Chapter 30 -Boost

6.4K 515 64
                                    

Wari ko'y tumigil sa pagtibok ang puso ko at naidlip ako ng ilang segundo. Pagkatapos ay ginising ako ng isang malamig na sensasyon bumalot sa aking sistema na tila ginagamot ang lahat ng sugat na natamo ko. I can hear my flesh getting into shape. I can hear my own blood flowing to-and-fro to spread healing. Nawala ng minsanan ang lahat kirot sa buo kong katawan.

Don't let go...

Killan. Bulong ng utak ko nang mapagtanto kong buhay pa ako at buo pa ang katawan ko.

Iminulat ko ang aking mga mata. Madilim sa loob ng bituka ng dominus. Nababalot ako ng tila isang bola ng yelo na nagliliwanag sa loob ng tiyan ng halimaw. Nakikita ko pa rin ang nakakadiring likido na tila punong-puno ng asido, mga lamang loob at at kung anu-ano pa. Pero hindi ko na maamoy ang sangsang nito.

My body is engulfed by massive icy energy—protection which Killan secretly handed me. Lahat ng pagdududa ko para sa prinsipe ay dagliang naglaho habang nakalutang ako sa bituka ng dominus. Biglang sumagi sa isip ko ang mga bagay na gustong sabihin ni Killan noong gabing nakita niya kami ni Kenru sa Shita lane. Marahil ay sasabihin dapat nito ang rason kung bakit siya sumunod sa Mors.

Killan is more than just a handsome face. Napansin kong hindi ito palasalita pero matinik ang obserbasyon nito. He is trained to be the next king. He knows more than anyone else. He should. He must.

Marahil ay may nalaman ito tungkol sa kanyang ina at sa gauntlet. Kaya siguro ito sumunod bilang bahagi ng pag-iimbestiga niya.

Pero bakit kasama si Princess Lanuza?

Naglalaro ang katanungang iyan sa utak ko. Hanggang sa maramdaman ko ang pag-alon ng likido sa loob ng tiyan ng halimaw. Naalog-alog ang nakabalot sa aking bilog na yelo dahil sa tila naasiwang katawan ng serpente. Naulit iyon. Maraming beses.

Ilang beses kong naramdamang tila ibinabalibag ng dominus ang katawan sa pader. Narinig ko ang malakas na ugong nito pagkatapos. Bumabangga ang bilog na yelo kung saan ako nakapaloob sa bituka ng serpente. Halos maalog ang diwa ko dahil hindi kaya ng sikmura ng halimaw ang presensya ko.

Nakailang kalabog ang icy ball na nangangahulugang umiikot sa kirot ang katawan ng higanteng ahas. Tumatalsik sa buong paligid ang likido sa loob ng bituka ng serpente. Hanggang sa maramdaman kong tila hinihila ng malakas na pwersa ang kinaroroonan ko.

Mukhang iluluwa ako ng dominus!

Even the dominus does not agree that I should face death by now. Sa sobrang lakas ng pagkakaduwal sa akin ng halimaw ay nagpagulong-gulong ang nakabalot sa aking bola sa damuhan. Nakalabas na pala ang dominus sa lunga nito dahil sa tindi ng kirot ng sikmura niya.

Nagwawala ang higanteng serpente sa harapan ng kinaroroonan kong bola. Siguro'y dismayado ito na hindi ako nagawang gawing tanghalian. Muli akong pinuluputan ng katawan nitong nababalot ng kaliskis. Hinampas-hampas ng buntot nito ang bola para basagin. Hindi ito nagtagumpay.

I have to be careful. Wala nang icy object na maaaring magligtas sa akin sa oras na makalabas ako ng bolang ito. I pull myself together. Muli kong pinagana ang gauntlet sa aking palad. Kusang umilaw ang bakas no'n saka kumalat ang enerhiya mula aking mga kamay patungo sa aking dibdib. I hold an imaginary hilt of a giant sword.

Nagliwanag ang guard, blade at sharpened edges ng espada bago ito tuluyang nabuo binasag ang icy shield na kinaroroonan ko.

The blood sword! Sigaw ng utak ko nang hindi ako makapaniwalang nakabuo ako ng blood sword na kilala bilang isa sa mga sinaunang sandata ng isang magiting na mandirigma ng Cairos—ang karatig bansa ng Springgan. Kinukwento lang ito dati ni Apolo. Pangarap niyang makabuo ng isang blood sword.

My hands, now covered with the winter gauntlet, hold the blood sword effortlessly. The sharp edge flashes shiny silver lights signaling for a sharp cut.

Nang tuluyan nang mabasag ang icy shield sa paligid ko ay sinamantala ng dominus ang pagkakataon upang sunggaban ako. Muling bumuka ang bunganga nito habang naglalakbay patungo sa akin. Ipinilig ko sa aking balikat ang blade ng espada habang hinihintay kong tuluyang makalapit ang halimaw.

"Hisss!"

Pigil ang bawat paghinga ko nang ilang metro na lang ay malakas kong iwinasiwas ang patalim ng espada. The sword cut across swiftly. Nagwala ang naputol na katawan ng halimaw bago bumulwak ang itim na dugo nito. Bumagsak ang ulo ng dominus kasabay ng pagbagsak ng katawan nito.

I catch my breath. The blood sword disappears instantly after witnessing the dominus' death. Saka lang bumagsak ang mga tuhod ko nang kusang naging abo ang halimaw. Itinukod ko ang aking mga kamay sa lupa nang maramdaman ko ang labis na pagod. Nangilid ang mainit na likido sa aking mata. Tumulo iyon sa damuhan kasabay ng pagtulog pawis at laway na simbulo ng aking hirap at tagumpay.

"I survived the dominus... I survived the dominus." Paulit-ulit kong sambit kasabay ng kumakawalang hikbi.

Natigil ang pag-iyak ko nang mapansin kong mula sa abo ng dominus ay umangat ang mga hibla ng puting liwanag na nasa imaheng katulang ng serpente. Marahil ito ang kaluluwa ng dominus na gaya ng jaguar na napatay ko sa ilog. Nagsimula itong gumapang sa harap ko hanggang sa nagpaikot-ikot ito sa kinaroroonan ko. Magkahalong kaba at takot ang nasa dibdib ko nang lumapit ang mukha nito sa akin na tila kinikilatis ang itsura ko.

Pigil-hininga kong hinarap ang kaluluwa ng dominus. Napakapit ako sa damuhang malapit. Bigla ay sinunggaban ako nito at kusang pumasok ang espiritu ng serpente sa dibdib ko.

Napasigaw ako! Ramdam na ramdam ko ang magkahalong lamig at kuryente sa dibdib ko habang pumapasok ang buong katawan ng dominus. Pakiramdam ko'y mauubusan na ako ng lakas at mawawalan ng ulirat. Hanggang sa tuluyang nakapasok ang kaluluwa ng halimaw sa katawan ko. Kasunod nito'y naramdaman ko ang presensya nito sa bawat kalamnan ko.

Mas bumilis ang tibok ng puso ko. Kinailangan ko ng mas maraming hangin sa baga ko. Hindi ko maipaliwanag ang sensasyong nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko'y napakagaan ng katawan ko. Mas tumalas ang aking paningin. Mas lumakas ang aking pandinig, pang-amoy at pandama.

The dominus is an enhancer! I just killed a powerful enhancer! Napagtanto ko.

I stand facilely. My movement becomes thrice my normal speed. I can confirm my senses are heightened.

But this is not the time to be acquiescent. Camp Meridio is waiting for me. Kailangan kong makabalik sa base ngayon din!

###

Song of the Winter Solstice (Gauntlet Series 1)Where stories live. Discover now