Chapter 41 -Loyal Heart

7.2K 452 75
                                    

Just before Lady Montay's dead body could hit the ground, it became a form of shredded dust which is immediately blown by the cold wind.

Bumagsak ang mga tuhod ko kasabay ng walang humpay na pagtulo ng mga luha at dugo mula sa aking mukha. She's gone. But there's many of them coming. Naisaloob ko.

I breathe in and out. Napukol ang paningin ko sa base ng Septen. It must come to an end. It must.

Hangga't buo ang base ng Septen, hinding-hindi matatapos ang palabas na ito. Whether this arena is rigged or not, this just come to an end. Sa huling pagkakataon ay dinama ko ang malamig at payapang ihip ng hangin. Humalik ito sa mukha ko.

Kusang tumulo ang mga luha ko. Luha ng purong kalungkutan. Ang kapalaran ko, kahit na makalabas ako ng Mors ay hindi na magiging kagaya ng dati. Hindi na ako isang ordinaryong huntress. Hindi na ako ang elf na umaasa sa kagubatan para mabuhay. Magbabago ang lahat, at ang kapayapaang inaasam ko'y mahirap nang tanawin.

I have to look for the other heirs. Baka sakaling kapag nalipon ko sila'y may pag-asa pa akong makabalik sa mapayapang buhay.

Ngayon. Ngayon na nasa harap ko na ang tanging hudyat ng pagbabago at tuluyang pagyakap ko sa bagong ako at bagong buhay ko, kailangan ko nang maisakatuparan ang lahat. Kailangan ko nang wasakin ang base ng kalabang kampo bilang hudyat na tapos na ang laban. Na panalo ang camp Meridio at may tsansa nang tumaas ang rango ng mga kalahok na nanalong rehiyon.

Poras, Cali, Queen Azuntha... and Bonbon. This is for you. Kung hindi ko man mabigyan ng hustisya ang kamatayan ng reyna at ng bago kong kaibigan na si Bonbon ngayon, sana'y isa ito sa mga maraming hakbang para makamit iyon.

I let the gauntlet in my hands possess my system once more. Ramdam ko na naman ang init at kuryente sa lahat ng ugat sa katawan ko. I close my eyes. The electrical noise. It hums as if fueling me with new strength.

Inipon ko ang lahat ng piraso ng metal sa ilalim ng lupa. Tila isang kiling iyon ng mga purong metal na umaagos patungo sa iisang bungangang umiipon sa lahat ng sandata. Ibinuhos ko ang lahat ng natitirang enerhiya at lakas na hinihingi ng gauntlet hanggang sa makabuo ako ng isang higanteng punyal.

Sa isang mabilis na iglap, walang pag-aalinlangan kong pinabulusok pataas ang malaking punyal. Naramdaman ko ang bahagyang paglindol ng lupa. Dumagundong ito hanggang tuluyang bumulwak ang dulo nito sa ilalim ng base hanggang sa tuluyan nitong mabasag ang higanteng pulang krystal na nagsisilbing buhay ng camp Septen.

Nasundan ng isang malakas na lindol ang pagsabog. Dusts scatter everywhere. There is a commotion of birds as the circular force from the exploding crystal spread out in the entire Mors.

Pagkatapos no'n ay wala na akong mahagilap kundi ang makapal na usok at alikabok sa paligid. Unti-unti ko na ring nararamdaman ang pagkayapos ng lakas sa aking katawan. Ilang sandali na lang ay mawawalan na ako ng ulirat. Pero bago pa man mangyari iyon ay nakita ko ang tatlong pamilya na anino sa 'di kalayuan: isang matabang mandirigma na uuga-uga sa paglalakad, isang balingkinitan at matangkad na babae at isang matipunong aninong hinahangin ang mahabang buhok ay punit-punit na mahabang kasuotan.

They've survived the clash. Naiiyak kong sambit.

Muli kong pinagmasdan ang tatlong aninong iyon. Mabilis na sumulpot sa aking balintataw ang maliit na bulto ng isang Pranaiah. Ngumiti ako saka ito tinangay ng hangin.

It's done, Bonbon. It's done... Kusang bumaba ang talukap ng mga mata ko. Bago ako bumagsak ay nasalo ako ng mga matipunong braso sa aking likuran.

"The arena is over, Idrish. Camp Meridion wins... You win!" anang mahinang boses ni Killan.

Bago ako tuluyang mahulog sa isang idlip na walang kasiguraduhan kung gigisingan ko pa, naramdaman ko ang paghagulgol ng lalaki habang yakap ako nito. Isang mainit na halik sa noo ang iginawad nito sa akin.

Song of the Winter Solstice (Gauntlet Series 1)Where stories live. Discover now