Chapter 39 -The Greater Foe

6.1K 378 15
                                    

I hear the clattering sounds of the rock dominus as it paves its way to chasing the enemy. Diretso ang paggapang nito sa Senta lane habang sinusundan ang dinaanan ng The Miss. The dominus can track the scent of Lady Montay. Kaya kahit saan pa ito magsuot, masusundan at masusundan ko siya.

Dinig ko mula sa Meridio base ang salpukan ng kapangyarihan. Rocks are colliding, the ground breaks several times as if something powerful has smashed it, the explosion comes randomly, and screams disturb the living peace of Mors.

Sana matapos ang digmaang ito na wala nang nalalagas sa kampo namin. Stay safe camp Meridio, Kenru, and Killan.

For now, I have a greater foe to defeat. I have deaths to avenge. Kaya naman makalipas ang ilang minutong paghahanap kay Montay, sa wakas ay nahanap na siya ng dominus. Nakaupo ito sa bungad ng base ng camp Septen.

All the towers of the camp are gone. Only the base remains. The red giant crystal on the base is still glimmering as Lady Montay stands there. Waiting.

She laughs a barrel while her demon eyes start to pierce my flesh by gazing. "You really want to push the battle, eh? Excited kang mamatay, hah, Idrish?"

"Would it be a dishonor if I fail to kill you and die?" I ask.

"It would be shameful," she utters firmly.

"If I die, there is no disgrace in dying. Disgrace would only mean running away from the people who murdered the queen without taking an avenge when there's a chance."

"Then you die. Today."

"I'd take you with me. I'll drag you with me to my death, Lady Montay."

Pagkatapos kong banggitin ang mga katagang iyon ay mabilis kong kinontrol ang dominus. Kaagad gumalaw ang buntot nito't pabulusok na hinampas ang kinaroroonan ng The Miss. Pinagmasdan ko at inabangan ang pag-ilag ni Lady Montay. Sa oras na umilag ito at mawalan ng konsentrasyon ay mabilis akong tatalon mula sa ulo ng dominus saka ko ito tatadtarin ng patalim.

Pero hindi gaya ng inaasahan ko, nanatili ito sa kinatatayuan. Itinaas nito paharap ang parehong kamay habang nakatingin sa papahampas na buntot ng dominus. Laking gulat ko nang sinangga ng mga kamay nito ang malaking buntot ng halimaw. Napansin kong tila isang hindi makitang kapangyarihan ang inilapat nito sa kanyang mga kamay.

I hear a loud cracking sound after. It looks like the tail of dominus is slowly crushed by an unknown force. Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unti kong napagtanto ang ginawa nito. Lady Montay's powerful hands are able to cast an unknown spell to fully destroy my ally monster. Mula sa buntot nito ay kumalat at umakyat pataas ang mga bitak sa katawan ng batong dominus. Napatalon ako mula sa kinatatayuang ulo ng halimaw. Pabagsak akong nakatingin sa nakangising The Miss.

She managed to destroy the dominus, deftly? I landed on my feet. My eyes are on stalks as what Lady Montay knocks me down with a feather. Anong kapangyarihan ang meron siya at nagawa nyang durugin ang dominus ng ganoon kadali?

The Miss releases a shriek as she stands tall and proud facing. Her smirk is evil. Pinagpag pa nito ang mga kamay saka nagsimulang maglakad palapit sa kinaroroonan ko. "You are so basic, Idrish. The dominus smells so odd so I had to finish it quickly."

"How did you do t—that?"

"Masyado ka na yatang kampante sa mga laruan mong ipinamana ni Queen Azuntha at nakalimutan mong ako ang The Miss?" walang tigil itong naglakad palapit sa akin habang pinipisil ng kaliwang kamay nito ang kanan na tila bumubwelo sa gagawing pag-atake. "Baka gusto mong ipalasap ko sa'yo kung sino ang hinahamon mo?"

Pinagmasdan ko ang bawat kilos nito. Pati ang bilis ng paghakbang at anggulo ng katawan nito. Nakahanda na ang mga kamay ko na patubuin ang isang malaking espada sa oras na umatake ang babae.

Mabilis na naglakad si lady Montay hanggang sa naging takbo na ang lakad nito. Sa isang mabilis na sandali ay lumundag ito pataas sa ere kasabay ng pagpapalabas ng itim na enerhiya ng magkabilang palad nito. "Katapusan mo na!" mariing sigaw nito.

Nasa tapat ko ang lumundag na kalaban. Kailangan kong umatras para makita ang bawat galaw niya. Kailangan kong kalkulahin ang bawat kilos nito lalo na't hindi ko inaasahan ang nakatago niyang lakas. Kasabay ng pag-atras ng mga paa ko'y nagsimulang maging buo ang isang malaking espada sa kanang kamay ko. Nakababa sa tagiliran ko ang espada habang naglalaro ang bigat nito sa dulo ng patalim.

Bumulusok si Montay na parang isang itim na palaso. Hinitay kong tuluyang makalapit ang babae. Isang metro bago ito tuluyang makalapit sa akin ay buong lakas kong iwinasiwas ang espadang nasa kanan ko. I almost grit my teeth to the core as I see the silver flash of the blade across the air.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, sinangga ni Lady Montay ang patalim ng espada habang pabulusok sa kinatatayuan ko. Nakita ko pa itong ngumisi nang magawa niyang lusawin ang espadang hawak ko ng walang kahirap-hirap. Huli na nang maisipan kong lumundag palayo sa kanya dahil nagawa na niyang hawakan ang leeg ko gamit ang nagngingitngit niyang kanang kamay.

I feel the insurmountable force around her hands crushing my neck. Halos mapigtad ang paghinga ko. Nanikip ang dibdib ko sa ginawa nito lalo nang padausdos niya akong itinulak sa lupa. Pakiramdam ko'y hinigop nito ng tuluyan ang buo kong lakas.

She laughs hard habang nakasakal ito sa akin at gigil na gigil na idinidiin sa lupa. "Take this!" sigaw niya bago ko naramdamang iniangan na ako ng kanang kamay nito sa hangin at buong lakas na ibinalibag sa mabatong lupa.

I hear some bones inside me cracking. Pakiramdam ko'y nabalian ako sa tadyang. Sa una'y namamanhid pa ang katawan ko hanggang sa maramdaman ko ang walang kapantay na kirot sa buo kong katawan. Nasundan ang pag-atake ni Lady Montay. Gamit ang mga kamay nito'y sunod-sunod akong binalandrahan nito ng suntok na halos durugin ang buo kong sistema.

Bakit tila may ibayong lakas ang mga kamay nito? Mali ako. Bakit tila may isang malakas na pwersang may kakayanang higopin ang lakas at kapangyarihan ninuman ang mga kamay nito? Anong meron siya?

I struggle at the strong blow I received from The Miss. Halos maglupasay ako sa lupa. Naghihina ang bawat kalamnan ko. This is not the way I die. This is not the revenge I wanted.

"You are a boring opponent, Idrish. Ni hindi ako ginaganahan. Sana naman magawa mo akong galusan?" Nakapameywang na ang babae sa harapan ko. She's half-smirking habang nakaapak ang paa nito sa kaliwa kong palad. Pakiramdam ko'y isa-isang tinatarak ang mga pako sa palad ko habang dinidiinan niya ang pagtapak doon.

"You b—"

"There will be no more foul mouth in Mors, Idrish. Mas maigi nang magpahinga ka katulad ni Azuntha. We will take good care of your siblings."

Nagulanta ako sa huling sinabi nito. They know about Poras and Cali?

Anong mangyayari sa dalawa kong kapatid kapag hinayaan kong magtagumpay sila? Hindi maaari! Hindi ako papayag na galawin nila ang dalawa kong kapatid! Hindi!

I have to do something!

###

Song of the Winter Solstice (Gauntlet Series 1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ