Chapter 1 -The Sin

34.3K 1.1K 86
                                    

Halos manginig ang tuyot kong mga labi sa paghampas ng malamig na hangin. Pakiramdam ko'y naninigas na ang bawat kalamnan ko at hindi ko na maramdaman ang aking mukha dulot ng 'di maipaliwanag na lamig. Nagni-niyebe ang paligid. Tahimik ang kagubatang nilipasan na ng buhay dahil sa pagsapit ng taglamig.

Limang oras na akong nakamasid sa posibleng maging biktima ng nakaabang kong bitag pero wala ni isa ang nagparamdam. Walang lobo, usa o kahit anumang ligaw na hayop. Lahat ay nagsikublian na marahil dahil sa klima.

I can't quit. Not just yet, bulong ko sa sarili habang tinutungga ang natitirang patak ng tubig mula sa lalagyan nito. Kapag sumuko ako'y tiyak na magugutom ang dalawa kong kapatid. Nangako pa naman ako sa bunsong si Cali na mag-uuwi ako ng masarap na hapunan ngayon. Ngunit magdadapithapon na at wala pa ring sumasampa sa aking bitag.

Nothing has ever escaped my trap—a leg-hold trap, my restraining trap. My victims are usually coyotes, wolves, lynx and even jaguars. Nilalagay ko ang bitag kung saan madalas dumaan ang mga hayop. Walang pwedeng makawala sa bitag ko. The leg-hold is comprised of a metal foot plate and curved jaws, powered by hefty springs. It is anchored into the ground by a short chain and metal spike.

Just one trigger. Just a trigger and I'm done here, muli kong sambit sa sarili. A trigger will activate the trap and will immobilize the animal.

Nakarinig ako ng marahang kaluskos sa dumidilim na paligid. Nabuhayan ako ng konting pag-asa. Base sa tunog ng kaluskos nito, hinuha ko'y isang malaking usa o baboy ramo ang nasa 'di kalayuan. Sa oras na sundan nito ang dugong piniga ko mula sa aking braso patungo sa naghihintay na lubid ay awtomatikong maigagapos ang mga paa nito at kaagad kong susunggaban ang inosenteng hayop saka gigilitan sa leeg nito.

It'll be a quick death. I'll cut across the vital veins on its neck then smash the center of its spine with my dry and calloused hand. Hindi na mararamdaman ng magiging hapunan namin ang sakit. I'll save it from the searing pain. Mas mababawasan ang guilt ko sa loob habang ngumunguya mamaya.

Palakas nang palakas ang tunog ng mga naapakang niyebe sa lupa. My senses and reflexes are alerted. The stillness of the forest, the silence now disturbed by the foreign creature, the sudden change of the gushing cold wind north east from where I stood, I feel them. All of them.

Dinig na dinig ko ang pag-apak ng dalawang pares ng paa sa nyebe. Sigurado akong patungo ito sa metal trap na ilang metro lang ang layo mula sa akin. It must be a bear. A giant bear, I suppose. I rub my hands together to heighten my senses. The warmth makes me feel the running blood inside me. The coldness of the forest has made my entire senses numb for quite a moment.

I slowly step closer to the trap. I need enough strength to lunge into the giant bear. I will break the spine with a single force so as not to damage the pelt. I might make coats for Cali and Poras from that pelt. They need it for the cold weather though Poras would certainly disregard it.

The wind blows colder as minutes bum around. The careful steps which I maintain shortly becomes a rash. Inaccurate and unwise. I heave a heavy breathing to release a warm air and moisten my shriveled throat. The prey is about to take the bait. I hide into a huge trunk.

This is it!

I hear the metal trap clutch. The jaws biting the crunch of the skin. A sound of triumph.

Mabilis kong inalerto ang sarili saka kinapa ang punyal sa aking tagiliran. Mahigpit ang pagkakahawak ko doon. Mabilis akong tumakbo palapit sa bitag. Nakahanda na ang kaliwang kamay ko para baliin ang gulugod.

I spring from behind the huge tree to capture the prey. Kasabay kong nahulog mula sa ere ang mga nyebe. Nakataas na ang mga kamay ko para sa pag-atake nang mapansin kong hindi higanteng oso ang nahuli ng metal trap.

Song of the Winter Solstice (Gauntlet Series 1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat