Chapter 46

18.4K 944 97
                                    


Chapter 46

Madaling araw nang magising ako. Paglabas ko ng kwarto ay kita ko ang nakabukas na laptop ni August. Hinanap ko siya pero wala ito rito. Mukhang lumabas siya dahil basa ang sahig ng CR nang pumunta ako roon.

Hindi ko pa siya nakakausap dahil baka pagmulan lang ng away namin lalo kapag nagsalita pa ulit ako. Minsan ay hindi ko lang din talag akayang kontrolin ang mga lumalabas sa bibig ko. Basta kapag nasabi ko na ay doon ko lang nare-realize na nakasakit nap ala ako.

Lovely: Nasaan ka?

Naligo at nag-ayos muna ako bago ko muling chineck ang cellphone ko. Wala pa rin reply si August at ngayon lang din na walang breakfast na niluto ito.

Lovely: I'm sorry kung nagalit ka. Mag-usap tayo mamaya please?

Hanggang sa work ay lagi kong inaabangan ang reply ni August pero wala hanggang lunch ay wala pa rin akong natatanggap.

"Hindi ka ba maglunch?" Tanong ni Annika.

"Hindi na siguro. Tapusin ko muna ito." Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa laptop. Halos lahat sila ay umalis na sa office para maglunch. Pero heto ako at pilit na inaaliw ang sarili ko sa ibang bagay dahil ayaw ko munang ma-distract.

"Hindi ka ba kakain?" Tanong ni Ms Layla nang dumaan ito sa table ko.

"Mamaya na lang po siguro."

"Okay, kapag dumating sila at hinanap ako sabihin mo lang na ilagay sa table ko yung mga ipapakita nila sa aking reports. May imi-meet akong client sa labas."

Nang masigurado kong wala ng ibang natira ay sinubukan kong tawagan si August. Ring lang nang ring ang cellphone niya pero hindi niya ito sinasagot.

Lovely: Galit ka pa rin?

August: Busy. Ttyl

Iyon lang ang natanggap ko kaya sapat na para iparating sa akin na galit nga siya. Alam ko naman na kasalanan ko iyon pero hindi na muna ako dumagdag sa pinagkakabusyhan niya. Ayaw kong lalo siyang magalit sa akin.

Bago umuwi ay kinausap na muna ako ni Ms. Layla. Ang sabi nito ay gusto niya na ako ang kasama niya sa project na ito. Hindi pa siya nagdisclose ng info pero iyon pa lang ang nasasabi niya sa akin. Excited na ako and at the same time ay kinakabahan.

Palabas na ako sa company at sobrang natuwa ako nang makita ko si August na naghihintay doon. Hawak niya ang cellphone niya at sakto naman ang pag-ring ng cellphone ko. Agad akong napangiti dahil nandito nga siya.

Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap siya. Doon pa lang natigil ang pagring ng phone ko. Halata sa mukha nito ang gulat dahil sa ginawa ko.

"Akala ko galit ka."

"Nagtampo lang." Sagot niya sa akin.

"Sorry." Lalo kong isiniksik ang sarili ko sa kanya. Kahit pa nakakahiya dahil marami na ang naglalabasan sa kumpanya ngayon.

"It's okay. Sorry rin."

Magkahawak ang aming kamay nang pumunta kami sa sasakyan niya pero kahit ganun, kahit na pareho kaming humingi ng tawad ay ramdam pa rin na parang ilang siya sa akin.

"Ihahatid lang kita sa apartment mo tapos aalis din ako." Pagbasag niya sa katahimikan. "May tatapusin kasi akong trabaho kaya baka gabihin ako. Baka sa bahay na rin ako umuwi para hindi ka na magising pagbalik ko."

Tumingin ako sa labas. Nalungkot ako sa sinabi niya pero wala naman akong magagawa kung iyon ang desisyon niya.

"Okay." Iyon lang ang naging tugon ko sa kanya.

Nang huminto na ang sasakyan ay mabilis akong lumabas at bago ko isara yung pinto ay nagsalita na ako muli.

"Sana pala sinabi mo na lang ng galit ka kaysa ganyan. Goodnight."

"What?"

Hinanap ko kaagad yung susi ko para makapasok na ako pero mabilis niya akong nasundan.

"Love, hindi ako galit."

"Galit ka. Mula kaninang umaga pa kita tinitext at tinatawagan pero isa lang yung nakuha kong reply sa'yo. Sorry kung nakaabala ako kung busy ka. Bumalik ka na at mukhang marami ka pa kasing gagawin." Nagpatuloy ako sa paghahanap ng susi ko at hindi pinansin ang nagbabadya kong luha.

"Lovely, nag-aaway ba tayo?" Seryoso niyang tanong.

"Aba ewan ko. Nag-aaway ba tayo?" Balik kong tanong rito. Napapikit ako nang bigla kong maramdaman ang pagsakit ng tyan ko. Nahihilo na rin ako dahil mula kaninang umaga ay hindi pa rin ako kumakain. Balak ko sanang bumili ng makakain kanina kapag pauwi na ako pero hindi ko iyon nagawa dahil sa tahimik naming dalawa sa sasakyan. Ramdam ko naman na ayaw pa niya akong kausap kaya hinahayaan ko lang.

"Nainis lang naman ako kagabi." Sabi niya

"Nainis din naman ako. You know what? Siguro nga mas okay na doon ka muna sa bahay niyo. Mag-usap na lang tayo kapag pareho tayong hindi pagod at malamig na ang ulo."

"Fine. If that's what you want. Ikaw naman lagi yung nasusunod" Pagbukas ko ng unit ko ay mas nauna itong pumasok. Kinuha niya ang laptop niya at umalis na nga ito nang hindi nagpapaalam sa akin.

Sa pag-alis niya ay doon lang bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Sana sinasabi na lang niya sa akin na galit siya kaysa ganito ang inaasta niya.

CUPID NO MOREWhere stories live. Discover now