Chapter 37

20.2K 881 49
                                    

Chapter 37

Nauna nang bumalik sa manila ang mga kaibigan ko. Ako naman ay naiwan pa dahil hanggang sa makalawa pa yung leave ko. Hindi pa rin naman makakabalik si August dahil kaka-opera lang ng mama niya at kailangan niya itong alagaan.

Nasa coffee shop ako at hinihintay ko ang kaibigan kong si Adrianna. Tingin ako nang tingin sa wristwatch ko dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Mauubos ko na nga yung frappuccino na inorder ko kanina pero wala pa rin siya. Naiinip na ako.

Lovely: Adrian matagal ka pa?

Naghintay ako ng sagot mula sa kanya pero wala pa rin akong natatanggap.

I opened my blog and started typing. Sa tagal niya ay baka kung anu-ano na naman ang mapopost ko.

Missing You

Hey, handsome man

My heart is breaking

Your fault, you're not with me

Love, maybe I'm going crazy.

But hey this is normal

you don't have to worry

I am writing

To let you know

How much I am missing you

Please come back home

I am waiting.

Your one and only,

This is me, Lovely

Posted

"Ang seryoso." Mabilis kong tinignan ang lalaking umupo sa harapan ko. Ngumiti ito sa akin kaya nginitian ko na rin ito. "Sinong kasama mo?" Tanong niya pa. Tila binalewala na lang nito yung sinabi niya sa akin noong isang gabi.

"Uhm, hinihintay ko si Adrian." Sagot ko naman sa kanya. Hindi ko alam kung maiilang ba ako dahil sa nalaman ko or should I just pretend na it didn't happen at all. He's a friend afterall. "Ikaw? Sinong kasama mo?" I asked him saka hinawakan yung frappe ko.

"Ikaw?" mahina itong tumawa sa sinabi kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. "Just kidding. Ang cute mo pa rin hanggang ngayon." Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako o iirapan siya. "Samahan na kita habang wala pa si Adrian. Bibili lang sana ako ng kape para magising pero nakita kita kaya—"

"No it's okay. You don't have to." Mabilis kong taboy rito. "baka busy ka." Dagdag ko pa pero ngumiti lang siya.

"Hindi naman ako busy. Hindi na nga tayo nakapag-usap noong birthday ng kapatid mo tapos tinataboy mo pa ako."

"Kung hindi mo sana sinabi kasi yun." Pabulong kong sagot sa kanya pero alam kong narinig niya iyon.

"kaysa naman hindi ko na naman masabi." Inangat ko yung ulo ko para makita siya. Nakangiti ito sa akin ngayon. "Crush na kita dati pa, e. Kaso yung kapatid mo kasi lagi akong binabalaan kaya hindi kita maligawan." Muli itong natawa kahit hindi naman nakakatawa ang sinasabi niya. "Okay, look i'm sorry." Paghingi rin nito ng tawad dahil siguro napansin niyang tinitignan ko na siya ng masama. Sa totoo lang ay mabilis ang kabog ng puso ko ngayon nang dahil sa mga sinasabi niya. I used to like him. Just a little bit. Hindi naman sa point na minahal. Na-attached siguro pero that was it.

"we used to be friends." Aniya. "sa totoo lang ay namiss kita." Umiwas siya nang tingin saka ito nagkamot sa batok niya. "Hindi ko kasi in-expect na uuwi ka sa inyo."

"Birthday ng kapatid ko kaya natural lang naman na umuwi ako." Sagot ko sa huling sinabi niya. Muli akongtumingin sa wristwatch ko. Wala pa rin si Adrian.

Napansin kong napangiti si Jason dahil na rin sa ginawa ko.

"hanggang ngayon laging ikaw yung nauuna at laging late yang kaibigan mo. Dati lagi mo akong tinatawagan kapag hindi ka sinisipot ng kaibigan mong iyon."

"at ayaw na ayaw mo nga noon na ginugulo kita pero kahit ganun pinupuntahan mo pa rin ako."

"syempre. Alangan naman hayaan kitang mag-isa."

Ilang minuto pa kaming nag-usap ni Jason at binabalikan yung ibang ala-ala namin nang dumating na si Adrian.

"Hala sorry late ako!" Confused itong tumingin sa akin bago kay Jason. "Tinawagan ka ulit niya?" tanong niya rito. Umirap pa si Adrianna bago umupo sa tabi ko. "pwede ka na umalis. Shoo shoo." Taboy niya rito kaya napailing na lang si Jason.

"Sige, bukas tayo naman magkita ah. Catch up lang." Pagkasabi niya niyon ay tumayo na ito at umalis na nga.

"Catch up mo mukha mo." Inis na sabi ni Adrian "Sabi ko naman sa'yo may gusto yun sa'yo, eh. Teka order lang ako."

09XXXXXXXX: Hey! Jason here. Save my number. Labas naman tayo sa susunod. catch up lang. Have a nice day, Cali. :)

CUPID NO MOREWhere stories live. Discover now