Chapter 24-Arrows of Pain

6.8K 485 116
                                    

I stayed hidden for minutes as I watch him roam around the forest. Napakalakas ang kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko'y sasabog na ito sa sobrang lakas. I wait with bated breath.

He stops a few meters from the hostas. Nagkubli ito sa isang malaking puno.

Patuloy sa pagkabog ang dibdib ko. My heart is already in my mouth. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Gusto ko siyang lapitan at tanungin ang dahilan kung bakit siya nandito. Gusto kong malaman kung ano ang nangyayari. Kung ano ang plano niya at ng hari ng 7th region.

Itinutulak ako ng mga tanong sa utak ko para lapitan siya. Pero masyadong mabigat ang takot at pangamba sa dibdib ko—papaano kung isa siyang malaking patibong? Papaano kung isa siyang mapanlinlang na katauhan?

I sit steadily like a cat on hot bricks. Inipon ko ang lakas sa aking dibdib. Lalapitan ko siya. Kailangan ko lang mag-ipon ng lakas. I exhale an enormous amount of air saka nagdesisyong magpakita sa kanya.

Pero...

Bago pa man ako makita nito ay isang bulto ng babae ang sumulpot pa sa kabilang sulok ng puno. Siya ang babaeng nakabalabal ng itim kanina. Iyon padin ang suot nito.

Uminit ang gilid ng aking mga mata nang maglapit ang dalawa. Ramdam kong may namamagitan sa kanila. The body language would tell it all.

P—pero sino siya? Sino ang babaeng 'yan?

Nasagot ang katanungan ko nang tanggalin ng babae ang kanyang balabal. Kahit na kaunti ang sinag ng buwan mula sa langit, sigurado ako kung sino siya—si Princess Lanuza ng 2nd region. Lumapit ang babae sa nakasandal na si Killan. Killan holds her jaw and Lanuza's hands are on his chest. Both of them kiss under the ray of the crying moon.

Nadoble ang bigat sa dibdib ko. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa arena. Papaanong nakapasok ang dalawa sa Mors? I am already representing the seventh while sir Borracho holds the banner of the second region.

I think I am starting to want to live with the green-eyed monster, but I don't have to let anyone know. I feel bad for the marriage I have with Killan. Our marriage is not the typical swear-to-death commitment but there is a little portion in my heart which almost believed that we could both end up happy as a couple. He made me feel all that the last night before I got here. He may have not loved me, but for me, marriage is a sanctified promise that shall be respected.

I guess this is not a fairytale. I am living a life where happy endings aren't really for me.

It was all for the show. Maybe, just maybe, I feel bad for myself for not having to be the most successful bride like what my childhood dreams would have wanted.

I feel ill for all the secrets that are rolled unveiled. Pakiramdam ko'y isa akong instrumento ng seventh region. Isa akong pain para sa lahat. Why do I feel like the king of house Calore sent me here to die? I carry the queen's power which caused her life and to successfully eliminate the gauntlet, just like what the old tales tell, the arena is the safest excuse to both banish me and this mysterious power I have.

This is how bitter my fate is and I am left to taste it—to get used to it.

Hindi ko namalayan ang pagtulo ng isang luha sa kanang mata ko kasabay ng mabilis na paglutang ng pana sa aking kamay. Pinihit ko ang tatlong arrow mula sa quiver at mabilis na ipinatong ang mga ito sa arrow rest. I remain kneeling behind the hostas.

I will either shoot both of them in the head or let them feel my pain. The extra arrow is for the extra pain they've caused me.

I'm leaving a mark of pain with these arrows. I pull the strings with the nock. My jaw tightens as the anger inside me start to crawl towards the pointy edge of the arrow.

"Magsama kayong dalawa sa Kabir Ruins. That's hell." Puno ng himutok kong sambit bago pinakawalan ang tatlong pana.

Naglakbay ang mga pana patungo sa dalawang naglalampungang royalty. I just send off my feelings for Killan with those arrows. One arrow hits the tree trunk with a loud thud. The second one quickly slices Killian's left cheek. The third hit Lanuza's clavicle.

Kumawala ang isang pigil na hiyaw mula sa prinsesa. That's how you should scream pain. I hiss silently as I swiftly bowl from the hostas to the grassy ground. Muling tumulo ang isang butil ng luha sa mata ko nang binalot ako ng enerhiya mula sa gauntlet para sa plano kong pagtakas.

I dash from the scene. Dinig ko pa rin ang pigil na hiyaw ng malanding prinsesa habang mabilis kong nilisan ang lugar na iyon.

Mabigat ang loob ko. Pakiramdam ko'y naipon sa dibdib ko ang lahat ng sama ng loob, takot, pangamba at agam-agam. Alam ko, isa akong 'di hamak na mababang uri ng elf, pero may karapatan din ako bilang isang sakripisyo para sa planong hindi man lang nilahad ng hari. May pangarap pa rin naman ako. May buhay. May mga kapatid na naghihintay sa akin. Kaya dapat lang na alam ko kung ano ang nangyayari.

Hindi 'yong basta na lang ako ipapadala sa isang arena ng kamatayan at biglang susulpot ang taong pinagkatiwalaan ko pati ang kaligtasan ng mga kapatid ko. Let's say, they're here to lock the victory. Bakit hinayaan pa nila akong sumabak sa giyerang ito? Bakit hindi na lang sila ang ipinadala. Kasama ko pa sana sina Cali at Poras; tahimik sana ang buhay ko ngayon—or they could have executed me for the accusation of killing the queen.

Patuloy ako sa pagtakbo pa-silangan ng kagubatan. Mabilis ang pagspas ng mga paa ko dahil na rin sa kapangyarihan ng gauntlet. Papalayo, naglalaro sa diwa ko ang mukha ng mga kapatid ko pati na ang lahat ng hirap na dinanas ko.

How did I deserve all of these? Hindi masagot ng isip ko ang katanungan ito. Mas lalong natigil ang pag-ulan ng mga isipin sa ulo ko nang tumambad sa gitna ng Shita lane si Kenru. Tanaw ang gulat na mukha nito dahil sa liwanag na nagmumula sa pangalawang pax tower.

Nakatitig ito halos dalawang metro mula sa akin at halos magsalubong ang kilay nang makita ako—luhaan.

Huli na para ikubli ko ang basang-basa kong mukha. Nakita na niya ako.

"Idrish," he calls me. Dinig ko sa boses nitong tila ramdam niya ang bigat sa aking kalooban.

Hindi pa rin mapuknat ang pagbaha ng luha sa mga mata ko. Sinubukan kong magsalita pero isang impit na hagulgol ang nagawa ng bibig ko. Tigagal ang mga ito hanggang sa isang buong-buong pag-iyak ang kumawala mula sa akin.

I do not expect him to consolidate me or tap my back, rub his arms against my back or render me a comforting hug—but he did. Nagulat ako nang walang imik itong humakbang palapit sa akin at kinabig ako palapit sa matipuno niyang katawan. Sumubsob ang mukha ko sa dibdib nito at doon ko ibinuhos ang lahat ng lungkot na nasa baga ko. Nakabalot sa katawan ko ang kaliwang braso nito habang ang isa nama'y nagsimulang tapikin ako sa aking likuran.

"Tell me what happened." He said calmly. I never expect this compassion from him, but it feels good having someone to cry on kahit na siya pa ang pinakahuling nilalang sa Mors na inaasahan kong gagawa nito.

Hindi ako sumagot. Hindi ko kasi alam kung papaano ko sisimulan ang lahat.

"Is this about your husband from the other camp?" Tanong nito. Bagay na labis kong ikinagulat. I may be forgetting that he's one of the greatest spies of Springgan but it still very unusual that he knows I'm married with the prince of the seventh, but he never said a word about it til now.

Napaawang ang bibig ko. I have to pull my strength together to ask him, "Gaano katagal mo nang alam?"

"I know the seventh was sending you just before we all got here." Kumawala ito sa pagkakayakap sa akin. Then he continues, "Kamakailan ko lang nalaman that the prince of seventh hacked his way here. It's legal though. Siguro'y may kasunduan siyang ginawa mula sa limang kalahok ng camp Septen. Even Princess Lanuza might have done the same to follow him. Hindi ko pa alam kung anong rason at bakit sila nandito instead of the noobs na inakala kong ipapadala ng mga kalaban."

"H—hindi kaya dahil ito sa mga nasa kamay ko?"

"Most probably. Pero hindi tayo nakakasiguro hangga't hin—"

"Idrish!" Isang pamilyar na boses ang pumutol sa sasabihin ni Kenru. I hear the intensity of his voice. Nasa bungad ito ng kagubatang pinanggalingan ko at mukhang nasundan niya ako.

Nang lingunin ko ito'y hindi ako nagkamali. Nakatayo at seryoso ang tingin nito. My prince husband—Killan.

###

Song of the Winter Solstice (Gauntlet Series 1)Where stories live. Discover now