommend sa ibang specialist."

"Okay po. Thanks doc."

"Hindi ko naman alam na may girlfriend ka na pala ngayon Henry." Tumingin ako kay Henry at pati na rin sa OB. Kaya pala mabilis akong chineck dahil kilala naman pala ito.

"Hindi po." Nakangiti nitong sagot. "Kaibigan ko po siya."

"Oh, i thought ikaw yung ama kapag nagkataon."

"Salamat po ulit doc." Iyon na lang ang sinabi ko para matigil na sila sa pag-uusap. Gusto ko na lang kasi matapos ang araw na ito.

Nagpatingin din ako sa GP tulad ng sabi ni doc dahil baka may iba nga akong nararamdaman. Gusto sana niyang ipa-admit ako dahil mukhang hindi raw okay ang lagay ko at para makapag-run ng ilang test pa pero i refused. Babalik na lang ako sa susunod para roon.

Nang makauwi ako ay nandoon si August. Nakaharap ito sa laptop niya.

"Kumain ka na?" tanong nito kaya tumango na lang ako. Kumain na ako kasama ni Sir Henry kanina pero katulad noong mga nakaraang araw ay hindi pa rin ako makakain ng marami.

"Sinong kasama mo kumain?" Seryosong tanong niya.

"Ms. Layla." Pagsisinungaling ko. Ayaw ko lang kasi na pahabain na yung usapan. Gusto ko na lang matulog ngayon dahil ang bilis kong makaramdam ng pagod ngayon.

"Ms. Layla?" Nakangiting ulit niya. "Ms. Layla pala. Yung boss mo?" Tanong pa nito.

"yeah. Sorry. Pagod kasi ako, matutulog na muna ako."

"Sana next time kapag nagsinungaling ka sa akin yung convincing naman." Isinara niya yung laptop niya pagkatapos ay tumayo na ito at binitbit ang mga gamit niya. "Sige matulog ka na. Uuwi na rin ako. Goodnight."

"Goodnight." Iyon lang ang sinagot ko bago ako pumasok sa kwarto ko.


CUPID NO MOREWhere stories live. Discover now