Chapter 22

4.4K 84 2
                                    

Tristan's POV

Nakahanda na lahat. Di ko akalain na magiging ganito kami kahanda. Ang totoo ngayon lang kami nagkaisa sa isang napakadilikadong sitwasyon. Alam namin na dapat mag-ingat kami. Isang kilos lang at baka mapahamak kami lalo na si Amanda. Ang isang bagay na inaalala ko ay ang pagkakaspoiled niya. Hindi manlang siya nag-aalala sa sarili niya.

"How's my groom?" Masayang sabi niya habang nag-aayos ng sarili.

"Baka mahuli tayo nito."

"Sssshh. Don't talk too much. They said she's already here. Mas mahuhuli tayo niyan. Just act normal." Bulong niya habang inaayos ang tie ko.

Mayamaya may nagring na phone.

"May tumatawag sayo?" Tanong ko bago siya natigil.

"What's up?" Sagot niya. "Ano papunta siya rito sa dressing room ko? Okay kami na bahala nito. Just let the police know. I'll make her admit her crimes." Huling sabi niya bago ibaba ang cellphone niya.

"Just hide somewhere. Let's take the plan B. Mukhang hindi na niya kayang maghintay. Dito na lang natin tapusin kahibangan niya." Tinulak niya ako papasok sa kabinet. "Just keep quit and record our conversation."

"I'll be here. I'll watch over." Sabi ko bago in-on ang cellphone.

"Good boy." Sabi niya at sabay kindat sa akin. Pambihirang babae. Di man lang siya kinakabahan dito.

Sinara niya ang kabinet habang nakadungaw naman ako sa isang maliit na butas para magmasid.

Sinusuklay lang niya ang buhok habang nakatingin sa salamin.

At hindi nagtagal ay may kumatok. Nagpatuloy lang siya sa ginagawang pagsusuklay.

"Come in." Wika niya na nakangiti.

Agad namang pumasok ang taong inaasahan namin. Nakangiti itong bumati sa kanya.
"Hello. Just want to thank you for inviting me here."

"It's my pleasure to have you as my guest. The Montero Enterpries Inc. is one of our shareholders. And I know you, personally." Amanda said before facing her.

"You know me? Really?" Halos patawang sabi niya kay Amanda.

"Oo naman. I've met you before sa university. We graduated from the same school. And my groom also quite know you. He said, he met you."

"I thought nobody remembered me. I wasn't good enough to be remembered anyway. I was just a nobody. Hindi ako kasing ganda mo. At hindi ako matalino kagaya ni Dannie. I was quite please to know that, you know." Tawang-tawa siya. Hindi ko talaga maintindihan ang mga babae. Halos ikabaliw na nila ang paghahabol sa taong wala namang gusto sa kanila.

"You know, I'm always watching you. And I couldn't help but think what if you didn't exist. What if I was the one who is bound to marry a Guevarra? What if Isaac Dryle notices me before everyone came into the picture? Halos ikabaliw ko na nga. I was in despair these past few years while you...you are having a good time. I brought you bouquet of flowers and sent you when it dies just to scare you. So you will leave his side. But you just ignored all of them! I never failed to get rid of the girls around my Isaac Dryle. I already did this to his so-called girlfriend, Dannie. And now, I am planning to do it to you."

"What did you do to her?!" Sigaw ni Amanda. Hinahanda ko na rin ang sarili ko. Baka kasi ano pang gawin ng babaeng 'to dito.

"Hahahaha! Ako lang naman ang may utos na sagasaan siya. Diba halata yun?..." patawang sabi ng baliw na babae. "At ikaw na ang susunod!" May hinigit ang babae na kung ano. Pambihira! Baka nakapuslit pa 'yan ng baril.

Lumabas agad ako bago pa may masamang mangyari sa kanila. Halatang gulat na gulat ang baliw na babae.

"Aba, may kasama ka pala dito! Wag kayong mag-alala magsasama rin kayo sa kabilang buhay." Tama nga ang hinala ko. May baril nga siya. Saan na ba ang back-up namin? Baka mapahamak talaga kami nito.

"Sa likod ka lang." Sabi ko kay Amanda.

"Alam nyo bagay kayo. Kayo na lang sana at sana di ko na kailangan pang manggulo." Nanginginig na sabi niya habang tinututukan kami ng baril.

"Tumigil ka na sa kabaliwan mo!"

"Shut up! Wala kang alam!" Patuloy pa rin ang pagtutok niya ng baril.

"Ibaba mo ang baril Ms. Montero!" Sa wakas at lumabas na rin ang mga pulis.

"Pinagkaisahan ninyo ako! Di ako susuko!" Litung-lito siya. Halos di na siya mapakali.

"You have no choice Ms. Montero. You can defend yourself through your laywer. Just listen to the police." Mike interupted.

"Nooooo! I can't! If I can't have my love then I should better die!"
Biglang tinutok niya ang baril sa sarili pero may umagaw rin nito sa kanya.

"If you want to die, then kill me first. Ako naman di ba dahilan kung bakit ka nagkakaganito?" Tinutok ni Isaac ang baril sa sarili.

Isa pa itong lalaking 'to. Napakahero talaga! Minsan tuloy naiinis ako sa mga bida. Yung sila ang importante sa kwento pero hindi naman nila pinahahalagahan ang buhay nila.

"Kill me now! I don't want to bother everyone with my presence. If my presence can cause everyone to suffer, then let me die."

Ngayon ko lang yata talaga naintindihan si Isaac. Akala ko napakasaya niyang halos lahat ng atensyon nasa kanya. Pero ang totoo pala pilit niya lang tinatago ang lahat ng sakit. Noong nawala sa katinuan ang mama niya, halos naging sunud-sunuran siya. Ang pagiging isang Isaac Dryle Alfonzo Guevarra pala ay hindi isang napakalaking gantimpala. Isa rin itong sumpa na pilit kinakalimutan niya.

Isang malakas putok ang kumawala sa loob. Halos hindi ako makakilos sa pagkabigla. Mabilis namang nilapitan ng pulis ang nakaluhod at nanginginig na may hawak ng baril. Hindi niya maiangat ang sarili kaya ang mga pulis na ang bumangon at pumusas sa kanya.

"Give your phone to the police so that they can include the voice recordings in their investigation." Tinapik ako ni Amanda. "You know what makes me like an Isaac Dryle Alfonzo Guevarra?" Dagdag niya. "He's bravery. He is willing to sacrifice himself...and I think I also saw it in you. I think it wouldn't take long for me to like you. Maybe we should make this fake wedding real..." She said it in sweet voice.

Nakakakilabot ang babaeng 'to. Nadadala pa niyang magbiro nang ganito sa sitwasyon namin.

"Tigilan mo nga ako babae. Wag ka ngang manakot. Di pa halloween ngayon." Agad na akong umalis para puntahan ang mga pulis. Kahit hindi ko siya lingunin, alam kung hamagalpak na sa tawa ang babaeng 'yon. Nakakainis.

No Ordinary Playboy (PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS - The 2018 Wattys Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon