Chapter 21 -Air Strike

7.1K 475 43
                                    

Hindi tumigil si Brugour sa pagpapaulan ng bato sa tore. Napansin kong may mga basag na ang shield na kanina pa dinudurog ng kalaban. Nagsimulang bumilis ang dagundong sa dibdib ko.

Papaano ko sila lalabanan? Two versus one? Mukhang hindi titigil ang mga ito hangga't hindi nawawasak ang tore. Any moment, they will penetrate the territorial zone and have me killed. They will assassinate me for a certain Miss.

"Break the shield!" Halos mapigtas ang litid ni Tigrani sa leeg. Hayok na hayok na itong patayin ako. Kitang-kita sa panlilisik ng mga mata, pagtiim ng bagang at pagkuyom ng mga palad niya. She will execute me at all cost!

I have to think of a way para matakasan ko sila. May mga labang masarap ipanalo at may mga labang inaatrasan. I choose my battles. I choose when to win and this is not one of them. I can't win between these two. Not yet.

Dumagundong muli ang tore. Malaki ang huling ibinato ng hindi pa rin nagpapakitang si Brugour. There are already several cracks from the tower. Fragments and debris fall randomly. Ilang bato pa at tuluyan nang magigiba ito.

I immediately cover myself with the required energy. The adrenaline is rushing in all my nerve endings. I would dash towards the left forest and run. Kinaya kong takbuhan ang mga stingers kanina. Kakayanin kong takasan ang mga ito.

"Groarrr!" Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ng kalaban kasabay ng paghagis nito ng isang napakalaking bato. Triple ang sukat nito sa mga naunang inihagis na niya.

Kitang-kita ng mga mata ko ang pagkawasak ng asul na krystal na nasa pinakataas na bahagi ng tore. I see how the blue stone turns into pieces. Suddenly, the territorial shield starts forming cracks. Mababasag na ang panangga!

Ngumisi ng nakakaloko si Tigrani. Sa oras na mawala ang shield, pagkakataon na nito para sumugod. Nagsimulang tumayo ang mga buhok ko sa batok pababa sa aking likuran at mga braso. Pakiramdam ko'y unti-unting sinasakal ang baga ko.

Mabilis kong pinasadahan ang buong paligid. Any possible opening can be a lifesaver. May mga malalaking puno sa kaliwang bahagi ng tore. Naisipan kong doon ipulupot ang mga palalabasin kong elastic rope. My only medium of escape. It has saved me from the masked flame bearer. I hope it saves me again this time.

Mabilis na tumubo ang lubod ng liwanag sa mga kamay ko. The hook falls on the ground ready to be thrown. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang pinagmamasdan ang unti-unting pagkawasak ng tore. There is really no chance for the shield to recover.

"Groaaar!" A terrifying roar signals the destruction of the tower.

Nagkapira-piraso ang blue crystal kasabay ng pagbagsak ng tore ng pax. Isang malaking blue beam ang bumulusok paitaas. Marahil ay isang signus na wasak na ang unang pax tower ng Senta lane. I hope camp Meridio see this and rescue me. Nadoble ang kaba sa dibdib ko.

Oras na! Sigaw ng utak ko habang nagsisimula nang gumalaw ang makapal na buhok ng kalaban. I swayed my body as I lift the hook of the rope. Paikot kong iwinasiwas ang lubid saka mabilis na ibinato sa pinakamalapit na puno sa bandang kaliwa. The sharp peg burries its end to the neares trunk of the tree. Kusa ako nitong hihilain palayo sa tore.

I lighly leap a foot to finally escape. Laking gulat ko nang biglang mapigtas ang lubid na nakatusok sa puno. Galing iyon sa kalaban. Tigrani cut the rope with the strands of her moving hair. Iwinagayway nito ang kanang kamay para ihampas ang mga hibla ng buhok patungo sa akin.

I vault back. Kusang nawala ang lubid. Both my hands immediately wield road sabre slashing sword, with a straight or slightly curved blade sharpened on the cutting edge, and a hilt—a cutlass sword. I remember my childhood bestfriend Apolo, as a swordsmith, a pair of cutlasses is his favorite sword.

Song of the Winter Solstice (Gauntlet Series 1)Where stories live. Discover now