Chapter 4

31K 1.3K 244
                                    


CHAPTER 4

"Kumusta naman ang boypren mo?" Tanong ni Allison kaya inirapan ko siya. Actually, okay naman kausap yung lalaki sadyang mga busy lang talaga kaming tao.

"Hindi kami gaano nag-uusap." Kako na lang.

"Hala! Pero nag-usap kayo?"

"Minsan kapag hindi ako busy or kung hindi siya busy."

Kakatapos ko lang i-edit ang proposal namin na ipi-present namin mamaya. Sana nga ay ma-approve na kaagad ng client namin dahil ilang gabi na rin namin tinatrabaho ito.

"May nagtext sa'yo, oh." Tinignan ko si Allision na ngayon ay nakangiti pa. Hawak niya ngayon ang phone ko kaya naman inagaw ko iyon sa kanya.

"Boyfriend pala, ah." Pang-aasar pa niya.

"Duh, hindi ko nga kasi alam ang pangalan." Inis na sabi ko na lang.

Boyfriend: Lunch na. Kumain ka na?

Girlfriend: Work pa, e. Tapos na class mo?

Tumikhim sa tabi ko si Allison kaya mabilis akong tumingin sa kanya. Binabasa pala nito ang sinend kong message. Parang nanloloko nga ang mga ngiti niya sa akin ngayon.

"I'm so happy for you, friend. Sweet ka palang girlfriend." Umirap na lang ako saka ko inilapag ulit yung cellphone sa tabi ko. Doon sa kita ko na para hindi na kuhanin ni Allison. Umilaw naman agad 'yong phone kaya alam kong nagreply na siya sa akin.

Boyfriend: Vacant period ko. Nakakasagabal ako?

Girlfriend: Not at all. Kakatapos ko lang. So, kumain ka na?

Boyfriend: Yup. Nasabi ko na bang defense namin bukas? haha!

Girlfriend: OMG! Best of luck! Kaya mo 'yun

Boyfriend: Ipang-cheer mo ako haha

Girlfriend: Cheer talaga? Hindi pray? lol

Boyfriend: Yup! Yung pray kaya na namin ng partner ko yun haha!

Girlfriend: *\(^o^)/* ayan with pompoms pa 'yan! haha!

Boyfriend: Naks! Cheerleader ka pala! Hindi mo naman nasabi sa akin.

Girlfriend: Ngayon lang 'yan. But seriously, goodluck. Noong kami ang may thesis nag away-away kami haha!:)

Boyfriend: haha! Lima nga kami noon naging dalawa na lang. humiwalay kami sa grupo kasi mga di nagseseryoso haha!

Girlfriend: Anong course mo?

Boyfriend: bawal personal questions, ah. :)

Girlfriend: Sumasagot ka kaya noong nakaraan! haha!

Boyfriend: Baka puntahan mo ako, e. Hindi pa ako nakamove on sa ex ko haha!

Girlfriend: Kadiri to. Hwuag kang mag-alala! Di kita pupuntahan. Gwapo mo, ah! hahaha!

Boyfriend: Gwapo naman talaga ako :D

Girlfriend: Lol bye

Boyfriend: Ang sama nito.

"Iba talaga ng naidudulot na ngiti kapag may kalandian, no?" Humarap ako kay Allison.

"Baliw. Hindi naman kami naglalandian."

"Yun na rin kaya yon." Aniya saka inilapag yung ilang document sa desk ko. "Magpaalam ka muna kay BF mo. Gawin na muna natin ito. And by the way, if gusto niyong magkita ni BF mo, allowed yon. Sabihan mo lang ako para alam ko na magkikita kayo. Para ma-ensure natin ang safety mo."

"Malabo yun." Sagot ko na lang. "Nakakatakot na ngayon makipag-meet. Minsan tinatamaan yung puso."

"Makahugot to! Sampal-sampalin kita, e!"

"Gaga! Joke kasi yon! kainis to slow."

"Hugot yun! Basta sabihan mo ako pag magkikita kayo ni boyfriend."

"Malabo nga kasi." Umirap lang siya pagkatapos ay pumunta sa kabilang desk at may mga kinuha pang materials.

Girlfriend: Need to prep for our presentation now. Bye bye! Aral ka na :)

Boyfriend: Goodluck, ttyl.


***

COMMENT COMMENT! :*

CUPID NO MORETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon