Chapter 40 -Born Warrior

6K 444 26
                                    

I receive several blows from the flaming dark hands of Lady Montay. Sobrang lakas niya. It's a miss. I admit. I underestimated her ability.

Sinubukan kong sanggain ang magkakasunod na atake nito. I dodge and roll on the ground as she continues to chase me. Wala ding tigil sa pagpapatubo ng mga patalim sa ilalim ng lupa pati na sa hangin ang mga kamay ko. Awtomatikong bumubulusok ang bawat espada at punyal patungo sa katawan niya pero kaagad din niyang nasasangga at balewalang dinudurog o kaya'y nilulusaw ang mga ito.

She voids all my reinvented blades. Parang ginawa ang kakayahan niya bilang pangontra sa kakayahan ko! Is she a gauntlet bearer too?

Sumubsob ang mukha ko sa lupa. I taste the dry soil and the rust of my own blood. Bugbog sarado na ang kaliwa kong mata. Blood is already formed in the corneal area. I only have one eye left to see her every next move.

She chuckles sarcastically as she begins to move closer to me. I can only see the metallic soles and toes of her boots. "There are only four of you in this world, Idrish. But us? We are more than enough to hunt all heiresses down! The four of you must be caged."

" Who are you?" I have known her as Lady Montay, but I don't know who she really is. Sino nga ba siya? Sino ba sila? Bakit nagagawa niyang kontrahin ang kapangyarihan ng gauntlet?

"You need to die to surpass this power, Idrish." She laughs. Nakita ko ang pag-angat ng isang paa nito. Ilang saglit lang ay naramdaman ko ang tigas ng suot nitong bota sa aking bumbunan. Diniinan niya ang pag-apak sa aking ulo hanggang sa sumubsok ako sa putikan.

Nakabaon na ang kalahati ng aking ulo sa lupa. Humigpit ang hawak ko sa lupa habang nakadipa at sinusubsob ni Lady Montay.

"You can surrender both your hands and continue to live, Idrish. Kapag nanlaban ka pa, madadamay ang mga kapatid mo sa kalokohang ito ng Meadenach. Killan might have protected them and kept them hidden, pero pasasaan ba't mahahanap din siya ng secret council—ang Trapiz.

Napakinggan ko ang sinasabi nito. Loud and clear and scary. She speaks the greater possibility. The reality. What what about the promise I have kept for my siblings? For house Calore and Killan?

The queen chose me for who I am and what I could become. This is not the end of my becoming. This is only just the beginning. I am just starting. I must not be stopped from going through the desired end.

Suddenly, I hear the metals clanging everywhere. Blades start to form. Nakikinita ko na sa aking imahinasyon ang pagsulputan ng mga ito sa paligid. Higit isandaang patalim. Nakatutok sa The Miss na kasalukuyang nakaapak sa ulo ko.

"You have not learned your lesson, don't you? I can't be killed by your reinvented weapons."

I grunt before commanding a hundred blades to attack. Narinig ko pa ang pagbulusok ng mga ito patungo kay Lady Montay. The blades penetrate a seeming envelope of energy around her. The crunch of the crusts torn by my blades is satisfying. Lady Montay gets distracted by my attack.

Nang maramdaman kong gumaan ang pag-apak nito sa ulo ko'y sinamantala ko ang pagkakataon para makawala mula dito. Gumulong ako pakanan saka ko inipon ang aking lakas mga paa ko. I dodge back to keep a distance.

Mabilis kong pinunasan ang putikan kong mukha. Nang tuluyang matanggal ang mga ito'y tumambad sa akin ang bulto ng kalabang napalibutan ng mga patalim. Unti-unti nitong dinudurog at nilulusaw ang dandamukal na mga patalim. Tumagal iyon ng ilang segundo lang.

Nang makalaya ang katawan nito mula sa pagkakatabon sa mga patalim ay nagsimula na naman siyang buuin ang mga itim na usok sa kanyang mga kamay. Ngumisi ito na tila ginanahan sa harapan namin. "You really are something, Idrish. You are an heiress, indeed."

Bumulusok si Montay patungo sa kinatatayuan ko. Mabilis kong hinawi gamit ang kaliwa at kanan kong palad ang mga nakaabang na sandata. Iba-iba ang laki at hugis ng mga ito mula sa iba't ibang direksyon. Just one pierce in her skin and it will distract her!

Napasigaw ko ako habang umaatras. Hindi ako pwedeng madikit sa kanya. It is my disadvantage. Patuloy ang pag-ulan ng mga sandata. Nagagawa naman nitong durugin at gawing abo ang mga espada, punyal, sibat at palaso. Dinoble ko ang dami ng reinvented blades. Mula sa iba't ibang direksyon, tumubo ang mga ito ng isang iglap.

Napapasigaw si Lady Montay habang sinusubukan nitong lumapit sa akin. Pasuray-suray naman akong umaatras kasabay ng pagpapatubo ng mga sandata sa lupa at sa ere. Dala marahil ng magkahalong poot at pagod, tanging isang malakas na sigaw ang namutawi sa bibig ko habang hinihintay ang pag-atake ng The Miss.

I gather my palms together and the pointy ends of the blades flock together at one point—Lady Montay's heart. Silver flashes blind me as they attack The Miss.

Hindi naman nagpadaig ang kalaban. Dinoble nito ang panangga mula sa mga patalim ko. Electric threads cover her body and continuously run around her. The threads easily dissolve the incoming swords and turn them into metallic ashes. Nagawang lusawin ng kalaban ang lahat ng mga patalim ko hanggang sa muli na naman akong mahagip ng makamandag na kamay nito. Her fists strangle my neck like a deadly phyton ready to empty the air in my chest.

For a moment my breathing is meddled. Pinilit kong kumawala mula sa mga kamay nito pero tila lahat ng pwersa at kapangyarihan ay naipon na doon. The soaring pain stabs through my skin down to my spine. Pumalag ako hanggang sa nagawa niya akong iangat sa ere ng walang kahirap-hirap.

"This is not a painful death, Idrish. I am bringing you to where you should belong. Hindi mo na kailangang lum—" Hindi naituloy ni Lady Montay ang sasabihin. Nanlaki ang mga nito sa sobrang gulat. Unti-unti na ring humihina ang pagkakasakal nito sa akin.

Mahigpit at tila naipon na lahat sa tatangnan ng punyal ang buong lakas ko. Nakapa ko ito kaninang halos mawalan na ako ng hininga mula sa pagkakasakal ni Lady Montay.

You may use this as your last resort. Umalingawngaw pa sa utak ko ang boses ni Kenru.

"H—how c—come?" hindi makapaniwalang untag ni Lady Montay. Tila nabaligtad ang ikot ng bola. Ngayo'y nakasandal na ang buong bigat niya sa punyal na nakatarak sa dibdib niya.

I stab her heart. Her evil heart.

"You can nullify everything my gauntlet creates. That's the strength of your power. Every strength comes with a weakness. This dagger is not restored nor reinvented. This is a real dagger—a weakness of your power." Idiniin ko ang pagkakatarak ng punyal sa dibdib nito saka inikot ng ilang ulit ang hawakan.

Halos mapigtas ang mukha nito sa sobrang kirot, hindi pa ito bumibitaw. Blood flow through her mouth as her eyes begin to weaken. "T—the rest of the council, t—they will come looking for you. T—they w—will hunt you. A—all of you."

"I will be waiting for them... with my gauntlets or my bare hands."

###

Song of the Winter Solstice (Gauntlet Series 1)Where stories live. Discover now