Chapter 38 -Chasing Evil

6.6K 425 50
                                    

Pain and sorrow are two inseparable things. They come in duo to make someone weak or build a soul stronger. In my case, I am not sure if where this adversity is taking me.

I scream out of pain and agony. I feel my body shattering for a couple of seconds then an unknown force revitalizes my system. The gravity underneath my feet suddenly disappears as my body is lifted by the strong force.

Nagsimulang dumagundong ang lupa. Umihip ng malakas ang hangin na pati ang mga kaulapan sa langit ay nagkumpulan paikot paharang sa liwanag ng araw. Lumindol at kumulog. Pumipito ang kapaligiran.

Ramdam ko ang mga pwersang nagsimulang buhayin ng gauntlet sa kamay ko. Nararamdaman kong bawat isang enerhiya ay nakonekta sa mga ugat ko at tanging ako lamang ang may hawak ng mga ito. Mula sa mga mumunting pwersa na iyon ay sinubukan kong hubugin ang mga ito upang makabuo ng higit sa isandaang patalim.

Nagawa ko!

I lift my hands as if pulling each blade upward like a root crop ready for harvest. The ground and huge rocks start to crackle as each blade slowly emerges from them. Isang hudyat ko lang at bubulusok ang isandaang espada patungo sa mga kalaban ng hindi nila namamalayan.

This is my revenge!

Napansin kong nakatayo pa rin ang karamihan sa mga mandirigma ni Lady Montay. Hindi natinag ng kombinasyon ng pag-atake nina Killa at Kenru ang mga ito. Nakatanaw lang ang mga ito sa kaganapang nangyayari palibot sa camp Meridio. They might be legendary warriors. They're that powerful that even the combined attacks from Kenru, Killan, Borracho and Rouma did not strike them.

They may not be feeling the danger but just like the abyss, it's there. They just have to wait for it.

"Take that girl!" Malakas na untag ni Lady Montay habang nakaturo ang daliri nito sa gawi ko. Nanlilisik ang mga mata nito na tila konti na lang ay sasabog na siya sa sobrang poot.

Kaagad namang nagsikilos ang mga tauhan ng The Miss. Mabilis ang sumunod na pangyayari. Mula sa iba't ibang anggulo ng Meridio ay nagsimulang tumakbo at tumalon ang halos tatlumpong kalaban. They are all aiming at me.

Mula sa pagkakatayo ay mabilis kong inihampas ang kanang palad ko sa lupa. Napansin ko pa ang pagkalat ng mga hibla ng enerhiya mula sa kamay ko patungo sa lahat ng nakatagong patalim na kanina'y inipon ko.

I hear the crisp of the blades hitting every hard surface. They're ready.

Mula sa pagkakayukod ng kanang kamay ko sa lupa ay kaagad ko namang iwinasiwas pataas ang kaliwa kong palad bilang hudyat ng aking counterattack. Ilang metro mula sa ere ay sabay-sabay na sumugod ang mga kalaban na ngayo'y hawak ang magkahalong mga patalim at energy ball.

Pinakawalan ko ang isang malakas na sigaw kasabay ng pagbulusok ng daan-daang patalim mula sa ilalim ng lupa at mga bato. Bumulwak ang nagsisitulisang mga espada, punyal at sibat sa paligid.

Nagulat ang mga pasugod na kalaban pati na sina Rouma, Borracho, Kenru, at Killan.

Mabilis ang pag-ulos ng mga sandatang kontrolado ko patungo sa mga kalaban. Isa-isang tinuhog ng mga sibat at espada ang mga kadigma sa kahit saang sulok ng arena. May mga tinamaan ng punyal sa ulo at sa dibdib. Bumulwak ang masaganang dugo mula sa mga kalaban bago sila naging isang bulto ng yelo at bumagsak sa lupa na tila mga basag na plorera.

The power of the winter gauntlet...

The nemesis falls like dead flies. The ground is painted red. Death is upon them. This is how my fight begins.

"I will never get the fulfillment of avenging Bonbon's death until I see anyone of you here breathing!" usal ko habang nakatitig kay Lady Montay.

"We're with you little gauntlet. For Bonbon," asik ni sir Borracho sa aking likuran. Hila-hila nito ang higanteng kawil na kanina pa hinahampas sa mga kalaban. May bahid na ng dugo ang sandata nito.

Song of the Winter Solstice (Gauntlet Series 1)Where stories live. Discover now