Chapter 31

22.3K 1.1K 109
                                    


Chapter 31

Naramdaman ko ang pagyakap ni August sa akin mula sa likuran ko. "Tama na ang pagbabasa. Nahihiya na ako." Pabulong nitong sabi pero ipinagpatuloy ko pa rin ang pagbabasa kaya mas hinigpitan pa niya yung pagyakap sa akin.

"Kapag humigpit pa 'yang yakap mo. Lagot 'yang mga tahi mo sa akin." Pagbabanta ko rito saka ko binasa yung iba pa niyang sulat para sa akin. Lahat kasi ng mga nandoon box ay sulat niya para sa akin. Halos lahat ay random lang at kwento lang niya sa ginagawa niya sa araw-araw na hindi niya ako kasama. Ang iba naman ay paghingi nang paumanhin.

"Kailan ka tumigil sa pagsusulat?" Tanong ko rito.

"Noong nakita kita. Kasi bakit pa ako magsusulat kung pwede ko na ikwento ang lahat sa'yo?" Bumitiw siya sa pagkakayakap bago ito umupo sa kama niya. Sinenyasan niya akong umupo sa tabi niya pero umiling ako. Awks kasi. Paano kung biglang umakyat ang mommy niya? O kaya paano kung dumating yung dad niya?

"Halika na. Wala naman tayong gagawin." Sabi nito saka niya hinawakan ang kamay ko para hilain paupo sa tabi niya.

"Nakakahiya pa rin." Mahina kong sabi rito. I scooted away na dahilan naman ng pag-pout nito. Nakakainis. Nakuha pa niyang magpacute! "Hindi bagay.." Inis kong sabi sa kanya. "August..."

"Hmm?"

"Sa dinamirami ng babae, bakit ako?"

"E, sa ikaw yung mahal ko." Sagot naman niya bago lumapit sa akin. "Na-miss ko 'to." Saad niya bago niya ako iniharap sa kanya at niyakap. "Na-miss kong yakapin ka. Miss ko rin na hawakan ang kamay mo." Nang sabihin niya iyon ay hinawakan na nga niya ang kanang kamay ko. "Gusto ko, ganito lagi."

"May bukas pa naman para mayakap mo ulit ako." Sabi ko sa kanya bago ko siya niyakap pabalik. Totoo naman din kasi yung sinabi niya. Nakakamiss nga naman kasi ang pagyakap niya sa akin. Ito yung namiss ko noong naghiwalay kami. Ang tagal bago ko naramdaman ulit ang ganito ka-secured. Yung feeling na pakiramdam mo ay safe ka palagi.

"Ehem." Mabilis kaming kumalas sa yakapan nang dahil sa lalaking tumikhim. Napatayo rin ako kaagad samantalang si August ay nakaupo pa rin na nakatingin sa may pinto. Ang pinsan niyang dumating ay si Jace. "Nagpunta ba yung kuya ko dito?"

"Bakit mo sa akin hinahanap? Wala ba kayong mga cellphone? Hindi siya nagpunta rito. Puntahan mo kina Reggie."

"Ah, sige." Tinapunan lang niya ako ng tingin pagkatapos ay basta na lang itong umalis.

"Ikaw? Wala kang kapatid?" Umupo akong muli sa tabi ni August.

"Wala. Pero marami naman akong pinsan kaya okay na rin."

"Ilan kayong magpipinsan?"

"Marami, e. Pero sa father side yung mas maraming lalaki. Dalawa nga lang yung babae sa father side. Sa Mother side naman halos mga babae naman." Marami pa kaming napag-usapan hangga't tinawag na nga kami ng mommy niya para magdinner.

Parents lang ni August ang mga nakaharap ko. Akala ko noong una ay masungit ang dad niya dahil siya ang nag-intertain sa akin nang pinipresent ko ang plano namin para sa opening ng Side Beach Hotel. Awkward noong una pero naging palagay na rin naman ang loob ko sa kanila.

Hinatid din ako pauwi ni August nang matapos ang dinner. Sa totoo lang ay ngayon lang siya nakapunta sa apartment. Kinakabahan ako kasi kaming dalawa lang ang nandito ngayon. Ipinagtimpla ko siya ng kape para kahit papaano naman ay hindi siya antukin sa byahe pauwi sa kanila.

Magkatabi kaming nakaupo sa sofa. Nang mapansin nitong humikab ako ay inihilig niya ang ulo ko sa balikat nito. Sa totoo lang ay hindi ako sanay sa ganito. Matagal na rin kasi bago ko nagawa ito sa kanya. Awkard pero yung puso ko naman ngayon ay Masaya. Yung feeling na parang umpisa kami talaga ulit. Yung adjustments ay totoong-totoo...

Napapapikit na ako nang mag-umpisa siyang haplusin ang ulo ko. Parang lahat ng stressed ko ngayong araw dahil kakaisip na makilala ang mga magulang niya kanina ay nawala na. Ito yung sobrang namiss ko. Yung kahit hindi kami nag-uusap ay ramdam ko yung mga simpleng ginagawa niya.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Mahina kong tanong habang nakapikit pa rin ako.

"Gusto mo na ba akong umuwi?" Mahina niyang tanong pagkatapos ay naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa sentido ko. Umiling ako bilang tugon. Gusto ko ay dito na muna siya. Gusto kong sulitin yung araw na kasama siya. "Love?"

"Hmm?"

"Kailan ko makikilala ang mga magulang mo?" Doon ay napaupo ako nang maayos at tinignan siya. Kita ko sa mga mata niya yung sincerity na gusto niya talagang makilala na ang parents ko. "I mean, hindi na rin ako estudyante. May mukha na rin naman akong maihaharap sa pamilya mo..." Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa sinasabi niya kahit na namumula na ito ngayon. Ramdam ko kasi na iba na talaga yung ngayon. Hindi na katulad noong college pa kami pareho... Yung ngayon kasi alam kong nakikita na niya akong makakasama niya sa pagtanda. Ramdam ko iyon kahit pa hini niya sabihin.

"Soon, i'll tell you when." Pagkasabi ko niyon sa kanya ay kaagad niya akong siniill ng isang banayad na halik.

CUPID NO MOREWhere stories live. Discover now