Another Special Chapter!

6.9K 98 4
                                    

A/N: This special chapter is dedicated to everyone who loved this story. My heartfelt thanks to all who contributed to the number of reads, votes and comments!

And making it possible to be one of The 2018 Wattys Winner!

Behind Story of the Playboy

I've been secretly sneeking here for a week now. Mula noong una akong pumunta sa building na ito nagkaroon na ako ng dahilan na bumisita rito.

"Uy, Dryle! Nandito ka na naman? May sinusundan ka na naman siguro." Halos bulalas na sabi ng pinsan kong si Tristan nang makita ako sa lobby.

"Ako? May sinusundan? Ako ang sinusundan kaya bakit---"

Hinila ko patago si Tristan nang may marinig na papalapit sa amin. Nasa likod kami ng pintuan nagtatago.

"Bakit tayo nagtatago? Wala naman tayong ginawang masama ah," pabulong niyang sabi.

"Alam mo naman na pagkakaguluhan nila ako kapag nakita nila ako rito. Hindi ko magagawa ang pakay ko kapag ganoon."

Nauna akong lumabas nang wala nang tao.

"Ano bang pakay mo dito?"

"You don't need to know. Umalis ka na lang para magawa ko na ang pakay ko."

Tinulak ko siya paalis. Istorbo lang siya sa akin. At alam kong ang tabil ng dila ng unggoy na 'yon kaya hindi dapat isama sa lakad ko.

Nalibot ko na ang buong floor pero hindi ko pa rin siya nakita.

Pumatong ako sa ibabaw ng malaking upuan sa lobby. Mataas ang upuan kaya nakikita ko pati ang nasa ibaba. Walang tao sa labas. Nasa klase siguro ang lahat.

Isang linggo na akong nagmamasid dito pero hindi ko na sila muling nakita. Pakiramdam ko talaga may tinatago si Zooey sa amin. Hindi naman siya madalas nakikipag-usap sa ibang tao maliban sa amin.

Sa aming apat na magpipinsan siya ang mukhang suplado. Kaya walang lumalapit na babae sa kanya.

"Is that my Sacky?!"

I heard loud screams. Oh, no! This is not the time to play.

Agad akong bumaba sa upuan para tumakbo. Baka magduda na si Zooey kapag nalaman niyang pumupunta na ako sa building nila.

Nagpaikot-ikot ako sa buong floor dahil wala akong mapagtataguan. Lahat ng rooms dito ay may klase.

Kung tumalon na lang ako pababa? Isang palapag lang naman ang kailangan kong talunin.

"Andito talaga ang baby Isaac ko! Hanapin natin!"

Ayan na sila. I don't have a choice.

One! Two! Three!

Tumalon ako agad bago pa nila ako makita.

"That was close!" Buntung-hininga kong usal nang makalapag sa first floor.

Tumayo ako at nakita sa harapan ang babaeng gulat na gulat.

Well, sino ba ang hindi magugulat pagnakita ang nag-iisang Isaac Dryle Alfonzo Guevarra?

Pinitik ko ang dalawa daliri sa harap ng babae. Wala siyang ibang reaksyon kundi ang gulat.

"Sorry if I'm too handsome for you to handle. Just accept...that I exist."

Tinapik ko ang balikat niya at nakita kong umangat ang dalawa niyang kilay. Kung kanina ay gulat ang nakikita ko sa kanya ngayon mukha na siyang galit na galit.

"Isaac Dryle Alfonzo Guevarra, kailanman ay hindi ko talaga maiitindihan ang mga tulad mo. Wala akong pakialam kung masyadong mataas ang tingin mo sa sarili. Ang hindi ko lang matanggap ay ang pinaghirapan ko buong gabi nai-bake ay natapon lang dahil sa tumalon ka nang walang pasabi sa mismong harapan ko."

No Ordinary Playboy (PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS - The 2018 Wattys Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon