Chapter 42

20.9K 1K 213
                                    


Chapter 42

Excited na ako sa pagdating ni August pero sa ngayon ay kakalipat ko lang ng office. Ang sabi sa akin kanina ay pwede pa rin akong tumulong sa presentation na gagawin para sa big client pero pwede ko na rin iyon balewalain dahil promoted na raw ako at iba na nga ang naka-assign sa project na maiiwan ko.

Tatlo kaming bago sa team ni Ms Layla. Nang dumating ito ay kaagad niya kaming pinatawag sa table niya. Kanina pa rin naman kami binibigyan ng tips ng mga kasamahan namin dahil nga raw masungit ito.

"Una, gusto ko galingan niyo sa trabaho. Ayoko yung tatamad-tamad. Iba na 'to. Hindi lang sa mga boss niyo kayo magpipresent kung hindi sa mismong board. Ang sabi nila magagaling kayo, pwes patunayan niyo." Inayos niya yung papeles sa harapan nito. "Read this at gusto ko ay makapagsubmit kayo sa akin ng ideas regarding dyan."

"opo." Sagot namin.

"Before 5." Para kaming na-estatwa ng mga kasama ko. Marami kaming masa-submit na ideas at presentation pero syempre ang karamihan doon ay tiyak na marereject. Ngayon pa lang ay parang na i-stress na ako.

"And also, may boyfriend ba kayo? Asawa?" tinignan naming maigi si Ms. Layla. "Huwag muna kayong magpapabuntis. Hindi niyo kakayanin yung stress sa team ko. Ayaw ko ng palpak. Ayaw ko ng palaging idle. Magkusa kayo kung wala kayong ginagawa. Are we clear?"

"yes, ma'am." Sabay-sabay na sagot naming tatlo na dahilan naman ng pagtawa ng ibang nasa team. Mukhang ganito lagi ang nangyayari kapag may bagong pasok sa team nila. Nang lunch ay hindi rin kami masyadong nakakain ng mga bago kong kasama. Katulad ko ay medyo nararamdaman na nila ang stress. Hanggang ngayon kasi ay binabasa pa rin naming yung files na binigay sa amin. Iba-iba kami ng gagawin kaya hindi naman namin matanong ang isa't isa.

Nawalan na rin ako ng time na i-check yung phone ko hanggang sa mag alas sinco na nga at hinanap na kami ni Ms. Layla. Binigay namin sa kanya yung mga ginawa at binasa niya ang mga ito. May ibang ideas siyang pinapa-elaborate at meron naman naman siyang nireject right away.

"Lovely?"

"Opo?"

"I like you ideas. They're fresh and new. May potential ka. Let's hone your presentation skill pa kasi hindi lang basta-basta ang makakaharap mo. You need to convince the board. Kayo ring dalawa, kayong lahat sa team ko ay magkakakompentensya mismo. Ako mismo ang pumipili kung sino ang magpipresent. Kaya kayong tatlo, galingan niyo. Maliwanag?"

"Opo." Sagot naming tatlo. "Okay, pasado na kayo. Welcome to my team." Matapos niyang sabihin iyon ay tumayo na siya at kinuha na yung bag niya saka lumabas ng office.

"hanep talaga si Ms. Layla. Walang mintis. Alas sinco talaga umaalis." Ani ng kasama namin sa office na ito. "Oh, alis na rin ako. Welcome sa team newbies." Pagkawelcome nila sa amin ay isa-isa na rin silang nagtayuang lahat.

Mukhang ganito ang routine nila dito. Na kapag umalis na ang boss ay aalis na rin silang lahat.

***

Nagtaxi ako pauwi dahil naramdaman ko kaagad yung pagod ko dahil sa maghapong ginawa ko. Nagtaka lang ako nang pagbaba ko ng taxi ay may sasakyan na nakapark sa harap ng apartment ko. Napakagat ako ng labi ko ng marealize ko kung sino yung lalaking nakasandal doon. It's him!

Patakbo akong lumapit sa kanya at mabilis siyang niyakap.

"hey, i've missed you too." Natatawa niyang sabi sa akin bago hinalikan ang ulo ko. "Hindi kita macontact kaya hindi ko alam kung susunduin kita. Baka kasi magkasalisi tayo." Mas lalo kong isiniksik ang ulo ko sa dibdib niya. Sobrang namiss ko talaga siya.

"Look at me, love." Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Nabigla ako when he suddenly swiped his thumb on my lips. "Dyan ka ba hinalikan?" Seryosong tanong nito kaya tumango ako. Akala ko ay magagalit siya bigla niya akong hinalikan. It was a quick kiss na dahilan na rin ng pagkabitin ko.

Kumunot ang noo ko nang umiling siya. Hindi ko mabasa ang iniisip niya. "Pasok tayo sa loob." Yaya niya sa akin kaya natawa na lang ako bigla. "I can't kiss you the way i want to if we're going to stay outside," mabilis na uminit yung mukha ko nang ibulong niyia iyon malapit sa tenga ko. Pakiramdam ko nga ay tumaas ang balahibo ko sa batok dahil sa kiliting naramdaman ko.

Inilabas ko yung susi ko pero nang bubuksan ko na yung pinto ay pansin ko yung panginginig ng kamay ko. Narinig ko pa nga yung pagtawa ni August dahil na rin sa kamay ko.

"Akin na nga..." Bakit kailangan niyang babaan lalo yung boses niya? Ang bilis bigla ng tibok ng puso ko... Ayaw pumirmi nito. Ayaw kumalma... mas lalo pa itong bumilis nang mabuksan na ni August ang pinto at hawakan ang likod ko para igiya sa loob ng unit ko.

"Uhm, tubig?" Alok ko rito nang makita kong i-lock niya yung pinto... kinakabahan talaga ako langhiya.

"Hindi ko kailangan ng tubig." Lumapit ito sa akin na dahilan naman ng pag-atras ko. Nakita ko ang pagngisi niya kaya naman pakiramdam ko ay nanlalambot na kaagad yung tuhod ko. Sht sht Lovely! Get youserself together. Calm down feels. Alam kong namiss ko siya pero sht! Hindi ka pa nakakapagshower!

Napakagat ako ng labi ko at mabilis nag-isip ng sasabihin pero tila nawala ako sa iniisip when i heard him groan.

Hindi na ako nakaatras pa nang bigla niyang hapitin ang bewang ko at nag-umpisang sakupin ang mga labi ko. Nagulat ako, hindi ko alam ang gagawin ko pero hindi ko inaasahan ang awtomatikong pagdantay ng mga kamay ko sa balikat nito. I responded to his kisses and before we could stop the heat, before i could stop this burning desire that i feel, he's already inside me.

CUPID NO MOREWhere stories live. Discover now