Chapter 19

26.1K 1.3K 222
                                    


CHAPTER 19

Nakasimangot si Sir Henry nang tumabi siya sa akin. Hindi ko siya gaanong pinapansin dahil hindi rin naman siya nangungulit ngayon. Tumabi lang siya talaga. Nang mukhang nainip na ito ay doon pa lang niya ako kinausap.

"Nakita ko yung status mo saka yung comment niya." Tumingin ako sa kanya dahil para siyang nagmamaktol. "Ang dami tuloy sumusuporta sa kanya. Ang daya." Aniya saka nito idinukmo ang ulo. "Dapat walang ganun."

Huminga ako nang malalim saka ko ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Naiilang ako ngayon dahil kanina ko pa napapansin ang mga tingin sa akin ng iba naming katrabaho. Hindi pa rin talaga ako nasanay sa atensyon na nakukuha ko tuwing nilalapitan ako ni Sir Henry. Pakiramdam ko kasi ay lagi akong hinuhusgahan.

Nilabas ni Sir Henry ang kanyang cellphone at nag-umpisang magbasa ng comments regarding sa post ko nga kagabi. Kung paano niya nalaman na blogger ako ay hindi ko alam.

"Omo" pinatinis nito ang boses niya. "Pakilig ka pa. Sige pa." Parang nang-aasar na basa nito. "Hoy buwan! Kilig si ako. Kita mo yang mga comment na 'yan? Unfair!" Sabi niya sa akin saka itinuloy ang pagbabasa. "Pahinging August." Tumigil ito bago ako kinausap. "Ibigay mo na siya sa kanila, Denden. Tignan mo nga 'yang heart emojis nila para sa kanya, oh. Ayun! Buti pa yung isa sinabing walang forever." Napapailing na lang ako dahil sa sinasabi niya. Pinipilit ko na nga lang itong huwag pansinin dahil nakakaabala siya sa trabaho.

"Denden..." Nagmamaktol nitong tawag sa akin.

"Po?"

"Ayan na naman yung po, e. Nakakainis talaga 'to." Nagpapasalamat talaga ako na wala si Allison ngayon. Dahil kung nandito siya ay baka sobra na naman siya mang-gatong kay Sir Henry. Halos ibenta na niya nga ako sa kanya, e. Hindi mo talaga ako bibigyan ng chance?"

Nakikita kong parang gusto akong tawagin ng boss ko pero hindi niya magawa dahil kay sir Henry. Nakakailang talaga ang sitwasyon ko.

"Sir Henry, pwedeng saka na tayo mag-usap?" Sasagot pa lang sana ito pero iniwan ko na siya. Nagmadali na akong lumapit kay boss dahil nararamdaman kong may ipapagawa na naman siya sa akin.

Tungkol sa Nature's Resort ang pinag-usapan namin ni boss. Ayon sa nakausap ko noon ay okay naman ang proposal pero kailangan pa raw ayusin. Hindi ko nga alam kung paanong ayos pa ang gusto niya. May mga gusto siyang gawin na hindi ko kasi masabing okay dahil nga wala si boss.

"Napapadalas na naman si Sir Henry dito." Umpisa ni boss. "Hindi naman sa agaisnt ako sa ligawan niyo pero huwag sana dito mismo." Mas minabuti ko na lang tumahimik kaysa sagutin ang sinabi niya. "Hindi kasi magandang tignan. Concerned lang din ako dahil naririnig ko na ngang pinag-uusapan ka ng iba. Tapos nakikita pa nila na may ibang sumusundo sa'yo."

Nanatili lamang akong tahimik dahil sa sinabi niya. May point naman kasi talaga si boss pero ang hindi naman kasi nila ma-gets ay kahit anong tanggi ko kay Sir Henry ay mapilit talaga siya. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko dahil ang awkward na dito sa company.

Matapos akong kausapin ni boss ay lumayo na muna ako sa workstation ko. Tumabi na muna ako sa isa ko pang katrabaho at nagpatulong na muna ako sa kanyang tapusin ang proposal. Iyon din naman ang sabi ni boss para hindi raw ako maging laman ng tsismis sa office.

***

Late na ako umuwi dahil nag overtime ako. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang sinabi sa akin ni boss kanina. Paano ko ba sasabihin kay Sir Henry na tumigil na siya nang hindi lumalabas na rude?

"Ang lalim ng iniisip, ah." Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ang taong nalagpasan ko, si August.

"Bakit nandito ka pa?" Tumingin ako sa wristwatch ko. Alas otso na. "Kanina ka pa?" Ngumiti lang ito at hindi sinagot ang tanong ko. Marahil ay kanina pa siya naghihintay. "Sana nagtext ka kung naghintay ka pala. Paano kung wala ako rito?"

"Edi uuwi." Sagot niya saka isinuksok sa bulsa ang mga kamay nito. Tumingin pa ito sa likuran ko kaya maski ako ay tumingin din doon. Wala naman tao roon.

"Kumain ka na?" Concerned kong tanong sa kanya at bakas sa mukha nito na parang natuwa siya dahil tinanong ko siya.

"Hindi pa."

"Dapat kumain ka na kanina." Nauna akong naglakad para hindi niya mapansin na inaasar ko siya. "Baka malipasan ka niyan." Dugtong ko pa.

"Love naman..." Huminto ako at pinaningkitan ko siya. "Lovely naman." Pagtatama nito. "Kain tayo,"

"Sa turo-turo lang, ah." Kako rito. Kagabi kasi ay sa isang mamahalin na restaurant kami nagpunta. Hindi naman sa hindi ko kaya pero mukhang regular talaga doon si August. Alam na kasi nila ang lagi niyang order.

"okay, ikaw naman ang mamili ngayon. Salitan tayo." Natigilan talaga ako sa sinabi niyang iyon.

"Wow. Yung confidence natin tumataas ulit, ah. In-expect mo talagang may next."

"Syempre nandito na, e. Pakakawalan pa ba kita?"

CUPID NO MOREWhere stories live. Discover now