Chapter 2

19K 411 23
                                    

"Omaygosh! Isaac Dryle is here," bungad na sigaw ng isang babae pagkapasok ko pa lang sa Engineering building.

Siguro nga nakakapagtatakang andito ako sa building nila. Di naman kasi ako dumadayo rito ngayon lang.

"Uy, Dryle. Ba't andito ka? Nagsawa ka na ba sa mga babaeng makakapal ang make-up?" natatawang sabi ni Tristan na papalabas sana ng building.

"I'm bored," sabi ko naman habang kinakaladkad siya palayo sa mga babaeng nagsilapitan sa akin.

"Ano naman kung bored ka? Saka kakain na ako. Puntahan mo na lang si Zooey doon sa 5th floor. Malamang andoon 'yon tumatambay."

Pilit siyang kumakawala sa paghatak ko sa kanya kaya andito pa rin kami sa baba ng hagdanan.

"Teka. Kilala mo iyon?" biglang tanong ko kay Tristan nang may nakita akong babaeng paakyat ng 2nd floor.

Mukhang namumukhaan ko kasi siya.

"Sino?" Napatingin naman sya sa taas.

"Ewan."

"Di alamin natin."

Hinatak ko na talaga siya paakyat. At nang makarating na kami sa 2nd floor, agad namin siyang sinundan. Nang palingon siya ay agad ko namang hinila si Tristan papuntang gilid.

"Teka, teka. Ba't ba tayo nagtatago?" tanong naman ni Tristan.

"Ewan. Feel ko lang," sagot ko sa kanya.

Nagtinginan lang kami. Ba't nga ba?

"Ganito pala maging stalker ang isang Isaac Dryle Alfonzo Guevarra. Bwahaha. Parang tanga."

Aba namumuro na sakin 'tong Tristan na'to. Ipapa-ambush ko na kaya 'to sa mga babae ko.

"Tumigil ka. Curious lang ako. Magkaiba ang curious sa stalker, spelling nga iba di ba?" paliwanag ko sa kanya.

"Oh ayan na, wala na ang sinusundan natin," sabi naman niya nang ibinalik ang tingnan sa sinusundan namin kanina.

"Woah! Di ko inakala na dito ko kayo makikita," nakangising bungad naman ni Zooey sa amin.

"Ito kasing si Dryle may..."

Ang daldal talaga ng Tristan na'to. Alam ko naman ang gusto niyang sabihin e. Na may stinu-stalk ako. Buti na lang napigilan ko.

"Wala. May nawala lang ako," sabi ko naman kay Zooey.

"Ang swerte ko talaga. Kanina iniisip ko pa kung andito lang si Isaac. At wish granted agad."

Hindi ko alam kung anong pakay ng Zooey na'to at sa sobrang tuwa niya halos mawala na ang mata niya. Paghalf-Chinese nga naman.

"Heto. Isaac Dryle Alfonzo Guevarra, may the force be with you!"

Aba ano ba 'tong binigay niya. Ang bigat. Anong klaseng libro ba'to at umabot ng ganito kakapal?

"Ang kapal naman. Ito na ba iyon?" tanong ni Tristan kay Zooey.

Mukhang sila lang nagkakaintindihan.

"Hoy, ba't sakin mo 'to binigay?"

"Dahil ikaw lang naman ang nag-iisang Isaac Dryle Alfonzo Guevarra, di ba?"

Minsan lang nga nila akong tawagin sa complete name ko, at ito pa ginagawa nila. Alam na alam talaga nila kung kelan ako tatawagin ng ganito. Pag may kelangan lang sila.

"Then, what?" bulyaw ko naman sa kanya.

"I need your super power. Punta ka doon sa room 248 at ibigay mo iyang libro."

"Pinagsasabi mo?" Kunot-noong tanong ko. "Ibibigay lang naman pala eh. May pa super power ka pang nalalaman."

Ayun nga at naglakad na ako papuntang room 248.

"In case of emergency gamitin mo lang ang powers mo," sigaw ni Zooey sakin sa likod.

"Kung di mo kaya tawag ka lang sa 911," dagdag naman ni Tristan.

Mga unggoy na'to kung anu-ano na lang naiisip. Ang liit ng mga utak. Nagtawanan pa nga sila.

Nasa harapan na ako ng pintuan at medyo madilim ang room.

Meron ba talagang tao dito? Baka pinagtritripan lang ako noong dalawa.

Dahil di rin ako makapaghintay kaya binuksan ko na ang pinto.

"Excuse-"

What is this? May natapakan ako. Medyo bilog kaya naisipan kong sipain para makapasok ako ng maayos. Ngunit nang nasipa ko, doon ko lang nakita kung ano ang bagay na sinipa ko. Mga bungo.

Alam kong di naman totoong bungo 'to kasi ang gaan nang sinipa ko. Mukhang gawa lang sa plastic. Pero kahit na ganoon medyo creepy pa rin.

"Ba't ang daming mga bungo dito?" sabi ko sa sarili.

Kitang-kita ko na nagkalat sa sahig at ang iba ay nakasabit pa sa dingding.

"Mr. Guevarra, what brought you here?"

Mas lalo akong nabigla nang may nagsalita sa harapan.

"Sino ka?"

Di ko siya maaninag dahil sa medyo madilim ang room ang sinag lang sa labas ang nagbibigay liwanag sa kwarto.

"I'm your girlfriend," sagot niya habang unti-unting lumalapit sa akin.

"Tss. Everyone claims to be my girlfriend," sabi ko naman.

Ngunit patuloy parin siyang lumalapit sakin kaya napaatras na lang ako hanggang sa nakasandal na nga ako sa dingding.

"I'm not one of them. I don't claim something untrue," sabi niya sabay patong ng kanang kamay niya sa balikat ko habang ang isang kamay niya nasa beywang ko.

This girl is seducing me. But Isaac Dryle Alfonzo Guevarra is not going to be seduce. For no one can seduce Isaac Dryle Alfonzo Guevarra.

"Sorry but I don't play someone being sedu-"

Di ko na natuloy ang pagsasallita kasi biglang may nagclick at umilaw.

"Anong ineexpect mo Mr. Guevarra? Did I disappoint you?"

She smiled like nothing happened. Well maybe wala nga.

"Have we met before?" Ika ko sa kanya. Mukhang familiar kasi siya. Di ko nga lang maalala.

"You can answer that Mr. Guevarra."

"Pwede mo na ilagay iyan dito."

Turo niya sa librong hawak ko habang inaalis ang mga bungo na nakapatong sa mesa.

"Ba't pala ang daming ganito dito? Di pa naman hallowen," sabi ko sa kanya habang nagmamasid sa mga bagay na nakasabit sa dingding.

"Di kelangang hallowen para magsabit ng ganito. And I want my room to be like this. So nothing's wrong."

Napanganga na lang ako sa mga narinig ko. Wala ata siya sa matinong pag-iisip. Napakaweird niyang babae. Pang-out-of-this-world ang pag-iisip. She's no ordinary.

"Saka sabihin mo sa dalawang iyon na dadanak ang dugo pag di sila sumipot."

Napatingin siya sa may pintuan kaya tumingin na rin ako. At ayun nakita ko ang dalawang unggoy.

Pero mukhang mag-eenjoy ako rito. May bago na akong pagkakaabalahan. And it's worth watching for.

"And you Mr. Guevarra. You should know where you belong."

Anong pabelong-belong sinasabi nito?

Kelan pa naging bagay ang isang Isaac Dryle Alfonzo Guevarra?

That can never happen.

No Ordinary Playboy (PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS - The 2018 Wattys Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon