Chapter 3

32K 1.5K 451
                                    



CHAPTER 3

Tinitigan ko yung stuffed toy na aso na bigay pa sa akin last year. Nandoon pa rin ang note niya at hindi ko pa iyon natatanggal. Napagsabihan ako ng friends ko na medyo selfish din ang nagawa ko. Hindi ko raw hinayaan mag-explain kaya ganun ang nangyari.

That time kasi ay confused ako. May iba pa akong priority pero naapektuhan na ako dahil lang sa kaganapan between August and me. Siguro nga katangahan din yung ginawa kong hindi siya hinayaang mag-explain.

Pero alam ko rin naman kasi sa sarili ko na wala na talaga. Gees! I need to distract myself. Huwag mong titigan yang stuffed toy.

Girlfriend: Naka ilang gf ka na?

Boyfriend: Maliban sa larong ito? dalawa.

Girlfriend: Oh...

Boyfriend: Bakit?

Girlfriend: Bakit ka nakipaghiwalay sa kanila?

Boyfriend: Yung una ako yung niloko, yung pangalawa ako yung nagloko.

Tumaas talaga ng todo yung isang kilay ko dahil sa nabasa ko.

Girlfriend: So dahil naloko ka, nanloko ka rin?

Boyfriend: Not exactly. May nilagay kasi sa iniinom ko noon. Hindi ko alam yung mga nangyayari, pero alam kong mali pa rin yung nangyari.. Basta ang alam ko, nasaktan ko yung ex ko. Considered panloloko na yung hindi nagsabi kaagad, diba?

Girlfriend: Mahal mo pa?

Boyfriend: Maybe. Baka kaya wala pa akong girlfriend. haha!

Boyfriend: Huwag ka na magtanong. Naku-curious ako sa'yo, e. lol

Girlfriend: Bakit ka pumayag sa game na 'to?

Boyfriend: Napilit lang. Ikaw?

Girlfriend: Same. Huwag na tayo magtextan haha!

Boyfriend: Okay lang pero baka mangulit na naman yung kaibigan kong kumag

Girlfriend: Totoo baka magtaka din yung friend ko pag di ko hawakan cellphone ko. :'(

Boyfriend: TTYL

Girlfriend: Kay...

Laging ganyan. Laging mabilisan ang pag-uusap namin. Parang ayaw naman niya akong kausap at okay lang namna iyon sa akin kasi busy din naman ako sa buhay.

Huminga ako nang malalim at muling tinignan yung stuffed toy. Kulang na distraction si boyfriend para hindi ko tignan ulit 'to. Kinuha ko iyon at muling binasa ang nakasulat.

Love,

Dahil hindi ka pinapayagang mag-alaga ng aso, ito na lang. Kapag malungkot ka, ito na lang ang yakapin mo. Kapag namimiss mo ako, titigan mo lang 'to. Kapag wala ako sa tabi mo, siya lang dapat ang katabi mo. Kapag galit ka sa akin, please, huwag mong itapon 'to. Sana huwag kang magsawa sa akin. I love you, love. Sorry kung wala tayong monthsary.

Yours only,

August

P.S. Let's travel together soon. Isama kita sa Japan sa susunod.I love you. :)


***


CUPID NO MOREDove le storie prendono vita. Scoprilo ora