Chapter 14

5.5K 133 5
                                    

"Si Pogi! Andito si Pogi"

"Pogi!"

"Ang pogi talaga ni Pogi!"

Masaya akong nilapitan ng mga tao roon nang dumating. Pogi na nakasanayan nilang itawag sa akin. Nagkandarapa nga silang lumapit sa akin.

"Kamusta na kayo? Namiss nyo ba ang kapogian ko?" I greeted them.

"Siyempre. Walang pogi dito e," sabi ng isa.

"Walang pogi kasi magaganda ang narito," sabi ko sa kanila sabay kindat.

"Naku, payakap nga pogi!" Walang pasabi akong niyakap ng isa rin sa kanila. At ang iba naman ay sumali na rin. Niyakap ko rin sila ng mahigpit.

"Ang bangu-bango pa!"

"Amoy baby! Hmmm."

Pinanggigilan nila ako at nang magsawa ay kumalas na sila sa pagkakayakap sa akin.

"Ba't may diwata dito?" Manghang tanong ng isa sa kanila.

Diwata?

I think they need to proceed to their therapy now. Nagha-halucinate na ang isa sa kanila.

Iba-iba ang ginagawang technique sa therapy nila dito. Dahil depression ang isa sa mga dahilan ng pagkawala nila sa katinuan, they are exposed to activities where they can express their emotions. Most cause of depression is the the lack of emotional attention. They undergo painting, acting, singing sessions.

"Hello, po!" Narinig ko ang boses ni Dannie sa likuran ko. Ang ganda niya tingnan ng nakangiti. Para siyang isang diwata.

"Anong dahilan at napadpad ang diwata rito?" Wika ng may isa sa mga may-edad na babae.

Ang facility na ito kasi ay para sa mga middle-aged woman na pasyente. And loneliness is one thing that drove them away from sanity. They are once lonely women who longed for love and attention.

"Kasama po ako ni Pogi." Ngiting sabi ni Dannie ng lumapit sa tabi ko.

She's indeed a fairy. Hindi sila nagkamali sa sinabi. And I don't know why but what she said seems music to my ears. I like it. The way she said it is so sweet like chocolate.

At mukhang gusto rin nila si Dannie kaya hindi ako magkakaproblema. The day will go smoothly for the both of us.

"Ang gandang diwata. Bagay kay Pogi." Parang nagcheer naman ang mga boses nila. Tumatango sila sa bawat isa.

"Magsisimula na ang sayawan. Halina kayo't sumayaw sa saliw ng awit." Isang sigaw ang nanggaling sa team ng mga nakaputi ang suot na siyang nagbabantay sa kanila. Iyon ang therapist nila. Nakilala ko ang ilan sa kanila. Sila ang palaging naaabutan ko kapag dumadalaw.

Agad naman silang pumorma na parang nakagawian na nila. Masaya silang nagsayawan.

Nasa garden sila nagsasayawan. Hinila naman ng isa si Dannie para ayaing magsayaw. Sumunod naman siya at nakihalubilo sa mga pasyente.

"Saan siya?" Tanong ko nang makalapit sa isang staff na nakilala. Ngumiti naman ito sa akin bago tinuro ang hinahanap ko.

"Hindi siya madalas makisama sa iba at pili lang ang kinakausap pero unti-unti naman ang improvement niya. Madalas siyang naglilibot dito para makita ang mga bulaklak. Malapit na rin siyang makalabas kung patuloy ang pagbuti niya. Ang ilan sa mga nandito ay naghihintay na lang sa mga pamilya nila." Aniya.

"That's good news. They deserve happiness."

Agad kong pinuntahan ang hinahanap ko. She is busy smelling the flowers.

"Mind if I join you?" Tumabi ako sa kanya at inamoy rin ang mga bulaklak. They really are beautiful.

"Ikaw na bata ka! Di 'yan ganyan hawakan. Dapat ikaw ang lumapit sa bulaklak at hindi sila ang hinihila mo." Tinapik niya ang balikat ko.

"Okay! I get it." Pinakawalan ko ang pagkakahawak sa bulaklak. At itinaas ko ang dalawang kamay.

"Bakit ngayon ka lang? Hindi mo ba ako kukunin dito?" Nakapameywang niyang sabi.

Maayos na siyang magsalita pero gusto kong makakaya na niya ang mundo sa labas nito. Kailangan niyang maging malakas. For now, she isn't completely healed. They still need to monitor her.

"I'll get you out of here soon. Pag okay na ang lahat. It's a promise." Malambing kong sabi sa kanya.

"Gusto ko na rin na dalawin ang dad mo." May lungkot na sabi niya.

"We will, soon. Kaya hintayin mo lang ako. Gagawin ko lahat para magkasama tayo ulit." Mahigpit ko siyang niyakap. "Shall we dance?"

"Hindi naman ako marunong," tanggi niya.

"Let's try then." Iginaya ko siya papunta doon sa nagsasayawan.

Sinayaw ko siya. Dahan-dahan ang hakbang ko habang sinasayaw siya. Masaya naman siyang sumusunod sa akin.

"Marunong ka naman," sabi ko.

Hindi siya sumagot. Ngumiti lang siya. Ang saya ko na makita ang mga ngiti sa mukha niya. It was really worth the wait. Kaya kong tiisin ang lahat para sa kanya. She means everything to me. Lahat gagawin ko makasama lang siya.

"Isayaw mo naman siya." Huminto siya sa pagsasayaw. "Gusto ko kayong makita na nagsasayaw."
Hinila niya si Dannie sa harapan ko.

Mukhang nabigla si Dannie pero nakabawi naman siya.

"May I dance with you, my fairy?" Yumuko ako at inilahad ang kanang kamay ko sa kanya.

"Yes, of course, handsome." She chuckled. Parang natatawa pa siya sa sinabi.

Kailan pa siya naging ganito ka-cute? Ang babaeng ito talaga ang daming tinatagong personality.

Inabot niya ang kamay ko at nagsimula na kaming sumayaw. Pero biglang nag-iba ang kanta. Mula sa masiglang music ay naging slow ito. Kaya napabagal din kami. Slow motion ang paghakbang namin. Napansin kong hindi na nakatingin ng diretso sa akin si Dannie. Nakayuko lang siyang nakahawak sa braso ko.

"Kung hindi tayo sinet-up ni Mike, may chance kayang magkakilala tayo?" Biglang sabi ko habang marahang sumasayaw. Natigilan siya sa sinabi ko. Hindi siya kumibo kaya pinatong ko na lang ang mga kamay niya sa balikat ko dahilan ng pagkakaangat niya ng tingin sa akin. "Maybe you'll fall everytime you see me like you always do."

"Baka minalas lang ako dahil sa 'yo." She smiled.

"Don't worry. I'll catch you everytime you fall."

"Sa dalawang beses na iyon, wala akong natatandaang sinalo mo ako. Kaya tigilan mo ako." Banta niya.

"It's for your third fall. And your fall after that."

"Let's see. You have five months to do that." She patted me.

The music stop and everyone applaused. They happily clap their hands and so do I. I'm so happy for them. They can now live a happy life. They are no longer the damsels in distress. Everyone should love and be loved.

No Ordinary Playboy (PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS - The 2018 Wattys Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon