Chapter 52

17.8K 1K 185
                                    


Chapter 52

CYANWIRE APP

ENTRY #2

Hi again! Alam mo ba? Nagsuklay ako kanina. Ito na yata yung sinasabi nilang side effect ng chemo. Naglalagas na yung buhok ko. Nagkakapasa. Nanghihina. Nagsusuka. Masasabi mo pa kayang ako yung pinakamagandang babaeng nakilala mo? Siguro kapag nakita mo ako, siguro matatawa ka sa hitsura ko. Okay lang naman na tumawa ka. Ikaw naman kasi yung tatawa. At least masaya ka, at least makikita kitang tumawa.

Nagpapakatatag ako lagi tuwing kasama ko yung family ko. Kanina nga mas naiyak pa si mama nung makita niyang naglalagas na yung buhok ko. Hindi raw siya makapaniwala na nangyayari sa akin ito. May history na kasi yung cancer sa family namin. Nagkataon lang na ako yung maswerteng tagapagmana. Nginitian ko si mama pero mas lalo siyang naiyak. Hindi ko tuloy alam kung ano ang sasabihin ko. Sasabihin ko bang malakas naman ako kahit hindi naman talaga? Gusto ko rin umiyak pero ayaw kong umiyak sa harap nila. Kasi itong pagpapakatatag ko na lang yung hope nila. Kaya sinusubukan pa nila. Kasi baka ma-extend pa yung buhay ko. Ayaw kong alisin yung katiting na pag-asa na nararamdaman nila. Kahit masakit na. Kahit ramdam na ramdam ko na.

Nga pala, natatandaan mo pa ba yung mga sinabi mo noong lasing ka? Sabi mo ako lang yung pwedeng humawak sa'yo. Gusto kong isipin mo na hindi naman ako magagalit kung may ibang babaeng hahawak sa'yo. Basta ba mahalin ka niya, basta ba mahal mo rin siya, at basta ba yung hindi ka iiwan katulad ng ginawa ko sa'yo.

Love, sorry kung hindi ko sinabi sa'yo. Sorry kung alam ni Henry tapos ikaw hindi mo pa alam. Kanina naman ka-videochat ko yung mga kaibigan kong sila Monica at Kristin. Kilala mo pa naman sila diba? Ang sabi ko sa kanila makikipagkita ako sa kanila kapag magaling na ako. Ang sabi ko pa nga mabilis na lang ako gagaling kahit alam kong wala naman na talaga. Ang nega ko no? Pero kasi katawan ko 'to. Alam ko yung limitasyon ko. Sorry kung yung natitirang time ko ninakaw ko pa sa'yo. Sana mapatawad mo ako..............

Hehehe pwede ba magmura sa app mo? Hindi ba ako mabubura? Haha. Tangina kasi. Bakit ako? Bakit kailangan may ganito? Love, gustonvg-gusto kitang yakapin. Kahit ngayon lang. Sawa na akong ngumiti sa harap nila. Kahit ngayon lang... sana makasama pa kita. Nagsisisi ako... nagsisisi akong nililihim ko sa'yo to.

CUPID NO MOREWhere stories live. Discover now