Chapter 41

19K 1K 111
                                    


Chapter 41

I killed the mood. Sa totoo lang ay enjoy naman yung araw na ito kasama sila but i killed the mood. I told Jason to stop what he's doing. That i know what he's trying to do. Alam ko sa sarili ko na alam niyang nagkagusto ako sa kanya noon kaya niya ginagawa ito.

"My feelings for you won't come back. Crush lang kita noon." Paglilinaw ko sa kanya nang makababa na si Adrian sa sasakyan ni Jason. He's driving me home now.

"I know." He said. I heard a little bit of sadness on his voice but i brushed it off. "nagbakasakali lang." This is what August has been trying to say. "Don't worry, hanggang dito lang naman 'to. Ikaw lang talaga yung the one that got away ko. Kung hindi ko lang sana sinunod yung kapatid mo."

"Kahit naman ligawan mo ako noon, hindi pa rin ako papayag. You were popular to girls at medyo playboy ka noon kaya---"

"kaya lagi mo akong nasusupalpal kapag sinusubukan kong sabihin sa'yo na gusto kita." Maina itong tumawa pero nanatili akong seryoso. Nararamdaman ko na yung pag-vibrate ng cellphone ko kaya alam kong sunod-sunod na yung message ni August sa akin ngayon.

"It's okay. Pagkatapos nito ay babalik ka na ulit sa trabaho mo, diba?" Tumango ako.

"Mag-ingat ka doon. Ang sabi mo mag-iipon ka tapos magpapatayo ka pa ng sarili mong shop, diba?" Muli akong tumango. "Ang sabi ng kuya mo nasa listahan ka ng pwedeng ma-promote"

"Yeah. Kaya pagbalik ko doon dapat makuha ko yung big client para tuloy-tuloy ako." Napangiti ako bigla dahil sa naalala ko. Gusto ko talagang tumaas ang posisyon ko sa kumpanya para mas makaipon ako. Gusto ko talaga ng sariling coffee shop tapos may mini library sa loob.

"kapag may coffeeshop ka na dapat libre na ako doon, ah."

"syempre pero isang kape lang, ah."

"ang kuripot talaga nito. Hindi ka na talaga nagbago." Mahina akong tumawa dahil sa sinabi niya. At least ngayon ay alam kong hindi ko na siya kailangan iwasan. We're still friends. "Sige, goodluck sa career mo." Hininto niya yung sasakyan sa tapat ng bahay namin.

"Sige, salamat sa paghatid Jay."

"Walang anuman, Cali." Bubuksan ko na yung pinto nang hawakan niya yung kamay ko. "But i think I can't do it." Ang sumunod na ginawa niya ay hindi ko inasahan. Mabilis ko siyang naitulak at nasampal. Marahas kong pinunasan ang mga labi ko dahil sa nagawa niya. "Sorry, but i'm not sorry at all. Kahit yun lang para sa lahat ng pagpipigil na ginawa ko." Hindi na ako sumagot sa sinabi niya. Mabilis akong lumabas sa sasakyan niya upang iwanan siya.

***

Tulala akong nakatingin lang sa sarili ko sa salamin. Basta pa ang mukha ko kakahilamos, kakapunas ng bibig. Tumigil lang ako nang mapansin kong kanina pa tumutunog ang cellphone ko. Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang towel ko bago ko hinanap ang cellphone kong kanina pa tumutunog. It's August.

Hinintay kong mawala ang caller ID.

August Lenard Parco: love? Kumusta?

August Lenard Parco: hindi pa rin kayo nakakauwi?

August Lenard Parco: Chat me okay

August Lenard Parco: love?

August Lenard Parco: anong oras kayo uuwi?

August Lenard Parco: I'm getting worried, love

August Lenard Parco: where are you

August Lenard Parco: fck pls reply

August Lenard Parco: at least answer your phone! Goddamnit. I'm worried here

August Lenard Parco: you're online? Hey.

Lovely Dennise Calarion: Uwi ka na. Gusto kitang yakapin. Love uwi ka na :(

August Lenard Parco: anong nangyari?

Lovely Dennise Calarion: Basta umuwi ka na.

August Lenard Parco: did he do something?

Hindi pa ako nakakareply ay tumawag na ulit siya. Hesitant pa akong sagutin iyon pero ilang Segundo lang ang nakalipas ay sinagot ko rin.

"Bakit mukha kang malungkot?" Bungad niya. "What happened, love?"

"Uwi ka na bukas please."

"Anong ginawa niya sa'yo?"

"he kissed me." Mahina kong sagot sa kanya.

"he what?"

"He kissed me." Pagkasabi ko niyon ay biglang tumulo yung luha ko. "Sorry." Iyak ko sa kanya. nakita ko ang pag-igting ng panga niya kaya mas lalo akong naiyak. Pakiramdam ko ay ang laki ng kasalanan ko sa kanya.

"Love... tahan na..."

"galit ka, eh."

"Sa kanya ako galit hindi sa'yo. Love on---"

"on you." Tuloy ko saka tumingin sa kanya at napansin ko yung kalmadong ngiti nito sa akin. "Kahit pa." Pinunasan ko yung luha ko at kahit ang pangit ko na sa video call na ito ay wala na akong pakialam. "I'm sorry. I'm really sorry. Hindi na ako lalapit ulit sa kanya. huwag kang mamagalit."

"Love, hindi nga ako galit sa'yo. At least honest ka sa akin."

"totoo?" pilit kong pinupunasan yung luha ko. "sinampal ko naman siya." Saad ko "sana nga mamaga yung pisngi niya ng isang taon." Narinig ko yung mahinang pagtawa niya.

"Love, uwi ako bukas hah?" May paglalambing sa tono ng boses nito. "Puntahan kita sa inyo."

"Balik na ako sa work ko bukas."

"Puntahan kita sa apartment mo. Matulog ka na. Mag-aayos lang ako ng gamit ko." Umiling ako.

"Usap pa tayo." Nakita ko ang pagngiti niya sa akin. "mag-ayos ka ng gamit mo habang nag-uusap pa tayo. I love you."

"I love you too love. Hindi talaga ako galit sayo. Don't worry. Huwag ka na umiyak, okay?" Tumango ako saka ko muling pinunasan yung luha ko. "Kahit umiiyak ka ang ganda mo pa rin. Matulog ka na. Huwag ka nang magpupuyat. Bukas nasa tabi mo na ako ulit." Lumabi ako dahil gusto ko pa sana siyang kausapin pero tama siyang dapat na akong matulog. Maaga pa ako aalis bukas dahil didiretso na ako sa trabaho ko bukas. "Huwag ka nang umiyak, hah?" Pag-aalo ulit nito sa akin. "Wala kang kasalanan kaya huwag kang umiyak." Tumango ako rito.

"Thank you, August. Miss na miss na kita."

"Miss na rin kita."

CUPID NO MOREWhere stories live. Discover now