Chapter 13 - The Team

9.6K 632 67
                                    

A one-eyed Pranaiah, a drunk old man and a bipolar swordsman. How on Earthen am I teamed-up with these bunch of crazy champions?

"Healed! Healed! Idrish. Idrish. Healed!" Paulit-ulit na sambit ng makulit na Pranaiah na kanina pa walang tigil sa paglibot sa buong base. Kumikinang ang region emblem nito sa noo na hugis drinking jar.

Humihilik na sa baba ng Meridio's tear ang mamang may malaking tiyan. Nakayakap pa rin ito sa malaking container ng alak na hindi nauubos ang laman.

Paiwas na nakaangat ang mukha ko sa lalaking hindi ako sigurado kung buhay pa dahil ilang oras na itong hindi gumagalaw at humihinga. Nang mangalay ang leeg ko'y napilitan akong isubsob ang mukha ko sa dibdib nito.

I can hear his his heart beating fast. As fast as lightning. Naramdaman ko ang bahagyang paggalaw nito na nangangahulugang buhay pa siya.

I thought the poison is too strong for him and he wouldn't survive it.

But he did.

"Hey, can't you move yet?" masungit nitong untag. Naramdaman ko ang paggalaw nito sa ilalim. Mukhang nagagawa na nitong igalaw ang katawan.

Nagitla ako sa sumunod niyang ginawa. I felt his arms gear their way to my waist. Hindi pa man ako nakakapagsalita'y malakas na niya akong naitapon palayo sa kanya. Dahil alerto ako sa mga ganitong bagay, lalo na kung nasa panganib ako at nasa kritikal na sitwasuon ang katawan ko, mabilis kong naitukod ang aking braso para mabalanse ang bigat ng katawan ko.

With a sudden grip on the edge of a bricked floor, I managed to land with my two feet effortlessly.

Sumunod na narinig ko ang napakalutong na palakpak ni Bonbon sabay hagikgik nito bago sinabing, "Idrish fast. Idrish flexible. Idrish w-"

Inirapan ko ang halimaw na may iisang mata. Halos lumuwa ang katangi-tangi nitong mata nang magtama ang aming mga paningin. Tila nagulat ito kaya tumigil sa pagsasalita. Nayakap nito ang sarili saka pasimpleng patagilid na humakbang palapit sa tulog na matandang lasenggo.

Muling naalerto ang katawan ko nang maramdaman ko ang presensya ng masungit na samurai sa likuran. Humakbang ito ng dalawang beses, base sa matalas kong pandinig, pero hindi na iyon nasundan. I still feel him standing just a meter behind me.

He sneers behind me and say, "Hindi mo naman siguro papatulan 'yang si Bonbon? That guy is our healer. Kakailanganin natin siya."

"Kenru tama. Kenru bait. Kenru pogi!" nagawa namang sambitin ng Pranaiahn cyclopes habang nakakapit sa manggas ng damit ng matabang si Borracho.

I have heard a lot of stories about Pranaiah, Cairos, Oswuss and the other living kingdoms of Earthen, pero hindi ko inakalang ganyan magsalita ang mga maliliit na healers mula sa Pranaiah. Bahagyang kumunot ang noo ko at pinilit na ipinagsawalang bahala ang presensya ng wirdong lalaki, ni Bonbon at ng tulog na si Borracho.

"So, what are you? A mage? An assassin? For sure hindi ka namang tank, kasi Borracho is definitely the main defense - our tank." Hindi umaalis sa kinatatayuan nito ang lalaki. Pakiramdam ko tuloy ay kinikilatis nito ang bawat galaw ko.

Humakbang ako palapit sa Meridio's tear. Humigpit ang kapit ni Bonbon sa braso ng tulog na si Borracho. I might have scared him earlier.

"Idrish scary. Idrish scary." Paulit-ulit na sambit ng one-eyed monster.

"She's an ally, Bon. Huwag kang matakot. Hindi ka niya pwedeng saktan." Pagkatapos sambitin ng lalaki ang pampalubag loob nito kay Bonbon ay narinig ko ang hampas ng katawan nito sa ere na marahil ay dulot ng maliksi niyang pagtalon patungo sa isang punong-kahoy na nakapalibot sa Meridio's tear.

Song of the Winter Solstice (Gauntlet Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon